Chapter 8

4.4K 153 16
                                    

Maxine's POV

"SAAN ka pupunta?" Tanong ni Cole sa akin nung liliko sana ako sa kabilang hallway nung natapos na ang panghuling subject namin, papunta na rin sa direction namin sina Lope at Adrain na mukang nagtatalo, kasunod si Justin na iba na naman ang kasamang babae-one of the cheer dancers maybe?

"Sa library, kung saan hindi ka pwedeng sumama" sagot ko.

"Shoo" sabi niya agad sabay tulak sa akin, never talaga siyang pumasok sa library ever since nagkakilala kami, allergic ata siya sa mga libro.

Iniwan ko sila sa hallway at pumunta ako sa library, kailangan ko kasing ibalik yung hiniram kong libro last week para hindi ako mapenalty. Itinali kasi ni Cole nung isang araw sa taas ng flagpole, kinailangan ko pang akyatin kagabi para lang makuha yun, ewan ko nga kung paano niya naitali doon eh.

Walang tao sa library, yung matandang librarian lang. Iniabot ko sa kanya yung libro ko at ibinalik naman niya yung card ko. Pagtalikod ko, nabunggo ako sa isang dibdib.

"Cole naman eh!" Reklamo ko at tumingala ako sa kanya, "I..I mean..Cody"

"Sorry" nakangiting sabi niya saka tumabi para padaanin ako.

"Ah--o-okay lang. S-sige" pilit yung ngiti kong nilagpasan siya, phew! That was awkward! Paghawak ko sa doorknob, may humawak sa kamay ko kaya gulat kong nabitawan iyon at tumingin sa kanya.

"Uhh, pwede ka bang makausap?" Tanong niya.

Bakeeet!!? "Uhm..S-sure" sagot ko, bakit ba ako nagi-stutter! Nakakahiya!

"Dun tayo" sabi niya sabay turo sa mga cubicles malapit sa windows.

"Uhh okay" sabi ko lang at sinundan ko siya sa isang cubicle. Umupo ako sa opposite niya.

Cole is going to kill me if he finds out. Talagang pinandigan niyang ayaw niya akong maging sister-in-law kung sakali, as if naman mangyayari yun?

"Kumusta?" Tanong niya nung pareho na kaming comportable sa upuan namin.

"Mabuti, salamat, ano'ng paguusapan natin?" Tanong ko, kung hindi ko siguro nadinig yung pinagusapan nila ni Leah noon, at yung sinabi ni Cole sa akin nung gabing pumunta siya sa bahay, siguradong kaya ko siyang kausapin ngayon normally at hindi yung ganitong napaka-awkward!

"Gusto ko lang sanang makipagkaibigan sa'yo, kaso lagi akong pinipigilan ni Cole" sabi niya.

I know how you feel bro, I mean the 'pigilan ni Cole' thing not the 'makipagkaibigan' part.

Magkaibang magkaiba talaga sila ni Cole sa pananalita. Si Cody, medyo friendly ang voice niya unlike kay Cole na parang laging badtrip--kung sa iba, kasi kung sa amin naman ni Lope minsan eh friendly---ewan ko lang kung kay Leah, ahh, tameme siya kung sa kanya, haha.

"Ganun ba" sagot ko, hindi ako makatingin sa kanya kaya nakayuko lang ako, ito yung mga moments na pinagsisisihan kong itinatali sa tuktok ng ulo ko yung kulot na buhok ko kasi wala akong pagtataguan, huhu.

"Pwede ba?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Pwedeng?"

"Pwedeng makipagkaibigan sayo?"

Hindeee! Madadagdagan ang inis sa akin ng mga schoolmates natin!! At hindi lang yun, baka ibabaon pa ako ng buhay ni Cole!

"Uhhh" sagot ko lang, dali magisip ka!!

"Pwede nating isikreto kung yun ang gusto mo" napatingin ako sa kanya para siguraduhing seryoso siya, "alam kong ayaw ni Cole na lumapit ka sa akin, o ako sa'yo, lalo na 'pag naging magkaibigan tayo, pero you seem like a good and cool person. Gusto sana kitang maging kaibigan." Nakangiting sabi niya, kung ganito sana si Cole kabuting magsalita--pero hindi eh, kaya hindi ko na itutuloy.

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon