Chapter 45

5.6K 192 60
                                    

Max's POV

HALOS five seconds lang nagdikit ang mga labi namin pero pakiramdam ko, isang oras nangyari yun. Lumayo siya ng konti pero nakahawak parin siya sa mga pisngi ko.

"I love you" bulong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at parang may humugot ng patalim sa dibdib ko. Gumaan bigla yung nararamdaman ko pero hindi ako makagalaw.

"Huy" tawag niya at lumayo pa ng konti, "Tutunganga ka lang ba dyan? Ang sabi ko, mahal kita-"

"Mahal din kita" agad na sabi ko, opposite sa naging reaction ko, ngumiti lang siya saka lumapit uli at hinalikan uli ako. Syempre hindi ako kumontra!

Lumayo uli siya't nakangiting tumingin sa akin, ibinaba niya yung mga kamay niya para mahawakan ako sa magkabilang beywang ko.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?" tanong niya, gusto ko yung word na girlfriend!

"Uhh, 'di ba dapat ligawan mo muna ako?" tanong ko't nawala yung ngiti niya.

"Ang arte mo" he said.

"Aba? Ako pa ang maarte!? Eh alangan namang ikaw yung ligawan ko ano?"

"Pwede rin naman" sabi niya saka binitawan ako't binuksan yung pintuan ng sasakyan niya, "kelan mo ako sisimulang ligawan?"

"Kapal mo, ayaw ko nga, bahala ka sa buhay mo" sabi ko't pumasok sa sasakyan niya, isinara niya yung pintuan at umikot saka pumunta sa driver's seat.

"Gusto mo ba talagang ligawan pa kita?"

"Oo naman 'no!"

"Eh bakit nagpahalik ka agad kung kailangan pa ng ligawan? Hindi na ba sapat yung mutual understanding natin?" pinandar niya yung sasakyan.

"Wow mutual understanding! At anong nagpahalik? Hindi mo kaya ipinaalam na hahalikan mo ako!"

"Pumayag ka parin naman nung hinalikan uli kita?"

"Bwiset ka!" natatawang sigaw ko, pati kasi siya natatawa narin sa inaasta namin.

"Oo na oo na, liligawan na kita" he finally said.

"Hindi na, joke lang" sabi ko.

"So ibig sabihin, girlfriend na kita?" sumulyap siya ng konti sa akin.

"Depende, kung gusto mong maging boyfriend ko"

"Oo naman 'no!"

"Wow! Inamin agad!"

"Hindi gaya mo na andami pang pakipot."

"Che!" natatawa uli na sigaw ko, lagi nalang ba kaming ganito? Pero hindi na ako magrereklamo, hindi naman kami nagkakasakitan eh. Napatingin ako sa labas at napansin kong familiar yung kalsada, "Pupunta ba tayo sa arcade?" tanong ko.

"Oo, may inihanda ako roon" sabi niya, "Plano kong doon sana magtapat sa'yo pero hindi ko na napigilan kanina."

"Hindi yun problema, ulitin mo nalang mamaya"

"Ayaw ko nga"

"Ang arti!"

Tumawa lang siya ng mahina saka inabot yung kamay ko, hindi naman ako kumontra, bakit pa ako kokontra?

Nakarating kami sa arcade after 10 minutes, pinaghandaan nga talaga niya!

"Nagtawag ka ban g caterer para dito?" tanong ko habang tinitignan ang paligid. Andaming Christmas lights na nakasbit sa paligid at nadagdagan ang mga bulaklak. Bago rin yung bench na nakalagay sa may shed na nakaharap sa lake, doon kami dumeretsyo at umupo.

"Nagustuhan mo?" tanong niya at tumango ako agad habang nakangiti ng malapad.

"Dali na! Lumuhod ka sa harap ko saka ka magtapat!" excited na sabi ko.

"Fine" naiinis na sabi niya saka lumuhod sa harap ko't kinuha ang isang kamay ko, ako namang parang timang, kilig na kilig! "Maxine Froilan?" he asked.

"Yes?" tanong ko.

"Pumapayag ka bang, magspent ng 8 hours ngayong gabi na kasama ako?" nakangiting tanong niya.

"Ha?" tanong ko, "Ano'ng 8 hours?"

Hindi siya sumagot, may kinuha lang siya sa bulsa niya't ipinosas ang mga kamay namin.

"You don't have to answer that" proud niyang sabi saka tumayo, ako naman nakatitig lang sa posas na pinagmulan ng lahat ng ito. "You don't like it? Well, wala ka nang magagawa dahil wala tayong susi" proud niyang sabi.

"Baliw ka ba?" natatawa kong sabi, "Hindi mo naman kailangang iposas tayo, pwede parin naman tayong magsama ng mahigit 8 hours ng walang posas ah!"

Ngumiti siya't nihawakan ang kamay kong nakaposas sa kamay niya't hinila ako para yakapin.

"Alam ko, pero dito tayo nagsimulang magkaintindihan. Gusto kong balikan yun ng paulit ulit, and for your information, hinding hindi ko pinagsisisihan na sa'yo ako ipinosas"

Niyakap ko rin siya gamit ng free hand ko, "Alam kong sinabi kong nagsisisi ako na sa'yo ako ipinosas, pero noon lang iyon."

Binitawan niya ako't tinignan, "Alam ko na kung sino ang nagpaposas sa atin" he said.

"Talaga? Sino?" tanong ko.

"Si Cody, ang tanga nun." Natatawang sabi niya't hinila ako at umupo kami.

"Si Cody? Bakit naman tanga siya?"

"Kasi, may binayaran daw siyang first year at inutusang ipaposas kayong dalawa, pero pangalan ko ang isinulat nung first year imbes na pangalan niya."

"Talaga!? Eh bakit naman nalito yung first year eh.. ahhhh, first year, nalito siya kung Cody o Cole ang nagutos sa kanya." tumango ako, "so isang pagkakamali lang ang nangyari sa atin?"

"Nope, I think it's called fate" agad na sabi niya, "baka totoong may cupido at tayo ang tinadhana niya sa handcuffs niya"

"Asuuus! Ang cheesy ng boypren ko!!" sigaw ko't nagbiruan pa kami ng nagbiruan.

Siguro nga gawa lang ng isang pagkakamali ang nangyari sa aming dalawa, pero isa iyong napakagandang pagkakamali.

Mabuti nalang at merong Cupid's Handcuff, kung hindi, hindi ko makakasama si Cole ngayon.



Natapos ang graduation ceremony ng walang nangyaring kababalaghan. Wala man akong parents na dumalo sa ceremony, meron naman sina Kimmy at mga parents niya, dumalo din sina Rain kasama sina nanay Oli at tatay Vic.

Pareho kami ng university na pinasukan nina Cole at mga kaibigan namin, pwera kay Leah na sa mas mataas na school pumunta, pero iba iba ang mga course na kinuha namin. Thankfully, wala nanag nagbully sa akin sa bago naming school.

Nasa akin parin yung handcuffs na ginamit sa amin ng mga cupids nung high school, pinaframe ko pa at isinabit sa wall ng bagong apartment ko, thanks to Kimmy's mom.

Si Kimmy naman, dinala ng parents niya sa US para doon na magpagamot, gusto sana niyang magaral sa university pero ayaw pumayag ng mga parents niya. Hindi ko alam kung ano na ang meron sa kanila ni Cody, basta nalang kasi nilang itinigil kung ano man ang meron sa kanila.

As for me and Cole, we are happy together, madalas kaming magsagutan pero hindi naman seryoso. Pero mas marami ang mga happy moments namin, we are planning to get married when we finish school.

At iyon ang kwento namin ni Cole, isang kwentong nagsimula sa isang laro.

-=-=-=-=-=-

THE END

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon