Chapter 44

3.6K 137 38
                                    

Cole's POV

"SINO nga pala yung dalawang lalake kanina?" tanong ni Max nung pabalik kami sa prom hall. Mabuti nalang hindi niya napansin kanina yung takot ko.

"Sina Emeth at Jedy, mga Criminology students na barkada ni Miguel. Sabi ni Leah, kinausap niya raw sina Fifi na isuggest yung dalawa kung sakaling magpapahanap si Sheena ng mga lalakeng tutulong sa kanya. Magpasalamat nalang tayo at gumana yung plano namin ni Cody." I explained.

"So, kelan pa itong plano niyo ulit?" tanong niya habang nakataas ang noo.

"Uhh, hindi naman matagal" sagot ko sabay iwas ng tingin, "Pero everything is okay. Wala nang gagambala sa'yo"

"Pero grabe siya ano? Nakagawa siya ng mga ganung bagay dahil lang sa inyo ni Cody?"

"Ibinibintang ba naman sa amin?" tanong ko sa kanya at tumawa siya ng mahina.

"Joke, pero nakakatakot talaga yung nangyari kanina ah. Tapos heto tayo na parang walang nangyari. Ni hindi ata alam nung mga tao sa prom hall ah?"

"Hindi talaga nila alam, pati sina Lope, Adrain at Justin. Minabuti naming sikreto ang lahat para walang gulo."

"Pero paano sina Becky at Sheena?"

"Ewan ko pa, alamin nalang natin kay Cody mamaya" binuksan ko yung pinto at nauna siyang pumasok at sinundan ko siya.

Max's POV

Gustung gusto ko nang sabihin kay Cole ang nararamdaman ko pero pinigilan ko, mamaya nalang pagkatapos ng prom.

Parang walang nangyari kanina, agad kong nakalimutan ang takot na naramdaman ko dahil inaaliw ako ni Cole.

Hahatakin niya ako tuwing may magandang ipapatugtog at kung hindi naman, sasabayan lang namin ng kanta kasama nina Lope at Adrain, iniisip tuloy ng iba na mga lasing kami.

"Max" tawag ng nasa kaliwa namin at sabay sabay naming nilingon iyon, si Leah pala, "Pwede ba tayong magusap?"

Kung hindi ko lang nalaman kanina na tinulungan kami ni Leah, siguradong hihindi ako, pero nagbago na ang tingin ko sa kanya kaya naman ngumiti agad ako at nilapitan siya.

"Ibalik mo siya agad" utos ni Cole at nagbelat lang si Leah sa kanya kaya napatawa ako ng konti at tumingin siya sa akin saka hinatak palayo kina Cole, "Pasensya ka kung inistorbo ko kayo" sabi niya.

"Naku! Hindi mo kami inistorbo, don't worry" agad na sabi ko tapos umupo kami sa may bench sa gilid at nagrelax.

"For these past days, I'm sorry" sabi niya after few seconds na tahimik kami.

"Past days? Wala ka namang dapat ipagpaumanhin? Wala ka namang ginawang masama. Ako nga dapat ang magsosorry kasi pinagisipan kita ng masama" sabi ko.

"I can't blame you. Actually, I really, really like Cody. Inaamin ko na sumama ang loob ko nung napansin kong may gusto siya sa'yo, at ayaw ko sanang magpatalo, pero nung nakita kong wala akong laban, I gave up." She explained.

Napatahimik nalang ako, mukang nasaktan talaga siya sa nangyari. Tapos ngayon, parang may something pa kina Cody at Kimmy.

"Gusto ni Papa na pakasalan ko ang isa sa kanila, kaya napilitan ako noon na magpapansin. Pero I fell in love with Cody instead." Dagdag niya.

"Ahh, wait, sorry pero curious na curious lang talaga ako, nakita kasi kita noon sa..sa isang..bar?" tanong ko at tumingin lang siya sa akin na parang hindi niya alam ang sinasabi ko, then nagrelax siya at ngumiti saka tumango.

"Ganoon ba?" tanong niya at napakamot siya sa batok niya, "May kasama ba akong lalake nung nakita mo ako?" tanong niya.

"Oo, at..at nakamakeup ka pa ng todo" sabi ko, nahihiya na kasi ako sa pagkaechosera ko.

"Kasama mo ba sina Lope that time?" tanong niya.

"Uhh.." sasabihin ko ba?

"Nevermind, alam kong kasama mo sila," sabi niya saka huminga ng malalim, "Kaya pala bigla silang nanlamig sa akin." Tumingin siya sa akin, "sana hindi ako masamang tao sa paningin mo" malungkot niyang sabi.

"Hindi! Huwag mong isipin yan!" noon lang, pero ngayon hindi na, pero syempre, hindi ko sinabi.

"Mm, okay lang, naiintindihan ko naman. Pasensya ka na, but I will not explain why I was there" nahihiya niyang sabi.

"Hala? No need to explain, ikaw naman. Sorry kung natanong ko. Pero salamat talaga sa tulong mo, kundi dahil sa'yo, baka kung napano na ako"

"Ginawa ko lang ang alam kong tama" nakangiti niyang sabi, "sige na, balik ka na kay Cole"

"Join ka nalang sa amin?" Tanong ko.

"Hindi, babalik na din kami ni Cody sa stage" sabi niya saka iniharap ako kina Cole at itinulak, "see you around" paalam niya.

"Kailangang manulak?" Tanong ko sa sarili ko't nagpaalam ako sa kaniya saka bumalik kina Cole.

"NAG ENJOY ka ba?" Tanong ni Cole habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya, coronation palang ng prom king and queen pero sabi niya, mauna na raw kami umuwi para hindi crowded mamaya.

"Oo naman, pwera sa nangyari kanina, so far, masaya naman ngayong gabi" sagot ko at ngumiti siya ng konti saka hinigpitan ang pagkahawak niya sa kamay ko saka huminga ng malalim. Malapit na akong masanay na magkahawak ang mga kamay namin.

"I want to tell you something" sabi niya nung nakarating kami sa may sasakyan niya.

"Ako rin" sabi ko.

"S-sige mauna ka"

"Uh, ikaw nalang" kinakabahan kasi ako! At baka kung ano pa ang sasabihin niya eh paano kung kontra pala sa sasabihin ko.

"Okay, pero, huwag kang mabibigla" sabi niya.

"Nakakabigla ba?" nagaalalang tanong.

"Depende kung ano ang reaction mo sa sasabihin ko"

"Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ko, pareho kasi kaming halos pagpawisan na, anlamig pa ng kamay niya at siguradong ako rin.

Nanahimik siya at tumingin lang sa akin. Huminga siya ng malalim pero hindi naman nagsalita.

"Kaya mo bang sabihin? O ako nalang ang mauna?" tanong ko.

Tapos binitawan niya yung kamay ko't humawak sa magkabilang pisngi ko.

And he kissed me. My first ever kiss.

-=-=-=-=-=-


Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon