Chapter 41

2.8K 119 25
                                    

Max's POV

*Blag!*

"Ahhh!!" sigaw ni Kimmy na napatalon mula sa kama at nagtago sa baba.

"Asan yung hinayupak na dress na yan at nang makapagpalit na ako?" naiinis na tanong ko.

Sumilip si Kimmy mula sa pinagtataguan niya at huminga ng maluwag nung nakita niyang ako yung sumipa sa pintuan saka siya tumayo.

"Adik ka ba!? Mamatay ako sa sakit sa puso dahil sa pinaggagagawa mo sa akin. Akala ko ba 'di ka pupunta!?" naiinis na tanong niya habang papunta sa closet niya.

"Hindi ako magpapatalo sa Leah na yun 'no!" ibinato niya sa akin yung cream dress na susuutin ko.

"Mabuti naman at gumana yang utak mo, dali na't i-under construction pa natin yang muka mo" utos niya sabay tulak sa akin paupo sa harap ng salamin niya.

50 minutes akog nag-ayos, saktong nagring yung doorbell.

"Andyan na si future husband ko!" masayang sabi ni KImmy saka hinawakan ako sa magkabiang balikat at tinignan ng masama, "remember, Cole ang sayo, Cody ang akin, maliwanag?" seryosong tanong niya at napatango nalang ako, "great! Now go get my man!" Hindi ako gumalaw at tumingin lang sa kanya, "uhh, I mean, go borrow my man? Jusko ang awkward"

"Halika na nga" sabi ko sabay hila sa kamay niya't lumabas sa kwarto.

Nandoon na nga si Cody sa baba pero nakataliko siya sa amin dahil may tinitignan siyang picture.

"Hi!" bati ko at tumingin siya, and he smiled.

I smiled back.

Cole's POV

Sana hindi niya mapansing ako ang partner niya at hindi si Cody, ginawa na namin ang lahat para makopya ko ang style ni Cody

Gumaan agad yung pakiramdam ko nung nginitian niya ako, pero nung narealize kong nagpapanggap pala ako na si Cody, muntik nang madurog yung hawak kong bulaklak. Speaking of bulaklak.

"Here" sabi ko sabay bigay nung bulaklak sa kanya at masaya niyang tinanggap iyon. Lalo akong nabwisit. Bakit niya ako nginingitian ng ganyan!? I mean bakit niya nginingitian si Cody!?

"Tara!?" masaya niyang tanong at hindi ko namalayang pinanliitan ko siya ng tingin, "oh? Bakit parang galit ka?" aba't nagpapacute pa! Ansarap niyang batukan!

"Hindi ako galit" sabi ko habang nakangiti ng pilit, "nagugulat lang ako sa'yo"

"Max ha" sabi bigla ni Kimmy na nasa may hagdan, "yung sinabi ko kanina" tapos sumimangot siya, nagseselos ata, lintik naman kasing Max 'to! Wala ring alam si Kimmy dito sa ginawa namin ni Cody eh.

"Yup! Let's go!" sabi ni Max at hinila ako palabas ng bahay nina Kimmy. Sumunod nalang ako pero pinigilan kong huwag siyang batukan o ipitin sa kilikili ko. Ibitin ko kaya siya ng patiwarik?

"Asan na nga pala si Cole?" masayang tanong niya nung nakapasok na kaming dalawa sa sasakyan.

"Ah, nauna na" sagot ko, ayaw ko siyang tignan dahil naiinis parin ako. Naglagay kami ng seatbelt at pinaandar ko yung sasakyan.

"Ganun ba? Kasama niya si Leah?" kumunot ang noo ko, tapos naalala kong si Leah pala ang sumagot sa tawag niya.

Makaganti nga.

"Oo" sagot ko at lalo pa siyang ngumiti.

"Mabuti naman kung ganun, kawawa naman si Cole kung wala siyang partner eh"

"''di ba, okay na kayo ni Cole?"

"Nicole? Sino'ng Nicole?" huminga ako ng malalim, nagtitimpi na talaga ako sa inis, "ahh, si Cole, hehe. Oo, okay na kami" at least inamin niya kaya medyo naibsan yung inis ko.

"Eh bakit okay lang sa'yo na magkasama sila?" tanong ko.

"Bakit naman hindi okay sa akin yun? Sino lang ba ako sa Cole?" she asked.

You will be my everything.

"Ahh ganun ba" sabi ko lang.

"Pero alam kong hindi sila magkasama" she added.

"Ha? Bakit mo naman nasabi yan"

"Gagu, alam kong ikaw si Cole!" sigaw niya't napaapak ako sa brake ng wala sa oras.

*eeeet!*

Napalundag kaming dalawa sa upuan naming nung bigla akong nagpreno, "Ano?" tanong ko.

Humarap siya sa akin ng nakataas yung isang corner ng bibig niya at pinagcross ang mga kamay sa dibdib.

"Akala mo hindi kita makikilalang damulag ka?" she said in gritted teeth at lumunok ako.

"Ha?" tanong ko. Huminga siya ng malalim at nagtanggal ng sandal saka itinaas at-"aray! Aray! Ano ba!" reklamo ko nung pinukpok niya ako ng paulit ulit.

"Binabalak mo pa akong lokohin hayup ka!" sigaw niya.

"Nagbibiro lang! aray! Tama na!"

Tumigil siya habang hinihingal, "Explain. Now!" utos niya. Sasagot na sana ako pero itinaas niya yung isang daliri para pigilan ako, "wait pala" sabi saka isinuot uli yung sandal niya, "okay go".

"Ano'ng go?" tanong ko.

"Go! Magexplain ka na! bago pa ako magbuo ng sagot, and believe me if I say na hindi maganda yung mabubuo kong sagot" warning niya, "at bakit si Leah ang sumagot sa tawag ko kanina??"

Itinaas ko yung dalawang palad ko, "Okay, sandali, bago ako magexplain, I need to know, maniniwala ka ba sa sasabihin ko?"

Lumungkot yung muka niya at tumango ng dahandahan, "Oo naman, alam kong hindi ka magsisinungaling sa akin, 'di ba hindi ka magsisinungaling sa akin?"

That made me smile, "I will never do that" paniniguro ko saka siya ngumiti ng konti, "I'm sorry kung si Leah ang sumagot sa tawag mo kanina. Pumunta kasi siya sa bahay kanina at naiwan ko yung phone ko sa sala" I explained at tumango siya.

"Eh bakit hindi mo ako tinawagan nung nalaman mong tumawag ako?"

"Kasi alam kong hindi ka magiisip ng masama hanggat hindi ako nageexplain sa'yo"

"Usapan natin yun eh" she said, "teka, bakit ako umaastang nagseselos na girlfriend? Paandarin mo na nga itong sasakyan mo't makarating na tayo sa paroroonan natin" reklamo niya't napatawa ako ng konti.

"Pasimple ka pa dyan, obvious naman na nagseselos ka talaga eh" bulong ko.

"Ano?" naiinis na tanong niya.

"Ang sabi ko, ang ganda mo ngayon" I said and glimpsed at her, hindi nakatakas sa paningin ko yung pagngiti at pamumula nung mga pisngi niya.

"Hindi ah" deny niya.

"Whatever, liar"

"Che!" irap niya, lalo pa akong ngumiti. Hindi ko na talaga palalampasin ang gabing ito ng hindi siya nagiging girldfriend ko.

{va�<>

-=-=-=-=-=-=-

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now