Chapter 35

2.9K 137 37
                                    

Max's POV

YUNG idea na gusto ni Cole si Leah, masakit. Yung nakita ko silang magkayakap, mas masakit. How much more ngayong nakita kong magkadikit ang mga labi nila?

Agad akong bumitaw kay Cole at itinulak naman niya ng mahina si Leah palayo, mukang lasing siya. Naghiyawan pa yung mga tao sa loob kaya napaatras ako ng konti hanggang sa pinalibutan na silang dalawa pero kita ko parin sila.

"What the fvck!?" Galit na tanong ni Cole kay Leah na mukang matutumba na sa kalasingan kaya hinawakan siya ni Cole sa magkabilang balikat, "Leah? Okay ka lang?" Hindi sumagot si Leah.

"Cole, dalhin mo nalang siya sa taas? Mukang lasing na siya" sabi ni Becky na daling lumapit sa kanila.

Hindi na nagdalawang isip si Cole at binuhat niya si Leah ng bridal style saka daling tumalikod sa akin saka daling umalis. Naghiyawan uli sila na parang mga bagong kasal yung dalawa.

Grabe? Nakalimutan na ata niya ako.

"Aww, kawawa naman si Maxy mafeeling, iniwan agad agad ni baby Cole" sabi ni Fifi, palapit sila ni Miah.

"Huwag ka na kasing umasa. Ang epal kasi eh. Ikaw din ang kinawawa sa huli" sabi ni Miah.

Gusto kong silang sumbatan kaso wala ako sa mood kaya umalis nalang ako at nagtawag ng taxi. Ang sakit sakit! Pero wala naman akong karapatang masaktan.

Pambihirang buhay 'to, kung alam ko lang na ganito kahirap ang magmahal, hindi ko na sana pinansin noon si Cole sa hallway. Sising sisi na ako. Pero nangyari na ang nangyari. I gotta get out of here. Nasusuffocate ako.

"MAXINE!" Masayang bati ni Rain pagbaba ko sa tricycle.

"Hi!" Bati ko rin, mabilis niya akong nilapitan at niyakap. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin pero ayaw niyang tinatawag namin siyang ATE para daw hindi madagdagan yung edad niya-hindi na kami umangal.

Binitawan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat saka inilayo ng konti para matignan ako ng husto, "Aba! Anliit liit mo na!" Masayang sabi niya.

Sumimangot ako at pinagcross ang mga kamay sa dibdib ko, "Nakakaoffend ka ha!" reklamo ko.

"Hehe, biro lang, actually walang pinagbago yang size mo, fetus size parin" biro niya, "alangan namang sabihin kong anlakilaki mo na? Edi parang niloloko ko lang tayong dalawa."

"Haay, nagdurugo na nga ang puso ko, sasaksakin mo pa ng kutsilyo. Sino? Sino ang magbubuhos ng asido sa puso ko!?" Drama ko at tinignan niya ako na para akong nababaliw--which is malapit na malapit na.

"Sino'ng nanakit sayo't hahantingin ko?!"

"'De, joke lang. Dito ba ako matutulog sa labas niyo? Parang wala kang balak na papasukin ako eh"

"Ay! Hehe halika! Nasa loob sina mama." Pumasok kami.

Hindi malaki ang bahay nila, gawa sa kawayan ang mga pader at dahon ng nipa ang bubong. Pero maganda ang pagkakagawa, parang magarang na kubo baga. Nung malakas pa kasi si tatay Vic, siya ang pinakamagaling na manggagawa ng mga gamit na gawa sa kawayan. Pero nung nagkasakit siya, mga basket nalang at iba pang gamit ang kaya niyang gawin.

Dito kami nagbabakasyon noon ni Kimmy nung hindi pa malala yung sakit niya.

Nagkwentuhan kami habang naglilinis ng dahon ng malunggay at nagbabalat naman ng sayote si Rain, kumuha kasi si nanay Oli ng native na manok para sa tinola.

Nagenjoy ako kasama sila kasi kahit papano, nakalimutan ko ang buhay sa syodad, nakalimutan ko si Cole.

I had peace.

Cole's POV

"You're screwed bruh" sabi ni Cody.

"Shut up!" sabat ko at napaupo ako sa maliit na table. Nasa labas kami ng bahay ni Max, nakalock iyon, ibig sabihin, umalis na siya at baka hindi ko na siya makikita hanggang sa prom night. Baka nga hindi na siya dadalo ng prom night.

"Dapat kasi iniwan mo nalang si Leah"

"I panicked! Unang beses ko siyang makitang ganoon, akala ko mahihimatay na siya!"

"Nahimatay talaga siya, gagu."

"Tapos sasabihin mo sa akin na dapat iniwan ko nalang siya!? Where were you anyway!?"

Umupo siya sa tabi ko ng nagkakamot ng batok.

"Nasa..somewhere. Pero kahit na, nakalimutan mo paring kasama mo si Max."

"Ugh" I burried my face on my hands. He's right. Nagpanik kasi talaga ako kagabi nung mahihilo na si Leah. Pagbalik ko sa baba, wala na si Max. Sabi nina Fifi may kasama daw siyang lalake, pero alam kong hindi yun totoo. Sinubukan ko siyang tinawagan pero hindi niya sinagot. Pinuntahan ko rin siya dito pero wala siya. Nagbakasakali lang ako ngayon dahil akala ko uuwi siya dito ng maaga.

"So paano na? Alam mo ba kung saang lupalop sa East pumunta si Max?" Tanong niya.

"Hindi" sagot ko saka naglabas ng phone, "pero may isang taong alam kong may alam." Tinawagan ko yung number.

"Hello stranger? Please state your name and your address" energetic na sagot ni Kimmy sa tawag ko.

"Uhh, Kimmy, si Cole ito."

"Oh hi!--ay wait, hoy! Bakit ka tumawag!?"

"Ano kasi--"

"Pagkatapos mong saktan ang puso nung kaibigan ko!? Pagkatapos mong sinaksak ng kutsilyo, binuhusan ng asido at pinukpok ng martilyo ang puso niya, tatawagan mo ako? Para ano!? Nope Cole, hindi ko hahayaang ligawan mo ako. Ayaw ko!"

Ano daw?

"Ano?? Ano'ng pinagsasabi mo??" Tanong ko. Same feathers flock together. Hindi na ako nagtataka kung bakit sila magkaibigan ni Max.

"Ha? Hindi ka ba tumawag para sabihing liligawan mo ako?"

"Uhh.." The fvck!? "Hin..hindi"

"Oh, hehe, nagbakasali lang ako. What's up?"

"Alam mo ba kung saang lupalop sa East napadpad si Max?"

"Uhh hindi eh"

"Bibilhan kita ng madaming manga books"

"Sorry Cole, hindi ko talaga alam."

"Ibibigay ko ang number ni Cody."

"Sa House number 504, Sagingan street, Baranggay Victoria. Hanapin mo lang yung pangalang Mang Vic Asejo, kilala siya dun eh" agad na sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.

Siniko ako ni Cody at pinanlakihan ng mata pero hindi ko siya pinansin.

"Thank you Kimmy, send ko nalang sa'yo yung number ni Cody"

"Okay! Maghihintay ako, bye!"

"Sige, get well soon so we could hung out some time." pinatay ko yung tawag, "tara" tawag ko kay Cody at nauna na akong bumaba.

"Teka! Hindi mo pa sinend sa kanya yung number ko!" Pahabol niya.

Kunwari pa siya kanina na ayaw niya.

-=-=-=-=-=-=-    

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon