Chapter 5

4.5K 171 15
                                    


Maxine's POV

NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway. Ambigat ng pakiramdam ko dahil sa tingin sa akin ng mga shoolmates ko. Dinig ko rin ang bulungan nila na lalong nagpasakit sa loob ko.

"Gold digger"
"Gusto niyang sumikat"
"Akala niya siguro bagay siyang maging popular"
"Ampangit niya!"
"Bakit ba nila kinaibigan 'yan? Sinisira lang niya ang reputation nina Lope"
"Social climber kasi"

Binilisan ko pa ang naglakad at nauntog ako sa matigas na dibdib at hinitay kong bumagsak ako sa floor, but it didn't happen.

"Max! Ayos ka lang!?" Nagaalalang tanong ni Cole. Nakahawak siya sa uniform coat ko para hindi ako matumba. Umayos ako ng tayo at binitawan niya ako. Pinulot ko yung mga books ko saka nilagpasan ko siya.

"Max! Sandali!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin, hanggang sa may humila sa akin mula sa kaliwa ko, inakbayan ako't iniharap kay Cole. Pareho kaming gulat ni Cole at tinignan ko kung sino yung nakaakbay sa akin.

"Bah! Ngayon lang may hinabol ang utol ko ah" sabi ni Cody na nakangiti, tapos tumingin siya sa akin, "and you are..Maxine, right?" Tanong niya at tumango ako.

"Bitawan mo nga siya" naiinis na sabi ni Cole at lumapit sa amin saka hinila ang kamay ko pero lalo akong inakbayan ni Cody hanggang sa nakaipit na sa leeg ko ang braso niya.

"Not so fast, brother. Kilalanin ko muna ang hinahabol mong babae para masigurong she's okay" sabi ni Cody at natakot ako bigla, alam kong hindi dapat ako matakot kasi si Cody yun, mabait si Cody, magalang at..at..ba't wala na akong maisip!?

"Cody, isa" warning ni Cole, mukang naiinis na talaga siya.

"Andamot" sabi ni Cody at niluwagan niya yung pagkahawak niya sa akin kaya nakahinga ako ng maayos, pero hindi niya ako binitawan, "ako si Cody, it's nice to meet you" sabi niya sa akin.

"Uhh nice to meet you too pero, pwede bang.. b-bitawan mo ako..please?" sabi ko at tumingin ako kay Cole, silently asking him to help me. Napansin kong kumuyom ang kamay niya saka nagflex ang panga niya.

"Cody, ang sabi ko, bitawan mo siya" galit na sabi niya.

Lalong nagbulungan yung mga students na nanonood. Gusto ko na tuloy na magdisappear!

"Fine" sa wakas binitawan ako ni Cody at dali akong umayos saka nagbow sa mga audience. Hinila ko yung kamay ni Cole at itinakbo hanggang sa empty hallway at hinila niya ako sa isang corner.

"San..dali.." Sabi niya habang nakasandal sa pader at hinihingal, napaupo rin ako at nagpahinga.

"Grabe! Ba't ganun yung kapatid mo!?" Reklamo ko at inisteady ko ang hinga ko.

"Hoy" tawag niya at tumingala ako sa kanya, "bakit mo ako tinakbuhan kanina?"

"A-ahhh, yun ba" sabi ko at tumayo ako, "ano..kasi.."

"Speak up, Max" utos niya saka nameywang, "buong linggo ka nang umiiwas sa amin, alam mo ba ang iniisip ni Lope? Iniisip niyang ayaw mo kaming maging kaibigan"

"Hala!!" Sigaw ko sabay takip sa bunganga ko, baka may makarinig kasi sa amim, "hindi naman sa ganoon!"

"Hindi? Eh yun ang nakikita namin" diin niya kaya napakamot ako ng batok, tapos pinitik niya ang noo ko.

"Array!" Reklamo ko sabay himas sa noo ko.

"Ano ba kasi ang bumabagabag sa'yo?" Tanong niya.

"Kasi naman..buong linggo na akong pinagchichismisan sa buong school. Nadinig mo ba yung mga pinagsasabi nila tungkol sa akin!?"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now