Chapter 10

4.2K 154 27
                                    

Max's POV

"ANO ba yan? Ambaho!"
"Saan ba galing yung amoy na yun?"
"Amoy basura! Yuck!"

The saleslady suspiciuosly looked at us at nagtinginan kami ni Cole saka tumingin uli sa saleslady.

"Siya po yung mabaho" sabay naming sabi sabay turo sa isa't isa. Binilisan nung saleslady and pagring sa mga books at ibinalot saka pagalit na kinuha yung bayad ko.

"Inggit lang sila kasi tayo lang ang mabaho" sabi ni Cole, enough para madinig nung slaleslady at yung mga nakapila sa likod namin.

"Sila na nga ang nakikiamoy, sila pa ang nagrereklamo" dagdag ko at inirapan kami nung saleslady kaya dali kaming lumabas.

"Uwi ka na" utos ni Cole.

"Okay" Sagot ko habang nakatingin sa cover nung mga books na binili namin, "ingat sila sa'yo"

"Tignan mo dinadaan mo" utos niya at tumingin ako sa kanya.

"Opo, mag ingat po kayo, bye" sabi ko sabay wave sa muka niya saka naglakad uli ako.

"Hindi marunong magthank you".

Haaay, ang drama ni manong. Humarap uli ako sa kanya, "thank you po" sabi ko.

"Huwag kang bastos, humarap ka sa'kin saka ka magthank you" utos niya.

"Nakaharap naman ako--" sumimangot ako at tumawa siya, "bastos! Umalis ka na nga!"

Umiiling siyang tumalikod saka nagwave, napayakap tuloy ako sa mga librong hawak ko. 'Di naman talaga ganun kaliit yung mga boobs ko ah, bwiset talaga yun. Binilisan kong naglakad at umuwi para maligo, pinagtitinginan kasi ako nung mga tao sa paligid.

Cole's POV

ISANG oras ata akong nagbabad sa shower para lang masigurong natanggal yung amoy basura, lintek kasi yung mga babaeng akala mo mga girlfriend namin nina Adrain kung umasta.

Napangiti ako nung narealize kong literal na itinapon ko si Max sa basurahan, totoong nataranta ako kanina kaya hindi na ako nagdalawang isip na doon sa basurahan magtago, kesa naman sabunutan nung mga babae si Max, dagdag pa sa konsensya ko yun.

Pinulot ko yung bag ko sa sahig at ibinuhos yung laman sa kama ko saka itinapon sa laundry bag at kinuha yung isa pang bag ko sa closet at inilagay yung mga gamit ko.

Tumigil ako nung may nakita akong black envelope na naisama sa mga notebooks ko. Kinuha ko yun at tinignan. Sino naman kaya ang naglagay nito sa bag ko? Mukang nabuksan na kasi hindi na nakaseal kaya kinuha ko yung laman at binasa.

'Bitch, kapag di mo pa nilayuan sina Cole, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang natitirang araw mo dito sa school.
-Deathangel'

Nanigas ang buong katawan ko at agad na kumulo ang dugo ko.

Kay Max ito. Nahulog ata nung inilipat ko yung mga gamit niya sa bag ko. Bakit hindi niya sinabing may blackmail siya? Napatayo ako sa galit at naglakad pabalik balik habang nakahawak sa buhok ko para lang kumalma ng konti, but it isn't working kaya dali akong nagpalit at kinuha ang susi ng sasakyan.

Max's POV

Ang gaan ng pakiramdam ko nung tapos na akong nagshower at nagpalit ako agad nung pajamas ni Kimmy, hindi niya kasi matiis ang amoy ko kaya itinulak niya ako sa banyo niya at tinapunan ng disposable undies, pajama at towel.

"Haaay, salamat, amoy tao ka na" sabi niya paglabas ko sa banyo.

"Asan yung mga uniform ko?"

"Pinalabhan ko na, thank you sa pagbili ng mga 'to." She said while smiling.

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon