Chapter 37

2.8K 123 14
                                    

Max's POV

GALIT parin ata siya sa akin, hindi kasi siya nangaasar, antahimik niya at saka lang nagsasalita kung may tatanungin kami. Nagiguilty na ako pero ayaw kong magsorry kasi masakit parin yung nangyari kagabi.

Am I waiting for him to apologize? O hinihintay niyang ako yung magsosorry?

"Nagaway ba kayo?" tanong ni Rain nung naglilinis kami ng mga isdang nahuli namin, kumuha lang kami ng sampo, kakatapos lang kasi naming kumain. Parating narin si Tatay Vic na galing sa taniman nila ng mga citrus fruits.

"Uh, parang ganoon na nga, hehe" sagot ko. Kasalukuyang naghuhugas si Cole ng mga kamay at paa sa may poso.

"Pumunta ba siya dito para makipagbati sa'yo? Patawarin mo na! Nageeffort yung tao eh"

Hindi ako sumagot. Patawarin? Hindi ko nga alam kung may dapat akong patawarin.

Tinignan ko uli si Cole, nakataas yung manggas ng pants niya pero may mga putik parin yun. Doon kasi sila pumwesto ni nanay Oli sa baba dahil tinuruan siyang mamingwit. Ang cute cute niya kanina, nagkoconcentrate talaga siya sa mga sinasabi ni nanay Oli.

Hindi rin siya maarte, nung sinabi ni nanay Oli na pumunta sila sa baba, nagtanggal agad siya ng sapatos at inayos yung pants saka inalalayan si nanay Oli sa pagbaba. Syempre puno yung phone ko ng stolen shots niya.

Nanlaki ang mga mata ko nung nahuli niya akong pinapanood siya kaya dali akong umiwas ng tingin at nagfocus sa pagtanggal ng kaliskis nung mga isda.

"Nahuli ka?" natatawang tanong ni Rain at uminit yung muka ko.

"Tumigil ka nga! Pati nga ikaw eh"

"Kasi meant to be kami." tapos humagikgik pa siya na parang teenager.

"Ay ang harot!" sabat ko at nagbelat siya sa akin.

"Andyan na si tatay niyo" masayang sabi ni nanay Oli at sinalubong sina tatay Vic. Kahit may sakit si tatay Vic, pumupunta parin siya sa taniman nila. Ayaw kasi daw niyang nakukulong sa bahay.

"Aba! May bago tayong bisita?" tanong niya nung nakita niya si Cole na palapit sa akin. Basa parin ang mga kamay at paa niya kaya iniabot ko yung maliit na tuwalya ko sa kanya at tinanggap naman niya iyon.

"Kaibigan daw siya ni Max" sabi ni nanay Oli, diniinan pa talaga yung kaibigan!

"Hello po, ako po si Cole" bati ni Cole sa kanya with his winning and courteous smile. I've never been so proud.

"Magandang hapon, ikaw ata yung kinekwento kanina ni Max?"

"Hala tay! Wala akong kinekwento tungkol sa kanya kanina ah!" sabat ko agad.

"Wala daw, 'di ba sabi mo patay na patay ka sa kanya?" tanong ni Rain, muka na siguro akong kamatis kasi ang init init ng muka ko.

"Sabi mo pa siya ang gusto mong maging asawa, asuus!" dagdag ni nanay Oli, 'di ko na napigilang yumuko at humawak sa noo ko, mahihilo na ata ako. Nantitrip lang sila, wala talaga akong sinabing mga ganon.

"Walang problema ho doon" sabi ni Cole kaya dali akong napatingin sa kanya.

"Joke lang nila yun, wala akong sinabi" sabi ko.

"Alam ko" sabi niya ng nakangiti ng konti, para pa siyang..malungkot?? I'm not sure.

"O siya, halika dito anak at tayo ang magpapaapoy sa mga uling. Marunong ka ba?" tawag ni tatay kay Cole.

"Hindi po" agad na sagot ni Cole, lumapit siya kay tatay at tinulungan niya siyang pinaapoy yung mga uling na nasa nakapermanent na grill malapit sa kubo. Para silang mag-ama, sarap panoorin.

"Yang puso mo" bulong ni Rain sa akin saka lang ako natauhan.

"Tigilan mo nga ako!" reklamo ko sa kanya at naghanap ako ng ibang gagawin.

Cole's POV

I don't ever want to go back to the city. I love it here. I love the place. I love the weather. I love the people--tumingin ako kay Max na kumakain ng mangga. Nagaalala ako dahil napaparami na ang kinakain niyang mangga, baka sumakit ang tyan niya mamaya.

"habang may oras, dapat kumilos. Para walang nasasayang na oras" sabi bigla ni tatay Vic habang binabaliktad yung mga isdang nakabalot ng dahon ng saging. I like him the moment I met him.

"Po?" tanong ko, ngumiti lang siya saka tumingin kay Max.

"Yang si Max, mabait na bata. Doon sila nakatira noon sa kabilang bayan, magkakilala ang nanay niya at si Oli. Lumipat sila sa West nung namatay yung tatay niya."

Naalala ko yung kwneto ni Max noon tungkol sa pamilya niya.

"Nung namatay ang nanay niyan, nagalala kami dahil wala na siyang kapamilya. Pero tignan mo siya ngayon, dalaga na. Nagawa niyang tumirang magisa sa iisang bahay."

Ngumiti ako at tumingin uli kay max na pinapaypay ang bunganga saka uminom ng tubig habang tumatawa sina Rain at nanay Oli, nilagyan ata nila ng sili yung sawsawan niya.

"Malakas siyang bata, parang yang si Oli, kaya mahal na mahal ko yan eh" dagdag ni tatay Vic. Maswerte talaga siya kay nanay Oli dahil ambait niya't maalagahin, sinisiguro niyang komportable lagi si tatay Vic and love is visible in their eyes despite their age.

"Maswerte po kayo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Maswerte ka din kung wais ka" sabi niya at kinindatan ako saka tumingin kay Max kaya napatingin uli ako sa kanya, umiiyak na siya habang nakalabas yung dila niya, namumula din yung muka niya. Does she need my help? Nahh, they're just fooling around.

"Tama po kayo, magiging maswerte ako. Ang totoo niyan, maswerte na ako ngayon palang."

"Kaso ang malas ng mga inihaw natin, nasusunog na ata, dali kumuha ka ng tubig!"

Nasusunog na nga yung mga isdang nakalimutan namin, napalakas ata ang pagpaypay namin!

"Tay! Cole! 'Pag yan naging uling, kayong dalawa ang umubos niyan!" sigaw ni Rain mula sa kubo.

In the end, the fish survived. Lima lang naman yung medyo nasunog kaya hindi kami nalagot sa mga babae. Inihanda nila yung table na puno ng prutas, karamihan mga dalandan at pomelo na anlalaki. Sa tabi ni tatay Vic ako umupo kasi madami siyang words of wisdom na ibinabahagi--kakailanganin ko ang mga iyon dahil doon ako nagkukulang. Sa katapat ko naman sina Max at Rain.

Madami akong natutunan kay tatay Vic, pinakaimportante yung huwag kang nagsasayang ng pagkakataon.

Now I know what to do. I just need to wait for the right moment.

-=-=-=-=-=-=-


Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now