Chapter 25

3.3K 124 45
                                    

Cole's POV

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil pumayag si Max sa inalok kong tanungan namin, sa ganitong paraan, mas makikilala ko pa siya ng husto. Akala ko aayaw siya dahil umayaw siya kanina sa Truth or Dare, gumagana ang mga lucky stars ko ngayon.

"So, sino ang mauunang magtanong?" tanong niya.

"Ako na, first question; sino ang first crush mo?" tanong ko at inihanda ko ang sarili ko sa ano mang isasagot niya.

"Si ano, si Daniel"

T*ngina! Sino yang hinayupak na Daniel na yan!!?? Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko, tutal, crush lang naman yun.

"Daniel?" kalmadong tanong ko, "yung third year na basketball player din?"

"Huh? Sino yun? Hindi no! Yung si Daniel Padilla!" Nalintikan na, artista pala. "aray ko! Bakit mo ako pinitik!? Sumagot naman ako ah!!?" pasigaw na tanong niya habang nakahawak sa noo dahil pinitik ko.

"Hindi yun valid" sabi ko at sinipa niya ako sa paa, mahina lang pero nagkunwari akong masakit pero hindi niya pinansin.

"Valid yun!" sigaw niya, "my turn, sino ang first crush mo? ay wait, never mind. Ibang question nalang, sino ang first girlfriend mo? Ay wait ulit, kilala ko pala, ito nalang--"

"Umayos ka nga!" sigaw ko at napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat, cute.

"Bakit mo ako sinisigawan!?"

"Bakit mo binawi yung unang tanong mo? Alam mo ba ang sagot no'n?" taas kilay na tanong ko at pinagcross niya ang mga kamay sa dibdib at tinaasan ako ng noo niyang may marka ng pitik ko.

"Oo!" confident niyang sagot.

"Sino?"

"Si Leah! Sino pa ba?" sagot niya at tumigil ako saglit, saka tumango.

"Sa bagay, eh yung pangalawang tanong mo? Sigurado ka bang tama yung sagot mo?"

"Oo! si Gretchen! Yung cheerdancer na kala mo naman magaling sumayaw eh lagi namang nawawala sa formation at sa steps! Ang bobita pa, mas bobita kesa sa akin."

Tumawa ako ng mahina, siya talaga ang nanlalait sa sarili niya minsan, "Hindi si Gretchen, si Jamaica"

"Suus ginoo!" gulat niyang sabi, "yung mas bobita!?"

Napalakas na ang tawa ko, nakakatawa kasi yung mga facial expressions niya kahit di niya sinasadya, "Yan na ba ang itatanong mo?"

"Hehe, oo muna"

"Oo, yung mas bobita" sagot ko, "my turn, totoo bang wala ka pang nahahalikang lalake? Kahit sa pisngi?"

"Wala nga!" pasigaw niyang sagot, "Bakit ba napakabig deal nun?" pabulong niyang tanong pero nadinig ko padin at pinigilan kong huwag ngumiti.

Big deal talaga yun, gagawin kong goal na maging first kiss niya. Soon.

Umayos siya ng upo at itinaas uli ang noo niya, "Ako naman ang magtatanong, nakailan ka na ng girl friend?"

"Uhh.." sabi ko sabay iwas ng tingin, kung sasagutin ko siya ng tamang bilang, baka masaktan siya---umaasa parin akong ako yung gusto niya at hindi si Cody.

"Wow ha, hindi mo mabilang?" tanong niya at nagbalik ang atensyon ko sa kanya.

"12 I think? Except na yung mga flings lang" I answered honestly.

Imbes na magreact siya negatively, ngumiwi lang siya at tumango na parang iniintindi niyang mabuti yung sinabi ko, "Akala ko mas higit pa dyan" sabi niya.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now