Chapter 17

3.5K 138 22
                                    

Max's POV

"SORRY kung hindi nagwork ang plan natin kahapon" sabi ni Leah nung umupo siya sa harap ng piano at ako naman ay sa tabi ng bintana sumandal.

"Sorry din kung hindi ako nakatulong" sabi ko.

"No, it's not your fault. Ang stupid lang talaga nung plan ko. I had hoped na madadaan nila sa magandang usapan ang lahat kung kaharap nila tayo, hindi pala" malungkot na sabi niya.

"Ginawa mo naman ang makakaya mo. Siguro mas maigi lang na huwag na tayong makealam?"

Ngumiti siya ng konti, "Tama, narealize ko din yan kahapon" nakayukong sabi niya tapos tumingin siya sa akin, "pumayag ka na ba?"

Hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin tapos umiwas ako ng tingin nung naisip kong yung offer pala ni Cody ang tinutukoy niya.

"Yung..yung kay Cody? Actually.. Uhh.."

"It's okay" sabi niya at napatingin ako sa kanya, "gusto ko lang sanang malaman para alam ko kung papayag na ba ako sa alok ni Cole na maging promdate niya"

Sumakit bigla yung dibdib ko pero pansamantala lang kaya tumingin ako sa labas ng bintana. Inalok na pala siya ni Cole? Of course, sino pa ba ang aalukin ni Cole kundi si Leah. At 'di ba nga maliwanag sa akin na si Leah ang gusto niya? Pero bakit nabibigla parin ako?

Kaya ba pumapayag na si Cole na magpartner kami ni Cody para magkaroon ng way na tanggapin ni Leah na maging promdate niya? Well planned Cole, well planned.

"Max?" Humarap ako kay Leah ng nakangiti.

"Hindi pa ako sigurado. Actually, pumayag na si Cole na maging magpartner kami ni Cody sa prom, pero pag iisipan ko parin" sagot ko at dahandahan siyang tumango habang nakatingin sa baba.

"Bakit hindi ka agad pumayag?" Tanong niya saka iniakyat sa akin yung tingin niya, "don't you find Cody attractive?"

"Ha?? Uhh..hindi naman sa ganun..may..may gagawin kasi sana ako sa day ng prom"

Dahan dahan uli siyang tumango habang nakatingin sa baba, "Pero kung nakapagdecide ka na, pwede bang sabihin mo sa akin agad?" Napansin kong malungkot ang pagkakasabi niya.

Parang ayaw ko na tuloy na pumayag sa sinasabi ni Cole, pero kung hindi ako pumayag, masasaktan (daw) si Cody AT masasaktan din si Cole dahil mawawalan siya ng partner kung pupunta si Leah kay Cody.

Bakit ba ako ang naiipit dito!!!???

"S-sige" sagot ko at ngumiti siya ng konti saka tumayo.

"Thank you" sabi niya, "we'd better go, malapit ng magtime"

"Mauna ka na, dito muna ako" nakangiting sabi ko at tumango siya saka lumabas sa studio.

Nakahinga ako ng maluwag nung naisara na yung pintuan.

Bakit ba ako nalagay sa sitwasyong ito? Ahh, alam ko na. It all started with that stupid Cupid's Handcuff!! Kung hindi siguro nangyari yung nangyari nung Feb.14, baka ineenjoy ko parin ang pagiging John Cena ko.

Kung hindi yun nangyari, hindi sana ako mabubully. Hindi ko sana inaalala kung may mangyayari tuwing naglalakad ako sa hallway. Wala akong makikitang black letters sa locker ko.

Kung hindi sana yun nangyari, baka andoon na ako ngayon sa classroom na nakaupo sa gilid at pinapanood ang mga classmates kong hindi man lang ako sinusulyapan.

Hindi ko siguro nararanasang tumawa sa kabobohan nina Adrain at Justin, hindi ko magiging kaibigan si Lope na sikat sa Vine.

Hindi ko makikilala si Cole at naiintindihan siya. Kung hindi yun nangyari, hindi ko mararanasan ang magkaroon ng nakakabwiset and at the same time, caring na kaibigang lalake.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now