Chapter 12

4.1K 128 33
                                    

Maxine's POV

DINIG ko mula sa labas ng pintuan yung tunog ng TV, dahan dahan akong lumapit sa pinto at biglang binuksan sabay sigaw ng 'bahh!!'.

"Ahhh! What the fvck!!?" Gulat na sigaw ni Cole na yakap yakap yung pink na throw pillow ko.

"Kailangang magmura?" Tanong ko at pumasok saka inilapag yung bag ko sa side table, umupo sa beanbag at nagrelax, "ano ba yang pinapanood mo't umiiyak ka?"

"Ulul!" Sabi niya sabay bato nung unan sa akin nung kakagatin ko sana yung donut kaya nahulog iyon at pinulot ko uli sabay sabi ng "wala pang five minutes" at kinagatan.

"Nakakadiri ka talaga, eh halos hindi mo nilinisan 'tong bahay mo ng ilang araw" sabi niya at napakamot lang ako, totoo kasing hindi pa ako nakapaglinis. Puno yung lababo, laundry bag, maalikabok yung mga gamit at nagkalat ang mga school supplies ko.

"Sorry naman, eh bakit ka nga umiiyak?"

"Hindi nga ako umiiyak!" Sabi niya sabay iwas ng tingin kaya napatingin ako sa TV.

"Oh! Ba't siya nagpakamatay!?" Tanong ko nung nahulog yung lalake sa train.

"Zombie na nga siya! Nasa loob yung anak niya at yung buntis na babae at ayaw niya silang mahawaan kaya siya nagsakripisyo!" Explained niya at napakagat ako sa mga labi ko para pigilang ngumiti.

"Ahh," sabi ko sabay tango, "so natouch ka ng husto kaya ka umiyak" biro ko pero inihampas niya yung unan sa akin kaya napatawa na ako, "deny ka ng deny eh namumugto yang mga mata mo!"

"Napuwing ako!" Depensa niya at napailing ako, hindi talaga 'to aamin kaya palalampasin ko nalang para maisalba lang ang natitirang dignidad niya.

"Sabi mo eh" kumuha uli ako ng donut, "asan na yung book mo at makapagreview na tayo para makalayas ka na"

"Ayaw kong magreview" sabi niya saka humiga sa couch ko at nag-inat na parang pusa.

"Akala ko ba kaya ka napadpad dito sa lungga ko para magreview tayo??"

"I've changed my mind" nakangising sabi niya.

Kaya naman tumayo ako at hinawakan siya sa paa, "magrereview tayo sa ayaw at sa gusto mo" sabi ko sabay hila sa paa niya.

"Ahh! Mahuhulog a--" *bhug!* "ooow" reklamo niya nung nahulog na siya saka tumingin ng masama sa akin, "why you little--" sabi niya at tatayo na sana siya para maghiganti pero iniharang ko sa muka niya yung cross na dinampot ko sa malapit na altar ko.

"Stop demon! Leave this man alone!" Sabi ko, lalong nanlisik ang mga mata niya, "sige subukan mong gumanti, itatransfer ko ang pinaglalagyan ko ng susi ko!"

Tumigil siya saka dahan dahang tumayo, "papalampasin ko ito ngayon, pero humanda ka next time" sumpa niya. Pinigilan kong ngumiti para hindi siya mabwisit at umupo ako sa couch, tumabi na din siya at padabog na binuksan yung bag niya saka kinuha yung book niya.

Pinatay ko yung TV at nagluto ng isang termos na kape, mukang magpupuyat kasi kami dahil Math yung susubukan naming intindihin.

After 2 hours...

"Magdiet ka naman" sabi ni Cole kay Lope na nakailang burgers na.

"Ayaw ko nga! Diet is for the weak!" sagot ni Lope saka kumagat sa sana'y huli na niyang burger.

"Tumataba ka na kaya" sabi ni Adrain, "maglose weight ka naman, ano'ng nangyari sa 'staying sexy' na motto mo?"

"Gusto ko nga sanag maglose weight, pero narealize kong ayaw kong nalolose" sagot ni Lope.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now