Chapter 2

5.7K 234 33
                                    

Maxine's POV

"COME IN!" SIGAW ni Kimmy at binuksan ko yung pinto saka sumilip sa loob, as usual, mag isa lang siya.

"Hi!" bati ko at ngumiti siya ng malapad.

"Hi! Nakabili ka!? Nakabili ka!?" masayang tanong niya pagkababa niya yung binabasa niyang comics/manga.

"Hindi eh" sagot ko, hindi parin ako pumapasok.

"Aww" sabi niya at naging malungkot ang muka niya.

Hindi ako nakabili pero may nakuha ako" tapos ipinakita ko yung Heart candy.

Dali siyang naging masaya at nag 'yey!' "Saan ka kumuha?" tanong niya, "at ba't ayaw mong pumasok!?"

"Ahh, ehh.. ano kasi" sabi ko saka tumingin ako kay Cole na naiinis na naman sa akin, "may kasama ako" sabi ko kay Kimmy at kumunot ang noo niya.

"Kasama? That's odd. Wala ka namang ibang friends maliban sa'kin ah"

"And I'd like to keep it that way" sabi ko saka binuksan ng husto yung pintuan at pumasok ako kasama si Cole.

"Oh.." sabi ni Kimmy habang nakatingin sa kasama ko, "hi!" bati niya kay Cole na tumango lang.

"School mate ko siya, siya ang nagbigay nito" sabi ko sabay abot sa kanya yung candy.

"Ah! Thank you! Ako si Kimmy" mabuti nalang at tinanggap ni Cole yung kamay ni Kimmy at naghandshake sila.

"No problem." Sabi lang ni Cole. Napansin ni Kimmy yung mga kamay naming nakaposas at itinuro niya.

"Nanggaling ba kayo sa kulungan? Grabe? Nakulong kayo para lang makakuha ng Heart candy??" tanong niya at natawa ako ng konti.

"Ako? Nanggaling sa kulungan? Imposible, kung si Cole pwede pa" sagot ko, "activity ito sa school" itinaas ko yung mga kamay naming nakaposas para ipakita saka ibinaba uli, "naalala mo yung kinekwento kong Cupid's Handcuff?"

Nanlaki ang mata niya saka pinaglipat lipat samin ni Cole ang tingin niya na parang hinihintay niyang sagutin namin ang tahimik na tanong niya: 'Sino'ng nagbayad sa mga Cupids?'

"Siya ang nagbayad sa mga Cupids." Siksik ni Cole.

"Hindi ah!" sigaw ko sabay suntok ng mahina sa shoulder niya, "huwag kang maniwala sa kanya!" sabi ko kay Kimmy.

"Hindi talaga ako maniniwala kasi wala ka namang pera eh" sabi ni Kimmy at napa'pfft!' si Cole.

Napayuko ako't pinindot yung pagitan ng mata ko, oo nga naman, pero kailangan ba niyang sabihin!? Meron kaya akong pera, yung pambili ko sana ng Heart Candy niya.

"Hehe joke lang, salamat uli dito ha? Every year ko kasi talaga itong inaabangan" she said to Cole.

"Mm" sabi lang ni Cole at napatingin ako sa kanya.

"Teka, bakit nga pala may Heart Candy ka? Ibibigay mo ba sana dun sa ka-date mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi" sagot niya.

"Para sayo?" tanong ko.

"Hindi"

"Eh para kanino nga?"

"Wala ka na dun" sabi niya at inirapan ko siya.

"Kimmy, hindi muna ako makakabantay sayo kasi hanggang mamayang hating gabi pa itong posas namin, babalik din agad ako pag natanggal na ito" sabi ko sabay taas sa kamay naming nakaposas.

"Hindi na, pupunta si ate June dito mamaya para magbantay, mag ingat kayo!" sabi niya at hinila na ako ni Cole palabas sa room, nagwave nalang ako kay Kimmy.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now