Chapter 20

3.4K 138 23
                                    

Max's POV

KUMUNOT ang noo ko dahil sa sikat ng araw na tumama sa muka ko. Sinubukan kong dumilat pero ang sakit ng ulo ko, ambigat pa ng katawan ko..teka..literal na mabigat!

Agad akong dumilat at tumingin sa katawan ko. May isang kamay na nakapatong sa tyan ko at paa sa legs ko, pagtingin ko sa hayup na katabi kong natutulog..

"Ahh!!" Sigaw ko sabay hila sa kumot ng hanggang sa leeg ko.

"What!? What happened!?" Gulat na tanong ng kasising na si Cole.

Itinaas ko yung isang paa ko at sinipa ko siya't nahulog sa baba.

"Ahh! What the fvck Max!?" Reklamo niya ng nakakapit sa gilid ng kama ko.

"Ano'ng what the fvck what the fvck!!? Ano'ng ginagawa mo dito sa kama ko!!?"

Wait.. Sinilip ko ang damit ko, "B-bakit ako nakatshirt at shorts lang?? Hoy Cole! Ano'ng ginawa mo sa'kin! Huhuhu!"

"Tumahimik ka nga! Wala akong ginawa sa'yo!" Sigaw niya saka tumayo at umupo sa gilid ng kama ko.

"Eh paano ako nakatshirt!? Wala akong maalala na nagsuot ako ng tshirt kagabi ah!"

"Wala ka talagang maalala dahil lasing ka! Lintik namang buhay 'to". Sabi niya saka tumayo't lumabas ng kwarto ko. Hinila ko yung kumot ko at ibinalaybay sa buong katawan ko na parang si Red Riding Hood at sinundan ko siya.

"Eh bakit nga ako nakatshirt lang!? Pinalitan mo ang damit ko!!?"

"Naghubad ka sa harap ko!" Sigaw niya't napatigil ako sa tapat niya.

"Weh?" Tanong ko.

Naiinis siyang tumingin sa akin at nameywang, suot parin niya yung white shirt niya't nakasapatos pa siya. Nakasapatos siyang natulog??

"Gusto mo talagang malaman kung ano'ng nangyari kagabi?" Tanong niya at bigla akong kinabahan.

"Uhh, wait at subukan kong alalahanin"

Kagabi, pagkatapos naming nagsayaw, umupo kami at uminom ng wine at nagkwentuhan, tapos uminom uli ako ng uminom..tapos..

"Ahh!" Sigaw ko nung naalala kong pinilit ko siyang buhatin ako sa likod niya, naalala ko pang nagrereklamo siya dahil ginawa ko siyang kabayo,. Tapos..wala na.

"Ano? Naalala mo?" Tanong niya at nagready siya ng kape.

"Hanggang sa binuhat mo lang ako eh, ano bang nangyari at paano ako nakapagpalit?" Tanong ko saka umupo sa malapit sa table.

"Bakit hindi mo sinabing mababa pala ang alcohol tolerance mo? Iisang wine lang, nalasing ka pa" binigyan niya ako ng kape.

"Hindi naman sa ganun, hindi lang talaga kasi ako umiinom, malay ko ba na malakas palang manlasing yung wine mo"

"Anyway," sabi niya saka sumandal sa may lababo, "pag-uwi natin dito, nagreklamo kang masikip yung dress mo kaya tinanggal mo yun sa harap ko"

Napahawak ako sa mga pisngi ko dahil biglang uminit ang pakiramdam ko, "'di nga!!? May..may nakita ka?"

"Ang tanong, may makikita ba ako?" Natatawang tanong niya at lalo pang uminit yung muka ko.

"Hoy! ;Di naman ganun kaliit ang size ko ah!! Cute size 'to! Cute size!" Sabi ko sabay turo sa dibdib kong agad kong niyakap.

"Pero wala, don't worry, pumikit ako't lumabas ng bahay mo, nung nasiguro kong nakapalit ka na saka ako pumasok. Tapos bigla ka nalang nagsasasayaw sa table, mabuti sana kung bagay mo, hindi naman"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now