Chapter 39

2.8K 138 94
                                    

Max's POV

DUMAAN muna kami ni Cole sa isang flower shop saka dumeretsyo sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga magulang ko. Ipinagdasal ko ang mga kaluluwa nila't tumayo at hinarap si Cole.

"That's it, tara na?" tanong ko pero nakatingin parin siya sa puntod ng mga magulang ko, "Okay ka lang?" dagdag ko't tumingin siya sa akin.

"Okay lang ako, pinasalamatan ko lang sila." Sabi niya ng nakatingiti ng konti.

"Huh? Bakit?"

"Wala, hayaan mo na yun" sabi niya't tumalikod, pero tumigil kami nung may tumawag sa pangalan ko.

Cole's POV

"Oi! Ate Maxine! Ikaw ba yan!?" tawag mula sa harap namin at sabay namin siyang tinignan ni Max.

"Allen! Naku! Halika dito!" masayang tawag ni Max, lumapit sa amin yung lalake--nasa 13 ata o 14 ang edad. Nagyakapan sila saglit at tinignan ko ng masama si Max, napansin ko kasing gustung gusto niya yung lalake kasi nakalimutan niya ako saglit.

"Andaya! Bakit malapit na tayong magkasing tangkad!?" reklamo ni Max, at sa wakas, naalala niya ako, "ito nga pala si Allen Tran, Allen, siya si Cole".

Tinanguan ko lang siya, tinignan muna niya ako ng pababa pataas bago bumati.

"Hello po, nice to meet you. Ate ko nga pala" sabi niya sabay turo sa puntod sa tabi ng mga Froilans.

"Dito kami nagkakilala" sabi ni Max, pansin ko pang proud na proud siya.

"Oi! Allen!" sigaw ng isang babaeng parating.

"Ate Lexa! Dali!" sigaw ni Allen at dali ngang lumapit sa amin yung Lexa, she's pretty.

"Hi!" bati nung Lexa.

"Ate, this is ate Max. Ngayon ko lang uli siya nadatnan dito, at siya naman yung boyfriend niya." Pakilala niya sa akin. Ngumiti ng malapad sa amin yung babae, she has a nice smile.

"Hi! I'm Allexa, pero you can call me Lexa."

"Hello" bati ni Max, tumango lang ako.

"Lumayo kayo sa akin!!" sigaw ng isang lalake mula sa 'di kalayuan. Merong isang lalakeng tumatakbo palapit sa amin, hinahabol siya ng dalawang lalake.

"Ano na naman ba'ng kinakatakutan ng baklang 'to?" tanong nung Lexa, muka namang hindi bakla yung lalake.

"Lexa!" sigaw nung lalake at hinila niya si Lexa saka iniharap sa dalawang lalakeng may hawak na buto. "Tell them to go away! Ahh! Bones! Human bones!" Sigaw nung kararating at sakto namang nakalapit yung dalawa.

"Ano ba!" reklamo ni Lexa pero 'di parin siya binibitawan nung takot na lalake. Nagtinginan lang kami ni Max saka nagkibit balikat.

"Ano po yan?" tanong ni Allen dun sa dalawang may hawak ng buto, tawang tawa sila kahit hinihingal.

"Buto ng tao!" sigaw nung sumisigaw kanina.

"Wahhh!" sigaw din ni Allen at kay Max siya humawak. Obvious naman na buto ng hayop yung hawak nung dalawa, aso siguro.

"Jason! Kurt! Itapon niyo nga yan!" sigaw ni Lexa.

Ang gulo nila. Gusto kong lumayo para masolo uli si Max kaso nakakapit si Allen sa kamay ni Max.

"Oo na, oo na." sabi nung isa at itinapon nila yung buto saka nagpagpag ng kamay at tumingin sa amin, "oi! New friends!" sabi niya saka inilahad yung kamay at tinanggap ko, "Ako si Jason, ito si Kurt-" turo niya sa lalakeng nagpapagpag ng kamay at sabay kaming tumango sa isa't isat, "At yang baklang yan, huwag niyo nang alamin"

"Nathaniel" sabi nung lalakeng sumisigaw kanina, "Pero you can call me Tan"

"Max" turo ni Max sa sarili niya tapos itinuro niya ako, "Cole"

"Mga kaibigan sila ni Allen" sabi ni Lexa saka tumingin uli sa amin, "taga rito rin ba kayo?" nakangiting tanong niya.

"Hindi, galing kami sa West" si Max ang sumagot.

"Ay galing din doon yung fiance niya!" masayang sabi niya sabay turo kay Jason, "speaking of fiance, asan na ba si Bryce?"

"Natutulog sa van, ayaw sumama" sagot ni Jason.

"Pinuyat mo na naman kasi" sabi ni Nathaniel.

"'Di ah!"

I've had enough of this.

"It's nice meeting you guys, pero kailangan na naming umalis" siksik ko.

"Uhh, oo nga, hehe" sabi ni Max.

"Kailan uli kita makikita ate?" tanong ni Allen kay Max.

"Hindi ko alam, hehe pero sana hindi na naman dito sa sementeryo" sagot ni Max at ngumiti si Allen.

"Sana nga po" he said.

"Alis na kami" sabi ko at tumango yung mga lalake.

"You take care!" masayang sabi ni Lexa, she really has a nice smile. But I like Max's better.

Nakalayo na kami pero dinig padin namin ang ingay nila.

"Familiar sila" tanong ni Max.

Hindi na ako sumagot. Kilala ko na sila, sila ang may hawak dito sa East, mga gangster sila. Nalaman ko lang nung binanggit ni Lexa ang pangalan na Bryce.

-=-=-=-=-=-=-


Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon