Chapter 36

2.9K 142 23
                                    

Max's POV

"MAY bisita ata tayo ah" sabi ni nanay Oli nung naghuhugas kami ng pinggan ni Rain. Kakatapos lang naming kumain. One of the best meals I've ever had.

Lumabas si nanay Oli at nagtinginan kami ni Rain saka nagkibit balikat at itinuloy ko yung kwento ko. Tapos pumasok uli si nanay Oli.

"Max, kaibigan mo raw?" Tanong niya, kumunot ang noo ko at sinundan siya sa labas. Unang nakita ko yung familiar na sasakyan, tapos yung lalakeng nakasandal doon.

"Boyfriend mo!?" Excited na tanong ni Rain habang nakanganga naman ako.

Paano niya ako nahanap!?

Itinulak ako ni Rain at halos nadapa ako, dali kong inayos ang tayo ko saka siya nilapitan. Hindi siya nakangiti. Hindi rin siya mukang galit. Nakatingin lang siya sa akin habang palapit ako.

Naka-gray shirt siya at black jeans, may chained cross necklace na hanggang sa saktong level ng puso niya at black stud earings.

Halo halo ang pakiramdam ko, takot, kaba, alala, at the same time, masaya akong makita siya. Then memories from last night came flooding to me kaya ibinaba ko yung tingin ko.

"Maari ko po ba siyang makausap?" Tanong niya kina nanay Oli at Rain na nasa may pintuan.

"Sige lang!" Sabay pa silang sumagot.

"Uh, doon tayo" turo ko sa malapit na kubo. Parang sa may lumang arcade kaso gawa sa kawayan at fish pond ang kaharap imber na lake. Nauna akong pumunta doon at sinundan niya ako. Lalo pa akong kinabahan.

Naiintindihan ko kung bakit siya galit sa akin, alam kong wala siyang kasalanan. Pero gusto ko lang ng space!

"May usapan tayo" sabi niya nung sumandal siya sa may poste ng kubo, sumandal naman ako sa opposite niya, tatlong metro ang layo namin sa isa't isa.

"Hindi ko naman pinatay ang cellphone ko" mahinang sagot ko habang nakayuko.

"Nangako kang makikinig ka sa akin bago ka magrereact"

"Busy ka kaya umalis na ako"

"Bakit ka mag isang pumunta dito?"

"Akala ko ayaw mo nang sumama"

"Hindi mo man lang ako tinanong?"

Naiiyak na ako kaya hindi ako sumagot, ramdam ko kasi na galit siya sa akin. May karapatan siyang magalit sa akin, pero wala akong karapatang masaktan. That is it. Hindi ako makakaangal dahil wala akong karapatan.

"Max" tawag niya at tinignan ko siya, nagskip konti yung puso ko nung napansin kong nasasaktan siya. Bakit siya nasasaktan!? "You left me".

"You left me first" 'di ko napigilan na sinabi ko kaya dali akong bumawi, "k-kumusta na pala si Leah?"

Matagal bago siya sumagot, tumingin siya sa may fish pond, "She's fine".

"Ahh"

Matagal kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa baba at siya naman sa fish pond na malawak. Dapat ba akong magsorry sa kanya? Hinihintay ko ba na magsosorry siya sa akin? Bakit siya magsosorry?

"Have fun here" mahinang sabi niya at tumayo ng maayos saka tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan niya.

Aalis siya. Aalis siya!

"Teka! Cole!" Tumigil siya saka tumingin sa akin.

Cole's POV

Kinabahan ako nung tinawag niya ang pangalan ko kaya tumingin agad ako sa kaniya, siniguro kong wala akong pinapakitang emotion.

Masama ang loob ko sa pagpunta niya dito ng wala ako, pero naiintindihan kong masama din ang loob niya dahil sa nangyari kagabi kaya hindi ko magawang magalit sa kanya. Naiintindihan ko ang pakiramdan niya, pero hindi ko mapigilang masaktan sa hindi niya pagtupad sa usapan namin.

"Since..since andito ka na, gusto mo bang dumito nalang hanggang bukas?" Like she's saying forget about what happened and move on.

Hinarap ko siya at nagisip ako, wala akong dinalang damit dahil wala akong balak magstay dito, siniguro ko lang na andito nga siya at okay siya. Pero may gym bag ako sa trunk, mabuti nalang hindi ko ginalaw iyon.

"Papayag ba sila?" Yung mga mayari ng bahay ang tinutukoy ko.

Ngumiti siya ng konti na parang nabunutan siya ng tinik, nakontento ako, wala akong ibang gusto kundi ang maging komportable siya.

"Oo naman, halika, ipapakilala kita sa kanila" nilagpasan niya ako at sinundan ko siya hanggang sa bahay kubo.

Gusto ko ang lugar na ito, presko nga talaga ang hangin. Siguradong hindi mainit sa loob ng bahay dahil napalibutan yun ng mga puno. Hindi nakatali ang mga baboy na parang mga aso lang na palaboy pero malinis naman ang paligid. Sa di kalayuan, may mga kambing na nagiingay. May mga manok na nagkalat pero wala kang maaamoy na mabaho.

Napangiti ako ng wala sa oras, gusto kaya ni Max na tumira kami sa ganitong lugar?

"Nanay Oli, Rain, si Cole nga po pala, kaibigan ko" pakilala ni Max sa akin dun sa dalawang nadatnan naming naguusap sa may kusina. Iisa lang pinto sa harap ng bahay at diretcho iyon sa kusina nila.

"Hi!" "Magandang hapon!" Sabay nilang bati.

Batid kong nasa 40s na si nanay Oli, at siguradong mas matanda si Rain sa amin ng ilang years, I'd better not say that aloud.

"Magandang hapon din po" bati ko, giving them my best smile.

"Ay ang cuuuute naman ng boyfriend mo anak!" sabi ni nanay Oli kay Max.

"Ha!? Ano'ng boyfriend? Naku nanay, huwag kang ganyan. Magkaibigan po kami!" agad na sabat ni Max, ngumiti lang ako. Hayaan nalang sana niyang isipin nilang boyfriend niya ako. I like the thought.

"Hindi mo siya boyfie? So pwede siya sa akin?" tanong ni Rain na daling pumunta sa left side ko at kumapit sa braso ko.

"Nay Oli, asan po yung itak niyo't tatagain ko ang kamay ni Rain? Lumalandi po eh." sabi ni Max, I pressed my lips together to suppress my smile, Ilang oras lang siyang naihiwalay sa akin pero namiss ko na siya. I like this side of her.

"Andyaan sa likod ng pinto anak" sagot ni Nanay Oli.

"Bibitaw na!" sigaw ni Rain saka bumitaw sa akin bago po naabot ni Max yung malaking itak, "sige na nga, maghanda nalang kayo at ipapasyal ko kayo sa may bukid."

"Huwag na anak, kita mong kakarating lang ni Cole, magpicnic nalang tayo sa may kubo at manghuli ng isda" sabi ni nanay Oli.

"Yey!" sigaw ni Max habang nagreklamo naman si Rain.

"Nay naman! Isda na naman! Isda na nga ulam natin kagabi hanggang kaninang umaga, tapos isda na naman ngayon. Konti nalang, tutubuan na ako ng kaliskis niyan eh!" reklamo niya habang naghahanda sina Max at Oli ng mga gamit. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumayo nalang ako sa may pintuan.

"Maganda yan, para mas malaki ang uulamin namin kung sakaling naging isda ka" sabi ni nanay Oli, dali ko siyang nilapitan at binuhat yung basket niya, "salamat anak" sabi niya sa akin pero nginitian ko lang siya.

"Nay!" sigaw ni Rain at hinila naman ako ni Max palabas ng bahay at sinundan kami ni nanay Oli.

"Pagpasensyahan mo na siya. Sabi ni nanay Oli, nabitawan daw niya si Rain nung baby pa siya kaya nabugok yung ulo, hayun, as you can see, may kulang kulang ang pag iisip" sabi niya sa akin.

"Ay nako, lalo na 'pag bilog ang buwan, naku! Itinatali namin siya!" dagdag ni nanay Oli.

"Nadinig ko yun!!" sigaw ni Rain na humahabol na sa amin.

Isang tanong lang ang gusto kong masagot sa ngayon.

Bakit ba laging napapalibutan si Max ng mga kasing baliw niya?

-=-=-=-=-=-=- 

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon