CHAPTER 14

2.8K 142 90
                                    

CHAPTER 14

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Namjoon habang binibilang kami. Tumango kaming lahat at halatang excited na kami. Isa pa, may binibigay yung school namin na 1 week break tuwing pagkatapos ng exam para daw makauwi kami sa kanya kanya naming bahay.

Katabi ko si Arian saka si Yoongi. Ang kulit kasi ng babaeng to, sabi ko gusto ko sa may tabi ng bintana pero nagpumilit doon kaya ayan, napapagitnaan tuloy ako nung dalawa.

"Lumipat ka na kasi dito!" Sigaw ko kay Arian pero nagbelat lang sya sakin. Hatakin ko kaya dila netong babaeng to.

"Dyan ka lang. Saka wag ka ngang maingay, bumabaho sa loob ng sasakyan eh." Sabi nya kaya nanlaki yung mata ko at tinignan ko sya.

Pinaamoy ko sa kanya yung hininga ko habang hinahawakan ko yung kamay nya para hindi nya malagay sa ilong nya, "Gusto mo lang maamoy hininga ko eh." Sabi ko sa kanya.

Binitawan ko na sya kaya pinagpapalo nya ako. Amazona talaga tong babaeng to.

"WALANG FOREVER!" Narinig kong sinigaw ni Hobi galing sa likuran namin.

"Forever kayo ng baba mo tanga!"

Binigyan nya ako ng mid fing kaya minid fing ko rin sya. Narinig kong tumatawa si Yoongi sa gilid ko habang umiiling-iling pa.

"Matutulog ako. Wag mo kong kukulitin, sasapakin ko itlog mo." Sabi ni Arian saka naglagay ng earphones sa tainga nya at pumikit.

Napatingin ako sa earphones na inaabot sakin ni Yoongi, "Gusto mo marinig yung ginawa kong kanta?" Tumango ako saka kinuha yung right side ng earphones.

"Hindi pa tapos yan pero malapit na rin namang matapos." Sabi nya. Nagsimula nang magplay yung tugtog at napangiti ako sa pinapakinggan ko.

Nakita kong nakatitig sakin si Yoongi kaya binulungan ko sya, "Ang ganda."

"Salamat." Sabi ni Yoongi. Kukunin na nya sana yung earphones nya pero pinigilan ko sya.

"Magpatugtog ka pa. Ang pangit ng pinapatugtog nila Taehyung, pang-jejemon." Sabi ko. Ningitian nya ako saka tumango at nagpatugtog.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ni Yoongi. Tinapik tapik nya yung pisngi ko kaya napamulat ako, "Nandito na tayo sa Laguna." Sabi ni Yoongi kaya kahit inaantok pa ako, nag-unat na ako saka sya sinundan palabas ng sasakyan.

"Beach!" Sigaw ni Taehyung. Napakunot yung noo ko, "Ano? Bitch?"

Tinignan nya ako habang nakataas yung isang kilay, "Beach?"

"Bitch." Sabi ko. Tinuro nya ako saka inikot yung daliri nya sa gilid ng noo nya na parang sinasabi na baliw ako.

"May sayad talaga tong si Jimin." Sabi ni Taehyung saka inakbayan si Hobi, "Tara na nga."

"Walang kwentang boyfriend to, di man lang ako tinutulungan!" Sigaw ni Arian kaya nilingon ko sya. Bitbit nya yung mga gamit nya. Tutulungan ko na sana sya pero kinuha ni Jungkook yung mga gamit ni Arian.

"Ako na magbibitbit." Sabi nya saka sinabayan sa paglalakad si Arian. Napakunot yung noo ko sa ginawa ni Jungkook pero hinayaan ko lang sya saka ako naglakad papasok sa resort.

Napanganga ako sa sobrang ganda ng resort nila Namjoon. Pero hindi ko magawang maging masaya para sa buhay ni Namjoon dahil alam ko yung kwento nya at kung bakit mas pinili nyang magdorm kasama kami sa school.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now