Chapter 7

4.5K 156 22
                                    

Maxine's POV

NAMATAY na kaya si Cole? Naku sana naman natuluyan na siya! Para din lang naman sa ikakaganda ng mundo kung sakaling mangyari yun. Akala ko, yung mga bullies ang naglock sa CR kanina, yung halimaw pala na Cole ang gumawa nun! Dalawang quizes ang namiss ko ngayong araw dahil sa kanya, huhuhubels, bakit nangyayari sa akin 'to??

Kakalabas ko lang sa banyo ko nung nagbeep ang cellphone kong nasa kama. Dalawa lang ang pwedeng magtext sa akin. Si Kimmy, o yung mama ni Kimmy. Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinignan kung sino yung nagtext.

Si Cole!?

'Andito ako sa labas ng bahay mo'

Ha!?

Napatayo ako sa gulat. Nasa labas siya ng bahay!? Tumingin ako sa oras. 9pm na ah! Ano'ng nakain ng hayup na yun at napadpad siya sa lungga ko!?

Dali akong lumabas sa kwarto ko't binuksan yung front door.

"Andito ka nga" sabi ko. Nakahiga si Cole sa Korean table sa labas ng bahay ko. Nakapatong yung isang kamay sa noo niya at nakalaylay naman yung isang nakahawak ng cellphone niya. Hindi siya nakapikit, nakatingin lang siya sa langit.

Dahan dahan ko siyang nilapitan, "Hoy..hoy ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Nakashirt siya ng black round neck at black pants. Nakastud earings rin siya at black Buddha beads bracelets. At least nakapagpalit siya ng damit, kagagaling siguro 'to sa jamming.

"Nagpapahangin lang" sagot niya.

"Wala bang hangin sa bahay mo? Jusko namang bahay yun" sabi ko at napangiti siya ng konti. Umupo ako sa space malapit sa ulo niya, "ano'ng problema?"

"Bakit niyo ba ako laging tinatanog kung ano'ng problema ko?" Tanong niya, pero wala namang bahid na inis yung pagkasabi niya.

"Eh hindi ka naman mapapadpad dito kung wala kang problema"

"Aabutin tayo ng umaga kung sasabihin ko sa'yo ang mga problema ko"

"Okay, fine. As long as hindi ako concern sa problema mo, iyong iyo na 'yan" sabi ko at tumingin siya sa akin.

"Eh kung sabihin kong problema ko yang muka mo?" Tanong niya, sisimulan na naman eh.

"Aba't pareho pala tayo ng problema! Problema ko din ang mukang 'to eh" sabi ko at tumawa siya ng konti. Ngumiti ako saka humiga na rin pero sa kabilang side ng table.

Hindi maulap ngayong gabi kaya visible ang mga bituin. Mabuti nalang at dito ang napili ni mama noon na tirahan namin. Maliit lang ang bahay pero malawak naman ang space. Dito kasi nagsasampay yung mga taga baba. Pinuno ko lang ng mga halamang kinuha ko sa may arcade at inayos sa gilid para magmukang greenhouse--na walang ceiling.

"One time," biglang sabi ni Cole, "nagkasipon si Cody, nagpakulo ako ng toyo at inilagay sa favorite mug niya saka dinala sa kanya. Hindi niya iyon naamoy at ininum agad knowing na kape yun. Tapos idinuwal niya't kumalat sa puting kumot niya"

"Haha!" tawa ko, "demonyo ka talaga mula pa noon 'no? Haha"

"Kaya hindi na niya tinatanggap ng kung ano mang pagkain o inumin na ibinibigay ko sa kanya"

"Kung sa akin mo man ginawa iyon, sigurado ring hindi na ako tatanggap ng kung ano mang galing sayo 'no"

"Kung sa'yo ko man ginawa yun, siguradong comatose parin ako hanggang ngayon"

"Haha, sa bagay. Baka nga bangkay ka na ngayon eh" sabi ko, "ako naman, minsan nung nakasakay ako ng jeepney , may kasabay akong ale na nagpapadede sa baby niya. Naiirita ako kasi halos kita ko na yung buong boob niya kaya pumara ako. Pero imbes na 'para po', 'padede po' yung naisigaw ko! Grabe namula ako! Ibinato ko yung singkwenta ko sa driver saka tumalon palabas at mabilis akong tumakbo! Grabe nakakahiya!"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now