Chapter 28

2.8K 114 18
                                    

Cole's POV

BAKIT gumamit si Max ng new number? O nakitext lang siya? Napakatipid naman kasi niya, minsan lang nagpapaload. At bakit sa West Tower pa kami magmimeet? At bakit 'di ko mapigilang ngumiti? Nababaliw na ako.

Inubos namin ni Cody ang mga pictures niyang nagkalat sa building B. Tapos naghiwalay kami nung may nagtext sa kanya. Nagmadali akong pumunta sa likod ng West Tower, baka nandoon na kasi si Max.

"Cole?"

Agad kong nilingon sa kaliwa ko at kumunot ang noo ko, ano'ng ginagawa ni Leah dito?

"Bakit?" Tanong ko, at bakit nangingitim ang mga eyebugs niya? Baka napuyat kakareview.

"Ano'ng bakit? Tinext mo ako na pumunta dito"

"Ano? Hin--" tumigil ako, hindi si Max ang nagtext sa akin. Umiling ako at tumayo ng maayos mula sa pagkakasandal ko sa pader, "hayaan mo na." Sabi ko't tatalikod sana pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Sandali, mag-usap muna tayo" mariin niyang sabi. Huminga ako ng malalim at hinarap siya ng husto. Hindi maliit na babae si Leah, pero parang anliit ng tingin ko sa kanya ngayon. I mean, yung height niya.

"Ano'ng paguusapan natin?" Tanong ko.

"Si Peter ang kapartner ko sa prom" balita niya.

"Ah..okay" sagot ko. Si Peter? Kaya pala siya nagpaparty nung Saturday night. Tsk tsk tsk. Sinasabi ko na nga ba, mababaw na naman ang rason ng pagpapaparty niya. Mabuti nalang at 'di ako pumunta.

"Ikaw? Sino'ng partner mo?" Tanong niya.

"Hindi ko pa alam, bahala na"

"Alam mo, pwede kong bawiin yung alok ni Peter since ilang araw pa bago ang--"

"Hindi na, iniisip ko na magsosolo ako"

Umiwas siya ng tingin na parang napahiya siya. Hindi ko gustong hiyain siya, ayaw ko lang na may masasaktan siyang iba para lang maging promdate ko. At itinatak kong maigi yung sinabi ni Cody na gusto niyang makuha ang isa sa amin.

"Cole, bakit..bakit ka nagkagusto kay Max?" Tanong niya saka gulat na tumingin sa akin, "huwag ka sanang mag isip ng kung ano ano, gusto ko lang malaman kasi..kasi pati si Cody, nagkagusto sa kanya. Curious lang ako."

"Mabuting tao si Max" agad na sagot ko. Pinagmasdan kong maigi ang magiging reaction niya. Dahan dahan lang siyang tumango, "hindi siya gahaman. Maingay at baliw siya minsan pero nagkakaintindihan kami. Masaya siyang kasama, nakakatuwa at nakakatawa." Ngumiti siya ng konti at ibinaba yung tingin.

"Naiintindihan ko na." Sabi niya saka tumingin uli sa akin, "bakit mo nga pala ako pinatawag dito?"

"Hindi kita pinatawag dito"

"Pero you texted me." Ipinakita niya yung phone niya. Meron nga siyang text at nakaregister sa pangalan ko. Kinuha ko yung phone niya at tinignan yung number, pareho sa number na nagpanggap na si Max.

"Hindi ko number ito. Sino ang huling humawak sa phone mo?"

Kumunot ang noo niya at binawi yung phone saka tinignan yung number at napanganga siya ng konti, "hindi mo nga number ito."

"Pinahawak mo ba ang phone mo sa kahit sino?"

"Si..si Cody ang huling humawak ng phone ko."

"Si Cody?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo, nagtransfer kami ng files kasi nawala yung flash drive ko kaya sa phone ko isinave. Yun lang naman ang pinanggamitan niya."

Kailangan kong kausapin si Cody. Hindi pwedeng siya dahil iniiiwas niya ako kay Leah. Pwede ring inosente si Leah, or pwedeng siya mismo ang nagpalit sa number ko.

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon