CHAPTER 27

2.6K 132 79
                                    

CHAPTER 27

"Tanga ka talaga minsan, Jimin." Sabi ni Namjoon bago istart yung engine. Natanga pa ako, alam ko namang gusto nilang mag-party ngayon.

"Pupunta ba talaga si Yoongi?" Tanong ni Jin saka tumingin sakin sa rear-view mirror.

Tumango ako at mas lalo lang akong nabadtrip nung binanggit nya si Yoongi. Kaya lang naman ako pumayag na pumunta sa party ni Xy kasi nagselos ako sa pakikipag-usap ni Yoongi kay Faye.

"Seryoso ba talagang sa Gleason University na rin nag-aaral si Yoongi?" Tanong ni Hobi sakin.

Nakwento ko na kasi sa kanila kung ano yung nangyari kanina.

"Seryoso yon. Nagulat din ako." Sabi ko, "Late enrollee sya."

"Malapit na tayo." Sabi ni Namjoon.

Ayoko talagang pumunta pero gusto kong bantayan si Yoongi. Gusto ko si Yoongi at alam kong wala akong karapatan. Hindi naman sakin si Yoongi. Wala rin syang gusto sakin.

Pero ako ang nauna kay Yoongi. Selfish na kung selfish pero gusto ko, akin lang sya.

Nakarating na kami sa bahay ni Xyrene. Hindi rin naman gusto ng mga kaibigan ko na pumunta dito pero ayaw daw nila na mag-isa lang akong pumunta dito.

"Hey, you came." Sabi ni Xyrene pagpasok namin sa loob. Umikot agad yung mata ko sa paligid at hinanap si Yoongi.

Nakita ko si Yoongi na nakaupo sa pool habang katabi si Faye.

"Yeah, I don't break promises." Sabi ko saka kinuha yung baso ng alak na inaabot nya sakin.

Galit akong uminom habang nakatingin pa rin kay Yoongi at Faye. Ang saya nila tignan at nagtatawanan pa silang dalawa.

"You should accompany my friends, ayos lang ako dito." Sabi ko kay Xy saka tinuro yung mga kaibigan ko na nanunuod lang sakin na makipag-usap kay Xy.

"But I only want to accompany you." Sabi ni Xy saka ako hinawakan sa braso.

Tatanggalin ko na sana pero nakita kong nakatingin samin si Yoongi kaya mas lalo kong hinigpitan yung paghawak ni Xy sa braso ko.

"Okay, then." Sabi ko saka ningitian si Xy.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nakita ko sila na may kanya kanya nang mundo. Nakikipaglandian na si Hobi sa iba samantalang yung apat na ungas, mga feeling loyal at nagkukwentuhan lang sa gilid.

Naglakad kami ni Xy papunta sa pwesto nila Yoongi at nakita kong nawala yung ngiti sa labi nya.

Nagseselos kaya sya?

"Nice, Xy." Sabi ni Faye saka tumayo mula sa pagkakaupo nya sa pool. Tumayo rin si Yoongi saka lumapit samin.

"They really came tonight." Sabi ni Xy saka ako tinignan, "You'll have a very good night with me Jimin."

Nakipaglabanan ako ng titig kay Yoongi. Seryoso lang sya na nakatingin sakin at ganon din ako sa kanya. Alam naman nyang gusto ko sya tapos bigla syang lalandi sa harapan ko? Nananadya ba sya?

"Kanina ko pa kasama si Suga." Sabi ni Faye saka kumapit sa braso ni Yoongi, "Are you having fun with me, Suga?"

"Yeah." Yoongi said without hesitation.

Umiwas ako ng tingin. Naiinis ako lalo sa mga magkakaibigan na to.

"Park Jimin." Napalingon ako nung narinig ko yung pagtawag ni Jungkook sa pangalan ko.

One Kiss, One Lie | yoonminWhere stories live. Discover now