Chapter 11

3.9K 138 17
                                    

Max's POV

BUMUKAS yung door ng CR nung naghihilamos ako para matanggal yung chalkdust ng maigi, inatake kasi ako on the way here. Dali kong tinignan yung pumasok at pareho kaming nagulat.

Nagsmile si Leah ng konti at ngumiti rin ako para i-acknowkledge yung gesture niya.

"Uhhm..there's..there's something.." Sabi niya sabay turo sa likod ko, "let me" lumapit siya sa'kin saka may tinanggal na papernote sa likod ko na may nakasulat na 'B*tch ako, huwag tularan'

"Tss, wala na silang originality" sabi ko saka kinuha yung papel at finold ko saka ko ibinulsa sa blazer ko, "thanks"

"Walang anuman" sabi niya saka naghugas ng kamay habang nagpupunas naman ako ng muka gamit ng panyo ko, "we were'nt properly introduced, I'm..I'm.."

"Leah, kilala kita, ako si--"

"Max, kilala din kita" nakangiting sabi niya saka awkardly na iniabot niya yung kamay niya para nakipagshake hand sa akin.

"It's nice to meet you" sabay pa naming sabi at sabay kaming tumawa.

"Alam ba nina..Cole na..binubully ka?" Tanong niya.

"Hindi, hindi naman nila kailangang malaman"

"Pero I think, they can protect you"

"No need, I'm fine, really. At saka sino ba naman ako para protectahan nila?" Nakayukong sabi ko.

"You're their friend"

"Please huwag mo sanang sabihin sa kanila." Makaawa ko at nakita ko ang concern sa mga mata niya, tapos ngumiti siya ng konti.

"Okay, if that's what you want"

"Thank you!" Masayang sabi ko at lalo pang lumaki ang ngiti niya. Kaya naman pala patay na patay si Cole dito eh ambait bait naman kasi pala talaga.

"Sige, mauna na akong lumabas, baka kasi iba ang isipin nila sayo kung magsasabay tayong lumabas, ayaw ko sanang dagdagan ang problema mo"

"Hala sige, okay lang. Thank you uli"

"Sana hindi ito ang huling paguusap natin" she said and I smiled brightly.

"Oo nga" sagot ko at nagngitian uli kami saka nauna siyang lumabas, "whoo, that was..awkward" sabi ko sa sarili ko. Akalain mong nakausap ko ang crush ni Cole!? Hindi siya maniniwala kung ikekwento ko ito sa kanya kaya nakapagdecide akong huwag nang sabihin sa kanya.

After a minute saka ako lumabas at nagkasalubong kami ni Lope at muntik na akong matumba, mabuti nalang at nahawakan niya ako sa mga balikat ko.

"Uy! Sorry! Mygad 'di kita nakita!" Sabi niya habang sinusubukan kong tumayo ng matuwid, "no offense ha".

"None taken" natatawang sabi ko, "hindi pa naman siguro huli para magGrowee vitamins ako 'no? Baka may chance pa akong tumangkad"

"Hehe, maghigh heels ka kasi" sabi niya saka pumasok siya't sinundan ko siya at hinintay sa may lavatory.

"High heels? Tiisin ko nalang maglaklak ng ilang bote ng Growee vitamins kesa magheels" sagot ko at pumasok siya sa isang cubicle.

"Sa bagay, nga pala, kanina ka pa hinahanap ni Cole, asan cellphone mo?" Tanong niya habang jumijingle.

"Ay, bakit daw? Nasa locker ko yung phone ko eh"

"Kanina ka pa tinatawagan, ewan ko, lagi ka namang hinahanap nun eh." Then I heard a flush, "hoy" sabi niya sabay bukas nung door ng cubicle, "sigurado ba kayong walang something sa inyo ni Cole?"

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon