Chapter 18

3.6K 129 46
                                    

Max's POV

"Cody!" Tawag ko nung nakita ko siya sa hallway, iniwan ko si Cole sa may locker niya at pinuntahan si Cody na nakangiting nakatingin sa akin.

"What's up?" Tanong niya.

"Uhh, tungkol sa alok mo kahapon.."

"Hehe pasensya ka na ha, hindi kita pinepressure, tutal matagal pa naman ang prom kaya handa akong maghintay sa desisyon mo"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid, as usual, may mga matang nakamasid.

"Pwede ba tayong mag-usap na tayo lang?" Bulong ko at tumingin siya sa paligid saka tumango, hinawakan ako sa kamay at hinila. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin at nagtataka kung bakit niya hinahawakan ang kamay ko. Pwede namang sa wrist niya ako hilain o sa buhok ko tulad ng ginagawa ni Cole ah.

Speaking of Cole, dali ko siyang nilingon. Nakasandal siya sa locker niya at nakatingin ng parang dismayado. Ay hindi, imposible, naaawa lang siguro siya sa kapatid niyang sa kasamaang palad, sa akin pa nagkagusto, baka narerealize na niyang pinagsisisihan niyang pinayagan kaming magpartner ni Cody.

Cole's POV

Saka lang ako nagrelax nung hindi ko na sila makita.

Nagulat ako nung biglang tinawag ni Max si Cody nung nagkekwento ako at bigla niya akong iniwan sa may locker ko. Nakalimutan niya ako agad nung nakita niya si Cody! Lintik yung babaeng yun! Parang wala kaming pinagdaanan sa studio kanina ah! Teka..ano ba'ng pinagsasabi ko?

"Masakit ba?" Biglang tanong ni Leah na nasa malapit, hindi ko na siya kailangang tignan para malamang siya yung nagsalita dahil memorado ko ang boses niya.

"'Di ko alam ang pinagsasabi mo" sabi ko at inayos yung bag ko saka hinarap siya, "magpapahatid ka?" Tanong ko.

"Nagtataka talaga ako kung bakit mo itinigil yung panliligaw mo sa akin. Pero sa tingin ko alam ko na" nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa babaeng nasa harap ko.

Ibang iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi na siya yung mahinhin, mabait, at inosenteng Leah na patay na patay ako noon.

"Hindi kita maintindihan." Mahinahong tanong ko at nawala ang ngiti niya saka yumuko, tulad ng dating ginagawa niya. Dati, tuwing yumuyuko siya, iniisip kong mali ang sinabi ko at susuyuhin uli siya para itaas niya yung tingin niya, pero hindi na umuobra sa akin yun.

"Pwede bang..pwede bang magusap tayo sa studio?" Tanong niya habang pinaglalaruan yung mga thumbs niya.

"Sige" sabi ko at ngumiti siyang tumingin sa akin at hinawakan ako sa kamay at hinila paakyat sa hagdan, siguro nahimatay na ako kung patay na patay parin ako sa kanya, pero ngayon, wala akong maramdaman kahit tinititigan ko yung magkahawak naming mga kamay.

Naalala ko bigla yung pakiramdam ko nung malapit ng magdikit ang mga labi namin ni Max at agad akong pumikit at sinubukang kalimutan yung nangyari.

"Sorry" sabi ni Leah at binitawan ang kamay ko, saka ko lang napansing nasa studio na pala kami. Napatingin ako sa may piano kung saan nangyari yung kanina at lumunok ako.

Fvck! Kailangan kong isort out ang nararamdaman ko. Kung hindi, mababaliw ako't maoobsess sa maliit na babaeng laging may bahay ng ibon sa tuktok ng ulo niya.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ni Leah at napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Baka iniisip niya ngumingiti ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko.

"Uhh, may naalala lang ako" sabi ko at ibinulsa ko yung mga kamay ko saka sumandal sa pader malapit sa pintuan, "ano'ng paguusapan natin?"

"Tungkol kay..kay Max" sabi niya saka yumuko, "ano kasi.."

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now