Chapter 38

2.8K 118 37
                                    

Max's POV

KINIDNAP ni tatay Vic si Cole pagkatapos naming kumain ng mga prutas at yung mga isang half charcoal na isda. Sabi ipapakita lang daw kay Cole yung buong taniman nila. Mukang ayaw nila akong sumama kaya nagpaiwan nalang ako. Moment nila yun kaya hindi na ako namilit na sumama.

Medyo madilim na nung nakabalik sila, nagulat pa ako kasi nakasakay si Cole sa kalabaw at andumi dumi ng mga damit niya. Nakasakay din si tatay sa isa pang kalabaw at may kasama silang iba pang mga lalake.

"Hala Max? Pinatrabaho ata ni tatay si Cole sa bukid" sabi ni Rain habang pinapanood namin yung mga lalakeng palapit sa amin. Nagwave si Cole sa amin at di ko namalayang nagwave back ako.

"Okay lang yan, para tumigas yung mga buto niya." ewan ko kung tama ito pero, bagay ni Cole na madumi yung mga damit niya, haha putik naman eh, hindi dumi na as in dumi. May dala kaya siyang mga damit niya?

Bumaba sila sa mga kalabaw at nagtatawanang lumapit sa bahay. Parang bata tuloy si tatay Vic, para silang magbarkada ni Cole.

"Vic, 'di ba sabi ko sayo'ng huwag kang magpapagod? Mamaya sasakit na naman ang katawan mo" agad na sabi ni nanay Oli na lumapit sa kanya't pinunasan yung mga pawis.

"May dala ka bang mga damit mo?" tanong ko kay Cole na kasalukuyang nakatingin sa mag asawa, naiinggit ata. Ako din, naiinggit ako sa kanila. Kung ako ang magkakaasawa, sisiguraduhin ko rin na iispoil ko yung asawa ko ng pagmamahal.

"Meron, saan ako pwedeng maligo?" tanong niya.

"Sa--"

"Tay Vic! Sasama po ba kayo?!" tawag nung isang lalakeng may dalang mga damit at timba. Naku, pupunta ata sila sa may ilog.

"Vic" warning ni nanay Oli nung sasagot sana si tatay.

"Last na 'to" sabi ni tatay, para siyang batang nagpapaalam sa nanay, haha.

"Hayaan niyo na ma, ngayon lang uli nagsaya si tatay eh" sabi ni Rain na nakaupo sa may pintuan.

"Sige na nga," tumingin siya kay Cole, "samahan mo na si tatay niyo, madami naman kayong kasama"

"Sige po" masayang sabi ni Cole, pumunta siya sa sasakyan niya at may kinuha saka dali silang umalis at sumama sa grupo ng mga lalake.

"Mukang nagsasaya si Cole ah" sabi ni Rain, umupo ako sa tabi niya at si nanay sa upuan na gawa sa kawayan malapit sa amin. Nagkakape kasi kami.

"Alam mo naman, walang ganito sa city. hehe" sagot ko.

"Mabuti naman at hindi siya katulad nung ibang turista na maarte, nagulat ako kanina nung pumayag siyang sa baba kami mamimingwit" nakangiting sabi ni nanay.

Nagugulat din ako sa inaasta ni Cole. Mukang nageenjoy talaga siya. Gone with the bad boy look. Gusto niya kayang tumira sa ganitong lugar?

"Hoy Max" tawag ni Rain, nakatingin pala silang dalawa sa akin, "mahal mo siya 'no?"

Muntik ko nang mabitawan yung napakainit na kape ko, "Rain naman!" reklamo ko, "pwede namang hintayin na ilapag ko muna yung umuusok na kape ko bago magpasabog ng tanong 'di ba?"

"Hindi na kailangang tanungin yan, kitang kita naman eh" dagdag ni nanay.

Ngumuso lang ako, ayaw ko silang sagutin eh.

"Eh bakit ayaw mo pang sabihin sa kaniya!?" pagulat na tanong ni Rain, mabuti nalang nailapag ko na yung kape ko.

"Ayaw ko!" pasigaw na sagot ko.

"Kailangang sumigaw?"

"Ay akala ko magsisigawan tayo"

"Pero anak, bakit ayaw mong sabihin sa kaniya? Muka namang mahal ka nung tao"

"Luh! Hindi ah, mahal siguro niya ako bilang kaibigan. May iba nang gusto yun" sabi ko, nakaramdam uli ako ng lungkot pero pinilit kong nagisip ng iba para lang mawala yun.

"Shonga! Hindi yun mageeffort na pumunta dito para lang sundan ka no!" sabi ni Rain sabay batok sa akin, "Ang manhid manhid nito"

"Grabe ka sa akin ha! Hindi pa ako nakakabawi sa paglagay mo ng sili sa sawsawan ko kanina!" reklamo ko.

"Sabihin mo na kasi sa kanya! Malay mo, mahal ka talaga niya!"

"Eh paano kung hindi?" tanong ko at napatigil siya at napaisip, "'Di ba? Ayaw kong isakripisyo yung friendship namin dahil lang sa feelings ko."

"Kung hindi ikaw ang mahal niya, baka ako ang mahal niya?" tanong ni Rain at tinignan ko siya ng masama. "o sige, ganito, paano kung isang araw, nagtapat siya sa'yo?" tanong niya.

"At sigurado akong darating yung araw na yun" dagdag ni nanay.

"Uhhh" paano nga ba, "edi wow?"

Sa akin nalang yung sagot ko.

I would definitely say yes to him kung sakaling magtatapat siya sa akin at sasabihing ligawan niya ako.

Kung sakali lang naman eh.

Cole's POV

Nakaramdam ako ng saya nung nakita ko si Max na nakatayo sa may pintuan at hinihintay ang pagdating namin, ang pagdating ko. Balang araw, dadatnan ko siyang laging ganito, hinihintay ang pagbabalik ko.

Nagpaalam yung mga kasama naming naligo sa ilog sa amin ni tatay at sabay kaming lumapit sa mga babaeng naghihintay sa amin. Tulad ng ineexpect ko, nilapitan ni nanay Oli si Tatay at inalalayan habang nagkekwento si tatay ng tungkol sa ginawa namin sa ilog.

Nagsaya ako sa bukid at ilog kasama nila. Nakatira sila sa 'di kalayuan kung saan nakatira sina tatay. Nagtatrabaho daw sila sa citrus plantation nina tatay. Kitang kita ang respeto nila sa matanda. Sana humaba pa ang buhay niya.

Hindi ako sinalubong ni Max na nakacross ang mga kamay sa dibdib kaya ako ang lumapit.

"Kumusta ang lakad niyo?" nakangiting tanong niya, pagod ako and that smile is all I need right now.

"Masaya" matipid na sagot ko, unti unting nawala yung ngiti niya. Baka iniisip niyang naiinis parin ako sa kaniya kaya dali akong bumawi, "sana sumama ka, madami ka sanang nakita"

Daling bumalik yung ngiti niya, "Eew, no thanks" she said. I wouldn't want her to come with us anyway.

"Pasok na tayo't kumain para makapagpahinga na kayo" sabi ni nanay and we did.

All the time, si tatay ang nagkwento. Walang umangal dahil ineenjoy naman namin ang mga kwento niya. Hanggang sa nagpasya kaming matulog na.

Sa Isang spare room ako pinatulog, magkasama naman sina Rain at Max sa kabilang kwarto. Hindi pa ako inaantok kaya tumitig lang ako sa kisame.

Bukas na kami pupunta sa sementeryo, pagkatapos non, balik agad kami sa West para sa prom night.

Kailangan ko ng magtapat sa kanya, bukas after ng prom.

-=-=-=-=-=-=-

zv

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now