CHAPTER 28

3.1K 140 104
                                    

CHAPTER 28

"Bilisan mo nga." Sabi ko kay Taehyung habang pinapanuod syang magbihis. Inuna pa nya kasi yung pagte-text kay Erin bago sya maligo, feeling walang pasok amputa.

"Eto na nga eh." Sabi nya saka binutones yung polo nya. Tinignan ko kung anong oras na, 6:49 na.

Tumayo na ako saka sinuot yung bag ko. Kami na lang yung natira sa bahay kasi maaga umalis yung apat.

"Anong masamang espiritu yung sumapi sayo at maaga ka talagang gumising? Ikaw pa gumising sakin." Sabi ni Taehyung at halatang inaantok pa sya.

"Wala lang, sinisipag lang ako pumasok." Sabi ko. Ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Taehyung.

"Sus. Sakin ka pa magsisinungaling. Alam ko namang gusto mo lang makita si Yoongi eh."

Umiwas ako ng tingin, "Hindi ah. Mabuti lang talaga akong estudyante."

Tinaasan ako ng mid fing ni Taehyung, "Eto ka, bro."

Tinulak ko lang sya. Nakarating na kami sa school at dumiretso kami ni Taehyung sa classroom namin. Saktong pagdating namin, saka rin dumating si Yoongi.

Umupo na ako sa upuan ko at tinignan ko yung coffee cup na nilagay ni Yoongi sa upuan ko.

Tinignan nya ako saka tinuro yung cup, "I thought you love coffee?" Tanong nya sakin.

Ngumiti ako saka tumango at kinuha yung coffee. Naalala ko nung sinabi ko kay Yoongi dati yung mga bagay na gusto ko. Naaalala pa pala nya.

"Thanks." Sabi ko bago uminom.

"Hi, Yoongi!" Bati ni Taehyung kay Yoongi. Tinignan sya ni Yoongi saka ningitian, "Hey."

"Ang tagal mong nawala ah. Hindi mo ba ako namiss?" Tanong ni Taehyung.

Napakunot yung noo ni Yoongi habang nakatingin kay Taehyung, "Sorry, sino ka nga ulit?"

Tinignan ako ni Taehyung saka tumingin ulit kay Yoongi, "Kim Taehyung! Ako to, si Taehyung. Hindi mo ba ako naaalala?"

Bakit hindi maalala ni Yoongi si Taehyung?

Biglang ngumiti si Yoongi saka tumawa ng malakas, "I'm just joking. Ofcourse naaalala kita, Taehyung."

Nakahinga naman ng maluwag si Taehyung saka tumawa rin, "Akala ko kinalimutan mo na yung pinakapogi sating magtotropa eh."

Naubo ako bigla sa joke ni Taehyung. Grabe talaga, ako lang naman yung gwapo dito. Mapagpanggap talaga yung mga kaibigan ko.

Yoongi just laughed at him. Nakakaramdam ako ng awkwardness sa aming tatlo.

"So, kayo na ba?" Taehyung asked out of the blue. Napaawang agad yung labi ko sa tanong nya saka umiling.

If Yoongi doesn't like me, I'm okay with this kind of treatment he's giving me. I could get used to it. Although I don't want to be friends with him 'cause I want more than that, I respect Yoongi's decision.

Tinignan ko si Yoongi na parang nagulat din sa tanong ni Taehyung, "We're friends."

Napataas yung kilay ni Taehyung, "Talaga? Friends lang?"

"Yeah, friends." I said dryly.

Taehyung doesn't look satisfied with our answers but instead of asking more questions, he just nodded.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now