Chapter 31

3.1K 129 27
                                    

Max's POV

ANG bait bait talaga ni Lord! Tawang tawa tuloy ako kasi naman ang kulit ni Cole.

"Mr. Cyrus! Miss Froilan! Pang limang beses ko na tinawag ang mga pangalan niyo! Please be serious with the practice!" Sigaw nung dance instructor namin. Kinagat ko ang mga labi ko habang nagsalute lang si Cole kay Ma'am Ses at humawak na naman siya sa mga kamay ko.

"Magseryoso ka nga kasi! Mamaya palabasin pa tayo rito eh" bulong ko.

"Ikaw kaya yung tawa ng tawa" bulong din niya.

"Kinikiliti mo ako!"

"Ikaw din naman ah!"

"Huy!" Tawag ni Lope. Paano sila napunta sa tabing line namin eh doon sila kanina sa dulo? "Laro kayo ng laro, isali niyo naman kami!"

"Tayong dalawa nalang? Tutal we are meant to be naman" siksik ni Adrain at kinindatan pa si Lope.

"Kawawa talaga ako, 'no? Kanina pa ako nasusuka sa kakornihan nito" sabi ni Lope habang nagsasayaw kami.

"Huo! Gustung gusto mo nga eh" sabi ko at ngumiti ng malapad si Adrain.

"Shh, don't talk to them. Ako lang ang kausapin mo" sabi ni Cole sabay hila sa baba ko para iharap sa kanila, "they are bad guys. Bad for your health" dagdag niya habang isinasayaw palayo sa dalawa.

"Loko, ikaw ang bad for my health" and my heart. Pero syempre, hindi ko sinabi.

Ngumiti lang siya, and before I knew it, kiniliti na niya ako sa tagiliran ko at sinubukan kong huwag tumawa ng malakas habang tinatanggal yung kamay niya.

Sumunod na prinaktice namin yun graduation march. I hate it. Magisa kasi ako at ang layo ni Lope. Mabuti nalang malayo din sina Fifi at Miah at mabuti nalang hindi ako binully ng mga katabi ko. Pinagchismisan lang ako kaya naglagay ako ng headset at ini-on yung music sa phone ko.

"Problema mo?" Tanong ko kay Cole nung nilapitan niya ako, kakatapos lang ng practice at pumunta na yung mga dtudyante sa kanikanilang grupo.

"Uhh, wala. Hayaan mo na. Saan mo gustong pumunta?" Tumayo ako at inabot niya yung bag ko. Nagulat ako pero mukang 'di niya napansin yung ginawa niya kaya napangiti nalang ako't itinago yung kilig ko.

Ohemgee! Hawak hawak ni Cole ang bag ko! Pero mukang may bumabagabag talaga sa kanya. Siniko ko siya at medyo gulat siyang tumingin sa akin.

"Sabihin mo na nga kung ano man yang bumabagabag sa'yo."

Huminga siya ng malalim at inayos yung strap ng bag ko sa balikat niya, "May paparti si Miguel mamaya sa bahay nila."

"Ahh, so ano'ng problema mo?" Dahan dahan lang kaming naglalakad palabas sa practice hall kasi hindi naman kami nagmamadali.

"Kilala mo si Miguel?" Tanong niya.

"Oo, yung kasama niyo sa basketball na matangkad at mas maputi pa ang kutis kesa sa puti ng mata ko. Yung..hindi ko lang alam kung totoo ha, pero sabi kasi nila, gangster daw?"

"Gusto niyang pumunta ako" mukang iniwasan niya yung huling tanong ko.

"Edi pumunta ka, problema?"

"Gusto niyang pumunta ka rin."

Itinuro ko ang sarili ko, "Ako? Bakit daw? Di naman kami close ah??"

"Gus..gusto ka niyang makilala" sabi niya habang nagkakamot ng batok. Bakit siya nauutal? Nahihiya ba siya!?

"Ahh, eh bakit daw?" Nagkibit balikat lang siya at ibinulsa yung isang kamay habang nakahawak sa strap ng bag ko yung isang kamay niya. Nasa hallway na kami at patungo sa locker niya since mas malapit iyon, "pero..gusto mong pumunta?" Tanong ko.

"Hindi ako pupunta kung hindi ka pupunta"

"Oa?!" Ngumiti lang siya ng konti, pero hindi parin siya tumitingin sa akin hanggang sa makarating kami sa may locker niya.

"Huwag nalang tayo pumunta" sabi niya habang tinatanggal lahat ng laman ng locker niya, "hindi ka rin lang naman mahilig sa mga party"

"Last night na kaya ng highschool life natin" agad na sabi ko at isinara niya yung locker saka sumandal doon at sa wakas, tumingin sa akin.

"Gusto mong pumunta tayo?" Tanong niya.

"Sasama ba sina Lope?"

"Walang hindi pinupuntahan ang mga yun"

"Pero gusto mong pumunta tayo?"

"Oo"

"Edi oo din" ngumiti siya ng konti saka tumayo ng maayos at inakbayan ako.

"Okay, don't worry, hindi kita iiwan doon"

Ngumiti lang ako, pero actually, medyo natatakot ako kasi yun ang magiging unang beses na pupunta ako sa paparty ng school mate ko. Pero hindi daw niya ako iiwan. Gosh, sana ganoon nalang lagi ang nga sinasabi niya, hehe

Cole's POV

Masaya ako dahil pumayag si Max. Gusto ko talaga na pumunta siya kasi hindi pa niya iyon nasusubukan. Gusto ko sanang bago niya iwan ang highschool life eh mararanasan niya dumalo sa mga highschool parties.

I am not trying to change her. I love her the way she is pero gusto ko lang na magsaya siya. Wait, what did I just--?

"Anlalim ng iniisip mo ah, 'di ko mahukay" sabi niya bigla. Nasa tapat na pala kami ng locker niya. Hindi ko siya sinagot, tumingin lang ako sa paligid para hanapin sina Lope, akala ko kasunod lang namin sila, "nauna na sila sa labas, hinalikan kasi ni Adrain si Lope, hayun hinabol niya ng payong. Sana lang maabot si Adrain sa Graduation day ng buhay."

"Okay" sagot ko saka kinuha yung mga books mula sa kamay niya, muka kasing mabibigat.

"Sandali nga" sabi niya pagkakuha ko sa mga yun, "bakit nagpapakagementel ka ata ngayon?"

Gementel? Ah, gentleman.

"Ah sige, heto" sabi ko sabay balik nung mga books niya, "nagrereklamo ka eh"

"Joke lang! Sige na pakibuhat pleeesh! Hehe" ibinalik niya yung mga books sa akin, "nagtataka lang ako, pikunin"

"Whatev--"

"Ver!" Siksik niya saka ngumiti ng malapad, "ang galing ko no! Napredict ko kung ano ang sasabihin mo?"

"Ano'ng magaling d--"

"Dun! See!? Manghuhula na ata ako!" Proud pa talaga siya.

"Para kang ba-"

"Dyosa!"

"I wasn't going to say th-"

"That!"

"Max, shut--"

"Down!"

"I'm s0--"

"Gay! Haha"

Tumigil ako sa paglakad saka tinignan siya ng masama kaya tumigil siya sa pagtawa. Did she just call me gay? Oh no she didn't. No one calls me gay without receiving any punishment.

"Uy joke lang yun ha, huwag mong pahalata na totoo" bulong niya sabay tingin sa paligid para icheck kung may nakikinig.

"Tumigil ka nga! Mamaya patunayan ko pa sa'yo eh" sigaw ko pero mukang 'di natinag yung gagu, lalo pang ngumiti!

"Weh!? Sige nga! Mm!" She pouted her lips. Nasa may parking lot na kami at madaming tao roon. Nagtatapang tapangan ba 'tong babaeng to? "Kitams? 'Di mo kaya"

"Pasok na" utos ko at nauna akong pumasok sa sasakyan. When she entered, I pulled her hand and cupped her cheeks.

-=-=-=-=-=-=- 

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now