Chapter 26

3.6K 142 67
                                    

Cole's POV

"ANAK! Buksan mo nga 'to!" Sigaw ni ma mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Bumangon ako mula sa kama at binuksan ko yung pinto, pumasok si mama na may dalang tray ng meryenda at inilapag sa study table ko.

"Thanks ma" sabi ko at bumalik ako sa kama.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong niya at lumapit sa kama saka umupo sa gilid.

"Oo naman" sagot ko habang nakatingin sa phone ko.

"Tatlong oras ka nang nakakulong dito sa kwarto mo mula nung umuwi si Max ah, kanina pa umuwi yung tatlo, 'di ka padin lumalabas"

"Okay lang ako ma"

"'Nak, kung gusto mo kasi si Max, sabihin mo sa kanya. Hindi yung ganyang nagpapakiputan kayo"

"Ma!" Sigaw ko at tumawa siya ng konti. Hindi kasi ako makapaniwala na nag-'the moves' ako kay Max kanina, mabuti nalang inakala niyang nagbibiro ako.

"Biro lang, ikaw naman. Pero kumusta na nga pala si Leah? Hindi talaga kasi nagkekwento si Codyeh."

"Ewan ko" tinatamad kong sagot.

"Ganun ba? Pero balita ko kasi, malapit nang bumagsak yung company ni Mr. Roxas. Sinusubukan siyang tulungan ni daddy niyo pero isa isa nang umaalis yung mga investors nila. Nahihirapan silang kunin yung tiwala nila"

Napabangon ako't umupo, "Kelan pa bumabagsak yung company nila?" Tanong ko.

"Mm, hindi ko alam. Tanungin mo nalang sa daddy mo. Anyway, kainin mo na yung meryenda mo't baka lumamig. May gagawin pa ako sa baba" sabi niya at hinila ako't hinalikan sa pisngi saka lumabas.

Imbes na tumayo ako, humiga uli ako't tumitig sa kisame.

"Ginagamit lang siya ni papa niya" sabi ni Cody, "dinig ko noon na may kausap si Mr. Roxas sa cellphone niya nung minsang inihatid ko yung naiwang phone ni papa sa office niya. Mag isa lang noon si Mr. Roxas sa meeting room at dinig kog sinabi niyang mas madali siyang yumaman at babalik sa dati ang standing ng company niya kung ipapangasawa niya yung anak niya sa kung sino man sa atin."

"Nagbibiro ka ba?" Tanong ko.

"I wish I am bro, pero seryoso ako. Nakita ko na ang motibo ni Leah. Hindi kayo biglaang nagkabanggahan sa hallway nung first year palang tayo, she planned it."

"Paano mo naman nalaman?"

"I saw her. Kinausap niya yung si Becky na itulak siya para magkabanggahan kayo."

"The fvck!?" Mura ko at naglakad pabalik balik sa kwarto. Kung hindi ko siguro nakita si Leah noon sa Bar kasama si Waldo na kilalang boss ng gang sa North, hinding hindi siguro ako maniniwala sa pinagsasabi ni Cody ngayon. Mabuti nalang bumalik ako sa bar nung gabing 'yon.

"Nakikita ni Leah ngayon na wala ka ng gusto sa kanya, at klaro sa kanya na hindi ko siya gusto, kaya gumagawa na siya ng paraan para mabawi ang isa sa atin"

"Ano namang paraan ang pinagsasabi mo?"

"Think about it." Sabi niya saka umupo ng maayos, "ikaw ang laging kasama ni Max, ano'ng napapansin mong kakaibang nangyayari sa kanya aside from the bullying?"

Yung mga black letters--or black mail.

"Wala tayong sapat na ebidensya para sabihing siya ang may kagagawan ng mga nangyayari kay Max" sabi ko.

Tumayo siya saka lumapit sa akin at hinawakan ang isang balikat ko, "si Max ang naiipit dito. Pagtulungan nating ayusin 'to"

Tinanggal ko ang kamay niya, "Ako na ang bahala kay Max"

Cupid's HandcuffsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang