Chapter 4

5K 185 32
                                    

Maxine's POV

NAGLALAGAY ako ng pang umagang books sa locker ko nung may kumalabit sa balikat ko't dali ko siyang nilingon at tiningala.

"Sinasabi ko na nga ba" sabi ni Cole habang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ko't yumuko, aalis na sana ako pero hinila niya yung likod ng damit ko kaya napabalik ako sa harap niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uhh.. Nagkakamali ka ng kinakausap koya" sabi ko at akmang aalis uli pero hinila niya uli ako.

"Hoy Max, ako ba iniiwasan mo ha?" Tanong niya.

Oh no! He said my name! Nooooo!! Makikilala na ako ng mga tao!Tapos napansin kong antahimik sa paligid kaya sumilip ako't tinignan ang paligid. Ba't walang tao??

"Pumunta silang lahat sa cafeteria kaya walang makakakilala sayo, pasalamatan mo mamaya sina Adrain dahil idea nila 'to" sabi niya at tinignan ko siya ng masama.

"Bakit mo ba ako kinakausap!?" Sigaw ko't napalayo siya ng konti sa gulat, napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Bakit ka sumisigaw!?" Pasigaw na tanong niya nung nakarecover na siya.

Ngumuso ako saka yumuko, kapal talaga ng lalakeng 'to, pagkatapos niyang magsalita ng masasama tungkol sakin, lalapitan niya ako't magdedemand ng attention ko! Edi meow!

"Hoy Max, sobra ka na ha, hindi mo na nga ako tinawagan ng isang linggo o tinext man lang, tapos iiwasan mo pa ako dito sa school!?" Tanong niya pero hindi parin ako kumibo, naiinis kasi talaga ako.

Nanlaki uli yung mga mata ko nung bigla siyang umupo para silipin ang muka ko, "ba't ka ba nakayuko? Aware ka ba na aniliit liit mo?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Eh bakit mo ba kasi ako kinakausap!!? Pagkatapos mong magsalita ng masama tungkol sa'kin, kakausapin mo nalang ako ng basta basta!" Galit na sabi ko at tumayo uli siya at nameywang.

"Hoy, huwag kang magbintang! Wala akong sinasabi tungkol sa'yo ah!" Sigaw niya kaya tinignan ko siya ng masama, magsisinungaling pa to!

"Nadinig kita kaninang umaga nung kausap mo si Adrain! Magsisinungaling ka pang hayup ka"

Lalong kumunot ang noo niya, tapos nagrelax siya at tumawa ng mahina, "Ahh, kaya ka pala nagdabog kanina."

"Aba't matatawa ka pa! Bahala ka na nga dyan!" Sabi ko't aalis sana uli kaso hinila na naman niya ako, this time sa messy bun ko kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Hindi ikaw ang tinutukoy ko, hayan ang napapala ng mga nakikinig sa usapan ng iba" sabi niya saka nameywang uli, "at binanggit ko ba na ikaw yun?hindi naman 'di ba?"

"Pero ako ang nakasama mo nung Feb14!"

"Ng hapon, si Jean ang nakasama ko nung umaga. Feeling mo ikaw lang ang pwede kong makasama?"

"Ha?" Nakangangang tanong ko saka umiwas ako ng tingin. Ay mali ako, so nagdadrama ako sa wala? "Basta!" Sigaw ko at aalis na sana uli kaso hinila na naman niya ako, "ano ba! Tigilan mo nga ako! Mamaya may makakita pa sa'tin eh!" Reklamo ko pero hindi niya binitawan yung likod ng damit ko.

"Hindi, sumama ka sakin" sabi niya't hinila ako saka inipit sa braso niya yung leeg ko and he dragged me away!

"Aray! Sa'n mo ako dadalhin!?" Sabi ko habang sinusubukang tanggalin yung kamay niya.

"Somewhere na pwede kang makausap ng hindi ka nagaalala kung may makakita sa'tin" sabi niya at umakyat kami papuntang rooftop.

Saka niya lang ako pinakawalan nung nakarating na kami dun at isinara niya yung pintuan.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now