Chapter 23

3.2K 138 42
                                    

Cole's POV

SINILIP ko sina mommy, Cody at Max mula sa bintana ng kwarto ko, mukang nageenjoy si Max sa ikinekwento ni mommy. Huminga ako ng malalim at lumayo sa bintana saka umupo sa kama ko.

Ano ba'ng gagawin ko? Ano ba'ng ginagawa ko? Dapat bumaba ako at ilayo si Max kay Cody, pero andito ako ngayon, nagkukulong na parang bata.

Mat kumatok sa pinto ko makalipas ng 30 minutes at humiga ako sa kama sabay sigaw ng; "Pasok!" Dahan dahang bumukas yung pinto at sumilip si Max kaya napaupo ako agad.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya at hindi ako nakasagot, "pambihira ka naman, dinala dala mo ako dito tapos iiwan mo lang ako sa kapatid at nanay mo. Pwedeng pumasok?"

Tumango ako at pumasok siya saka tumingin sa kwarto ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin.

"Uuuy! Ba't hindi mo pa ito kinain?" Tanong niya sabay pulot sa heart candy na nasa study table ko.

"Kainin mo na" sabi ko at tumingin siya sa akin ng nakataas ang isang kilay niya.

"Sure ka?" Tanong niya.

"Wala ng kakain dyan"

"Eh bakit mo binili in the first place?"

Kumunot ang noo ko, bakit ko nga ba binili yan? Hindi ako mahilig sa mga candies pero nung nakita ko yun na nakadisplay, bigla nalang akong naglabas ng pera at binili yun.

"Pero matagal na 'to ah, 'di ba hindi nasisira ang candies?" Tanong niya habang binubuksan yung candy.

"Bakit ba andami mong tanong? Kainin mo na nga lang?"

"Hala? Change mood na naman si manong. Oo na, oo na" sabi niya saka dinilaan yung candy--lumunok ako at umiwas ng tingin, bakit biglang uminit? Tumayo ako at nilakasan yung aircon.

"Ang linis ng kwarto mo, para kang babae" sabi niya habang tumitingin sa paligid.

"Bakit mo iniwan yung dalawa sa baba?" Tanong ko saka bumalik sa kama ko. Tumigil siya sa paglakad at pinulot yung picture kong naka-jersey at nakahawak ng trophy.

"May pinuntahan si Cody at magluluto daw si mama mo." Sagot niya saka ipinakita yung picture sa akin, "nanood ako nung game niyo" nalapad yung ngiti niyang sinabi at tumaas ng konti yung pride ko.

"Talaga?" Pigil ngiting tanong ko.

"Oo kaya, ang cool cool niyo nina Adrain, sayang 'di ako nakapanood last year" sabi saka ibinaba yung picture at lumapit sa kama ko saka umupo, para siyang batang kumain ng candy.

"Bakit hindi ka nakapanood?" Tanong ko habang nakatingin sa cellphone ko at patago siyang sinisilip.

"Sinamahan ko si Kimmy sa hospital. Nga pala, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, bakit mo ako iniwan sa baba kanina?"

"Gusto ko lang na magkakilala kayo ng husto nina mama at Cody." Sagot ko.

"Bakit?"

"'Di ba gusto mo si Cody?"

Pero alam kong ako ang gusto niya. Nanggaling na mismo yun sa kanya, or..akala niya ako si Cody nung time na sinabi niya yun?

Hindi, ako talaga yung gusto niya, sana ako talaga yung gusto niya.

Max's POV

"'Di ah!" Pasigaw na sagot ko sa kabaliwang tanong niya. Kumunot ang noo niya't umupo ng maayos, ibinaba narin niya yung phone niya saka tabingi yung ulong tumingin sa akin.

"Hindo mo gusto si Cody?" Nagtatakang tanong niya.

"Luh! Loko! Hindi ah! Bakit mo naman naisipang gusto ko yung kambal mo? Baliw" sabi ko't kinagatan yung candy na sa tingin ko'y bukas ko pa mauubos. Bakit ba gustung gusto ni Kimmy 'to eh pangkaraniwan lang naman yung lasa?

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now