Chapter 16

3.6K 130 43
                                    

Cole's POV

HUMIGA ako sa kama kahit hindi pa ako nakakapagpalit. Kauuwi ko lang galing sa lungga ni Max, hindi ako naglakad o tumakbong umuwi pero pakiramdam ko, pagod ako. Tumitig lang ako sa kisame at inalala lahat ng sinabi ni Max.

Ang totoo niyan, alam ko na ang tungkol sa pambubully sa kanya, napansin ko na nung una pero hinayaan ko lang dahil akala ko, lilipas din yun, pero nagkamali ako. Akala ko kung makikita nilang inaasar at binubully ko si Max, hahayaan na nila siya, nagkamali uli ako.

Yung ikinwento niyang may nadinig siya sa labas ng empty room na naguusap, andoon din ako't napakinggan lahat ng mga pinagusapan nila. Sina Fifi yun at Miah, at yung babaeng lumapit sa kanila ay si Becky, classmate nina Leah at Lope. Gusto ko sana silang sugurin pero baka hindi nila sasabihin kung sino ang Miss D, kaya nagpaimbestiga ako kina Lope, Adrain at Justin.

Nung nalaman ko ang tungkol sa black letter na natatanggap ni Max, lagi ko nang binubuksan ang locker niya bago pa niya yun makita. Lahat ay galing kay Death angel, Miss D, lagi kong inaabangan kung sino ang naglalagay pero hindi ko mahuli huli.

Napaupo ako nung may kumatok, "Pasok" sigaw ko at daling bumukas yung pintuan at pumasok si Cody.

"Ano'ng nangyari? Okay lang ba si Max?" Tanong niya at umupo siya sa study table ko.

"Wala, at oo" mahinang sagot ko at naalala ko yung paguusap nila ni Leah kanina, "inihatid mo ba si Leah?"

"Hindi, nagtaxi akong umuwi"

"Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko, "akala ko ba si Leah ang gusto mo? Bakit si Max naman ngayon ang hinahabol mo?"

"Dyan ka nagkakamali bro, hindi ko gusto si Leah, inilayo ko lang siya sa'yo. Sabi ko nga, she's not good for you, pero ayaw mong makinig"

"Ugh" tumayo ako't kinuha ang tuwalya at humarap sa kanya, "seryoso ka ba kay Max?".

"Oo".

"Hindi ko ito natanong sayo pero, bakit si Max pa?" Nakakunot noong tanong ko.

"Alam kong alam mo ang sagot dyan, ako naman ang magtatanong, kailan mo marerealize na hindi si Leah ang gusto mo?" Nakangiting tanong niya, hindi ko siya sinagot, umiwas lang ako ng tingin, "fvck, you already realized it, didn't you?" Natatawang tanong niya at tinalikuran ko siya saka pumunta sa banyo saka nagshower ng mabilis. Paglabas ko, andoon padin sa loob si Cody.

"Lumabas ka na nga!" Utos ko sabay sapak ng tuwalya sa likod niya.

"That hurts!" Reklamo niya saka umupo at nilaro yung maliit na unan ko, "Alam kong nadinig mo yung usapan namin ni Leah kanina" Tumigil ako sa paglalagay ng shirt, "ready ka na bang makinig sa lahat ng sasabihin ko?"

Tumingin ako sa kanya, noon pa niya ako pinipilit na makinig sa mga sasabihin niya pero ayaw ko dahil nakatatak sa isip ko na gusto niya lang agawin si Leah, pero naguguluhan na ako ngayon.

"Fine" sabi ko at ngumiti siya saka nagsimulang nagexplain.

Max's POV

Napatalon ako sa gilid ng daan nung biglang may bumusina, "Hoy! Ang lawak lawak ng daan 'no!" Sigaw ko sa lintek na sasakyan at narealize kong kay Cole pala yun. Akala ko sanay na ako sa umagang umaga na pambibwiset niya, hindi pa pala, "lumabas ka dyan hayup ka!" Sigaw ko at bumukas yung sa driver's door at lumabas nga siya.

"Good morning!" Nakangiting bati niya, unang naisip ko ay si Cody yun, pero magulo ang buhok niya kaya nakasisiguro akong si Cole yun.

"Anyare sa'yo?" Tanong ko.

Cupid's HandcuffsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant