Chapter 21

3.3K 130 23
                                    

Max's POV

"SINASABI ko na nga ba" sabi ni Lope paglabas ko sa changing room.

"Bakit?" Tanong ko at tumingin siya sa suot kong tshirt at shorts na hanggang tuhod ko.

"Mabuti nalang may dala akong mga extra swimsuit, two piece or one piece?" Tanong niya habang kinakalkal yung bag niya.

"Ha!? No way! Hinding hinding hindi ako magsusuot niyan!" Sabi ko at tatakbo na sana ako palabas kaso nahuli niya ang beywang ko, "aahhh! Ayaw ko! Ayaw ko!" Sigaw ko.

"Hindi ka pwedeng lumabas ng nakaganyan lang! Bawal!" Sigaw niya at tumigil ako sa paggalaw.

"Bawal? Bakiw bawal??" Tanong ko.

Binitawan niya ako at nameywang, "Yun ang rule nila dito, hindi pwedeng naka tshirt ang mga babae, sando, mini shorts and swimsuits lang ang pwede"

"Andaya! 'Di pwedeng ganyan! Paano kung mamanyak ako dyan sa labas!?"

Ngumiti siya at itinaas ang isang kilay, "Yun ba ang inaalala mo or nahihiya ka kay Cole?"

Napahawak ako agad sa mga pisngi ko dahil biglang uminit na naman ang pakiramdam ko. Ano ba!!? Lagi nalang ako'ng kinakamatis!

"Hindi ah!" Sagot ko saka agad na tumalikod sa kanya at nadinig ko siyang tumawa, lalo tuloy akong nahiya!

"Ano ka ba! Okay lang yan! Promise, hindi ka aasarin nun." Sabi niya saka nagkalkal uli sa bag niya, "oops, 2piece lang pala ang nadala ko." Sabi niya.

Tumingin ako sa hawak niya at lumunok ako. Never pa akong nagsuot ng ganung clase ng undergarments sa public. As in NEVER! Napatingin tuloy ako sa boobs kong maliit at lalong bumaba ang self esteem ko.

"Don't worry about those!" Natatawang sabi ni Lope at dali niyang tinanggal yung shirt ko na para akong bata, "dali na dali na! Andami pa nating ita try!"

"Teka! Teka! Kaya kong magpalit mag-isa!" Sabi ko nung huhubarin na sana niya yung bra ko, "p-pero..pero..sigurado ka!? Pagsusuutin mo ako ng ganyan!!?? Kung sayo, bagay na bagay mo dahil sexy ka pero, hello!? Babagay ba yan sa akin!?"

"Babagay 'to sayo! At tignan mo kaya yang sarili mo! Ang sexy mo din naman ah! Mygod!" Sabi niya saka hinawakan yung tyan ko, nagulat ako pero di ko siya pinigilan kasi too late na, "wala kang bilbil! Andaya!!" Reklamo niya.

"Pati naman ikaw ah! Anlaki pa ng boobs mo!" Sabi ko, "may baby bra ka ba dyan? Yun na lang ang akin?" Seryosong tanong ko pero tumawa lang siya.

"Che! Tumigil ka, isuot mo na 'to! Dali! Huwag mo nang alalahanin yang boobs mo, ang cute nga eh! Proportion lang sa body size mo"

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o hindi, pero mas pinili kong hindi kasi alam ko namang nagbibiro lang siya.

Tumingin uli ako sa hawak niya at lumunok ako.

Bahala na.

Cole's POV

"Mga babae talaga, bakit ba angtagal nilang kumilos?" Tanong ni Justin habang naglalagay ng lotion.

"Bakit hindi mo tanunging yang sarili mo? Matagal ka din namang kumilos ah" sabi ko at humagikgik si Adrain, "tamad pa, o ito!" Sabi ko't ibinato yung watermelon sa kanya at nataranta siyang sinalo iyon, "slice mo yan" utos ko.

"Hindi ako mabagal kumilos, sinisiguro ko lang na tama ang ginagawa ko, ooo!" Sabi niya saka nagtanggal ng shades, nakatingin siya sa may likuran namin ni Adrain"hanep pre! Sexy!"

Tinignan namin ni Adrain ang tinutukoy niya.

"9" sabi agad ni Adrain.

"Pare! Bulag ka ba! Tignan mo naman! Ohmygad! Look at that ass bro! I'll give her a perfect 10!"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now