Chapter 22

3.4K 139 46
                                    

Max's POV

"HUWAG mong tanggalin yan" utos ni Cole nung paalis kami sa man-made wave, tinutukoy niya yung vest ko.

"Ay hindi ko talaga to tatanggalin hanggang sa makaalis tayo rito" sabi ko at tinapik ko yung vest, "ito ang magliligtas sa buhay ko." Dagdag ko.

"Tulad ngayon" sabi ni Justin at niyakap niya ako't tumalon sa isang pool na dinadaanan namin. Lumutang naman ako agad, dahil biglaan yung ginawa niya, hindi ako nakahanda kaya nakainom uli nung tubig kaya umubo ako.

"Justin naman eh!" Reklamo ko at lumangoy ako hanggang sa gilid ng pool kung saan nakatayo yung tatlo na tinatawanan ako, "patulong!" Sabi ko kay Cole at tinanggap niya yung kamay ko saka hinila na parang I don't weight anything! "Thanks" sabi ko sa kanya.

"Sorry again" sabi niya at bago ko pa narealize ang ibig sabihin nun, nasa himpapawid na ako kasi itinapon niya ako ng gaya sa ginawa niya kanina sa pool, huhuhu

Hindi na ako lumangoy pabalik sa kung saan nakatayo si Cole, doon na ako sa may hagdan at mas safe doon. Biglang may nagsplash at tumingin ako kina Cole, wala na siya doon! Tignan ko lumalangoy papunta sa akin.

"Ahhh! Pambihira naman! Ayaw ko na!" Sigaw ko at binilisan kong lumangoy pero meron nang naghila sa likod ng vest ko at tumingin ako, "wow in fairness, ambilis mong lumangoy" sabi ko kay Cole.

"Dito ka na muna" sabi niya at hinila niya ako hanggang kina Justin at Adrain, nasa taas pa kasi si Lope at siya ang nagvivideo.

"Laro tayo!" Masayang sabi ni Adrain nung nakalapit na kami sa kanila.

"Ano'ng lalaruin natin?" Tanong ko at ngumiti siya ng malapad, "ay hindi, joke lang, hindi pala ako sasali" sabi ko sabay langoy palayo pero hinila uli ako ni Cole at pinabalik sa tabi niya.

"Tignan natin kung sino ang pinakamalakas satin" sabi ni Adrain.

"Talo na ako, Lope! Help!" Sigaw ko kay Lope na nililinisan ang lense ng camera niya.

"Ayaw! Masaya na ako dito!" Sigaw niya.

So naglaro nga yung tatlo at ako ang ginawang bola dahil ako ang itinatapon nila sa pool. Who won? Si Cole, dahil muntik na akong umabot sa kabilang pool nung itinapon niya ako.

ANG sakit ng katawan ko, pagod na pagod ako tapos itong si Cole, ayaw pang umayos sa pag-upo, nasisikipan tuloy kami ni Justin. Tiniis nalang namin since hindi naman kami makapalag sa damulag na katabi ko.

"Dito na Max?" Tanong ni Adrain nung tumigil yung sasakyan sa kung saan nila ako pinick up kanina. Nakakapagod talaga! Kaya naman pagbukas ko nung pinto, dumeretsyo agad kami ni Cole sa couch at sabay kaming bumagsak doon.

"Uhhhhg, I'm so tired" reklamo ni Cole.

"Shhh!" Sabi ko habang nakapikit, "let's just sleep"

"Dun ka nga sa kwarto mo, gusto kong humiga" sabi niya sabay tulak sa akin hanggang sa nahulog ako sa upuan.

"Kailangang manulak! Umuwi ka na nga kasi!" Reklamo ko habang tumatayo pero nag inat lang siya saka tumingin sa akin ng nakangiti.

"Nag enjoy ka ba kanina?" Tanong niya nung ini-on ko yung TV.

"Infairness, oo. Thank you sa invite" sabi ko at umupo ako sa sahig saka sumandal sa couch. Umayos siya ng higa at humarap sa TV.

Cole's POV

"Ba't late ka na namang umuwi anak?" Tanong ni mama pagpasok ko, nakaupo siya sa dining table at busy sa pagtatype.

"Dumeretsyo ako sa bahay ng kaibigan ko ma" sagot ko saka binuksan yung ref at kumuha ng juice.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now