Chapter 32

2.9K 146 36
                                    

Max's POV

NANLAKI ang mga mata ko nung hinila ako ni Cole saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Joke lang naman yung kanina!

"C-Cole?" Tanong ko pero lalo pa niyang inilapit ang muka niya. Hindi na ako nakagalaw at nakalimutan kong pwede palang huminga.

"You dare call me gay?" Seryosong tanong niya at lumunok ako.

"J-joke lang naman yun eh." Kinakabahan talaga ako!

Napakaseryoso niya at anlapit lapit pa ng muka niya, ito na ba? Mawawalan na ba ng virginity ang mga tigang na labi ko? Ay teka, kailangan ko pa bang basahin ang mga labi ko? Dapat kasi nagpractice ako eh!

Pero pwersa niyang itinulak yung muka ko palayo, saka lang naging normal ang paghinga ko, napahawak pa ako sa dibdib ko ng hindi ko namalayan.

Akala ko pa naman, matitikman ko na ang tamis ng unang halik! Ansama ni kupido, huhu.

"Alam ko, pero next time na tawagin mo akong gay, malilintikan ka na talaga sa akin" warning niya saka inistart yung sasakyan.

Hindi ako sumagot kasi gulat padin ako sa ginawa niyang yun. Kung alam niya lang ang pakiramdam ko ngayon. Pero ano daw? next time na tatawagin ko siyang gay, malilintikan na ako? Natemp tuloy ako na subukan para matignan kung paano ako malalagot, kaso ayaw ko dahil mamaya, iba pala ang gagawin niya kesa sa iniisip ko, mahirap na.

"Harambe, ano'ng susuotin mo mamaya?" Tanong niya habang nagdadrive. Lumunok muna ako bago sumagot, parang natigang nadin kasi yung lalamunan ko dahil sa ginawa niya kanina.

"Ano bang dapat suotin?"

"Evening gown."

"Weh?! Lintik namang party yan!? Ay ayaw kong pumunta" agad na sabi ko. Ano yun? Daig pa niya ang prom? Anak ba ng presidente yung nagpaparty!? Jusko kahit huwag na no!

"Joke. Kahit magsuot ka ng sako, pwede" he said kaya napunta uli sa kanya yung atensyon ko.

"Seryoso? Pwede talaga?"

"Oo, basta siguraduhin mong huwag kang lumapit sa amin at magpanggap kang di mo kami kilala" Sinapak ko ang dibdib niya kahit alam kong biro lang yun. May 'di kita iiwan' pa siyang nalalaman kanina, hmp!

Cole's POV

"Sigurado ka ba na papasok tayo dyan?" Tanong ni Max habang nakatingin sa bahay nina Miguel. Dinig mula sa labas ang music, hindi na ako magtataka kung may darating na pulis mamaya.

Madaming tao sa labas at mukang lasing na sila, sigurado akong kanina pa nila sinimulan ang party.

Nagkalat ang mga plastic cups sa paligid ng bahay at meron pang mga nagaaway na mga babae, sina Paula at Dianne na naman.

Bumukas yung pinto at may itinapon na lalake sa labas saka isinara uli, hindi na bumangon yung lalakeng nakahiga na sa doorstep nung bahay--si Jaime lasinggero pala.

"Pwede pa tayong magback out kung gusto mo" sabi ko. Muka siyang nagdadalawang isip, hindi ko siya masisi. Tapos tumingin siya sa akin saka ngumiti ng konti.

"Hindi mo ako iiwan, 'di ba?" Tanong niya.

Ngumiti din ako at inioffer ang kamay ko para kapitan niya. Tinignan niya iyon saka dahan dahang ikinabit ang kamay tapos yumuko, akala niya siguro hindi ko napapansin yung pagtago niya ng ngiti niya. Kinikilig yung gagu.

"Basta huwag na huwag kang lalayo sa akin, maliwanag?"

"Yes sir" sagot niya sabay sa salute at siya na mismo ang nanghila sa akin para pumasok sa loob. Gusto ko siyang ilabas uli nung makita kong halos over crowded na sa loob at mukang madami nang lasing.

"Ohmy! Merong gate crasher!" Sigaw ng babae mula sa left side namin at sabay kami ni Max na tumingin doon.

"Grabe no? Hanggang dito ba naman, nagkakalat ka?" Sina Fifi at Miah.

"Imbitado siya" sagot ko, ayaw ko silang patulan dahil mga babae sila.

"Cole baby, kung ikaw, naniniwala kaming invited ka, pero kung itong trash na ito, imposible, hindi nga siya kilala ni Miguel eh" sabi ni Miah.

Sabay sana kaming sasabat ni Max pero may biglang tumawag sa pangalan ko at tinignan namin siya, si Miguel pala.

"Pare! Mabuti naman at nakarating kayo ni Max!" Sabi niya, hinila niya si Max at niyakap na parang matagal na silang magkakilala, hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong pinapakitaan niya lang sina Fifi at Miah na nakanganga na ngayon. Ex niya yung dalawa, at pinagsabay niya sila pero gustung gusto naman nila.

"Migs? You know her?" Takang taka na tanong ni Fifi.

"Si Max? Oo naman, matagal na kaming magkaibigan. Tara dun, madaming pagkain doon" sabi niya kay Max at hinila, sinundan ko sila at iniwan namin yung dalawang nakatingin ng masama kay Max.

"Nagka-amnesia ba ako? Hindi ko kasi matandaan kung kelan tayo naging magkaibigan?" Tanong ni Max kay Miguel nung nakalayo na kami saka ko lang tinanggal yung kamay niya sa mga balikat ni Max. He looked at me suspiciously pero agad siyang nakarecover nung tinignan siya ni Max.

"Sabihin na nating magkaibigan tayo sa past life natin, hehe, here, have some drinks" pero bago pa niya naiabot yung beer kay Max, napigilan ko na siya kaya tumingin silang dalawa sa akin.

"Sorry pre, no drinks for her" sabi ko pero ngumiti lang siya.

Matagal ko nang kaibigan si Miguel, hindi siya gangster pero yung kuya niya, dating gangster sa East kaso naaksidente siya't pinalitan ng iba, pero hindi ko na alam kung ano ang nangyari kasi balita ko iba na ang may hawak sa East at wala na ang Brusko gang.

"Fine, fine, no drinks for the lady." Tumigil kami nung may nadinig kaming nabasag na salamin, "p*tang!na! Siguraduhin niyong hindi yung chandelier yun!" Sigaw niya sa banda kung saan nagmula yung ingay.

"Puntahan mo na, mamaya may naaksidente pa dun." Sabi ni Max.

"I'd better go then, pakicheck narin si Justin sa taas pre, kakapalit lang yung mga sheets, baka dun na naman niya ipunas yung--"

"Whoa! Too much info bro!" Siksik ni Max sabay takip sa mga tenga niya, nagtinginan lang kami ni Miguel tapos nagkibit balikat siya.

"Inosente 'to pre, nakajackpot ka na naman" sabi niya sabay suntok ng mahina sa balikat ko.

"Excuse me, hindi ako inosente! At ano'ng nakajackpot--"

"Huwag mo nang pansinin" siksik ko sabay subo ng pagkain sa bunganga niya, "basta Max ha, huwag na huwag kang tatanggap ng kahit ano'ng maiinom maliban kung galing sa akin, maliwanag?" tumango siya, busy kasing ngumunguya, "at kung mawala ka man, sumigaw ka lang ng code word natin".

Lumunok siya, "ano'ng code word natin?" she asked at kumuha uli ng pagkain sa table.

"I'm gay" natatawang sagot ko pero ngumiti lang siya.

"Loko, mas gugustuhin ko pang magkandapawis sa kakahanap sa'yo. Pero hindi ka mawawala sa paningin ko, sigurado yun. Kaya nga..." sabi niya saka may inilabas mula sa bulsa ng jacket niya, "dinala ko ito eh" sabi sabay taas nung hawak niyang..handcuffs.

-=-=-=-=-=-=-

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now