Chapter 33

3.1K 122 33
                                    

Max's POV

"I'M GAY!" Sigaw ko nung saktong pinatay yung music at pinagtinginan nila ako, "hehe, uhh, nakita niyo si Cole?" Tanong ko tapos nagplay uli yung music. May mga pinagtawanan ako at meron ding hindi na ako pinansin, but I didn't mind them kasi hinanap ko uli si Cole.

Bwiset kasi yung lalakeng yun! Tinakbuhan ako nung nakita yung handcuffs! Nagpeplay safe lang naman ako! Mas lalo pa palang naihiwalay siya sa akin.

"Uy Max!"

"Lope! Mygad! Mabuti at nakita mo ako!" Masayang pambati ko sa kaniya nung nakalapit na siya.

"Bakit ka mag-isa? Mamaya itapon ka pa nila sa labas dahil baka pagkamalan kang batang naliligaw."

"Grabe? Si Cole kasi! Tinakbuhan niya ako! Ipoposas ko lang naman ang mga kamay namin para sana hindi kami maghiwalay. Sabi niya hindi niya ako iiwan, liar!!"

"Gagu" napayuko ako nung may bumatok sa akin ng mahina at dali kong tinignan ng masama kung sino iyon.

"Hoy hayup! Bakit mo ako iniwan! Alam mo ba kung gaano ako nagstruggle sa mga naglalakihang nakapaligid sa akin!? Sabi mo di mo ako iiwan!!"

"Akala ko sinusundan mo ako" sagot niya at inabutan ako ng juice, "ikaw ba yung sumigaw ng code word?" Natatawa niyang tanong. Sisipain ko sana yung paa niya kaso nakahanda na siya kaya hindi ko itinuloy.

"Palusot ka pa! Sinadya mo yun 'no!?" Tanong ko at umiling siya habang tumatawa, "nadinig mo naman pala! Bakit hindi mo agad ako nilapitan!?"

"Kaya nga ako andito 'di ba!"

"Haaay na ko! Akala ko pa naman, nagbago na kayong dalawa." Siksik ni Lope bago pa nakasagot ang natatawang si Cole, "tara dun sa gilid" hinila niya ako.

"Asan nga pala si Adrain?" Tanong ko.

"Wala" sagot niya at parang galit pa siya kaya tumingin ako kay Cole. Itinaas ni Cole yun hituturo niya at idinaan sa leeg niya sabay bulong ng 'he's dead' kaya tumango ako.

Tapos sabay kaming ngumiti, sinenyasan ko siyang humiwalay and he knew na para hanapin si Adrain, inihanda ko naman yung posas.

"S'an pupunta yun?" Tanong ni Lope habang pinapanood namin si Cole na paalis, saktong nasa tabi na kami ng hagdan kaya hindi na crowded.

"May hahanapin lang, ano'ng nangyari sa inyo ni Adrain?"

"I killed him!" Galit na sabi niya sabay taas ng kamao niya at ibinaba agad, "joke, wala, 'di lang kami bati"

"Bakit? Akala ko may forever na kayo eh."

"Forever my ass, ipakain ko sa kanya yang forever niyang yan eh. Akalain mo ba namang nahuli ko siyang nakikipaglandian kay Emilia, kay Emilia! Urgh!"

Lumayo ako ng konti nung piniko niya yung plastic bottle sa isang kamay lang niya. Big time talaga ang attraso ni Adrain, nagdadalawang isip tuloy ako sa gagawin namin ni Cole.

"S-si Emilia? D-diba ex niya yun?" Tanong ko, nakatingin padin ako sa hawak niyang plastic bottle.

"Oo! Tapos kung makapagForever siya sa'kin!? Haay! Parepareho lang sila nina Cole!"

"Huwag kang mandamay" siksik ni Cole mula sa likod ko, pareho pa kaming nagulat ni Lope.

"Uy andyan ka pala, hehe" sabi ni Lope. Lumapit si Cole at kinuha yung handcuff mula sa bulsa ko saka ikinabit sa kamay ni Lope, "what the fvck bruh!?" Tanong niya with those big eyes.

"Come with me" utos ni Cole at hinila niya si Lope.

"Ah, ingat kayo ha?" Paalam ko sa kanila saka uminom nung hawak ko na juice, pero binalikan ako ni Cole at hinila sa kamay, "sasama na, sasama na"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now