Chapter 14

3.6K 124 13
                                    

Max's POV

HINIHINTAY kong may mangyaring masama sa akin today dahil sa nadinig ko nung umaga, pero so far, wala pa naman. Baka pinagpaplanuhang mabuti kaya natatagalan.

Napangiti ako nung wala akong nakitang black na letter sa locker ko, pangatlong araw na na hindi ako nakakareceive ng ganoon, baka naisipan nung naglalagay na unoriginal masyado yung ginagawa niya.

"Ano'ng nginingiti mo dyan?" Tanong ni Lope, hinihintay niya kasi akong kunin ang mga gamit ko.

"Namiss ko lang ang locker ko, hehe" sagot ko saka kinuha yung mga kailangan ko.

"Weirdo" nakangiting sabi niya saka biglang umayos ng tayo habang nakatingin sa likuran ko kaya lumingon ako sa tinitignan niya.

"Hi" mahinang bati ni Leah.

"O? Bakit?" Tanong ni Lope at sumulyap sa akin saglit at napansin kong parang hindi siya comfortable.

"Pwede ko bang makausap si Maxine?"

Nagtinginan kami saglit ni Lope saka tumingin uli sa kanya, "uhh, s-sure?" Sagot ko, ngumiti siya ng konti at tumalikod saka naglakad at dali kong hinarap si Lope.

"Ohmygosh! Bakit kaya!?" Tarantang tanong ko.

"Ewan ko, pero balitaan mo ako ha?" Sabi niya saka iniharap ako kay Leah na medyo malayo na, "go!" Utos niya sabay tulak sa akin.

Dayyum! Hindi nakatulong si Leah! Lalo na akong pinagtitinginan ng masama ang mga nasa hallway, bahala na nga. At akala ko ba kasama niya si Cole? Asan na ba yun?

Lumiko si Leah sa kanan at sinundan ko siya tapos umakyat kami sa third floor kung saan nagpapractice ang mga dancers. Minsan lang ako napadpad dito noong first year kami, nung naga-adventure palang ako.

Tumigil siya sa tapat ng isang pintuan saka pumasok doon, bakit namin kailangang mag usap sa napakalayo? Huminga ako ng malalim saka pumasok na din, naghihintay siya sa may bintana pero hindi ko siya nilapitan, sumandal lang ako sa tabi ng pintuan.

"Uhh, ano'ng paguusapan natin?" Tanong ko, at dahil kakami lang ang nandoon, nagresonate tuloy yung boses ko sa buong room.

"It's..it's about Cole and Cody" mahinang sabi niya habang nakatingin sa labas.

"Bakit yung kambal?"

"Nag..nag aaway na kasi sila dahil..sa'yo"

Itinuro ko ang sarili ko.

"Sa akin? Bakit naman sila maga-away ng dahil sakin? I mean, alam kong ayaw ni Cole na kinakausap ko si Cody pero hindi ko naman nakikitang nag aaway sila dahil doon"

"You don't know them, you don't know Cole"

And you do? Pero syempre, hindi ko na tinanong.

"Oo..pero.."

"Hindi ko hinihingi na layuan mo sila, I'm not a bad person," humarap siya sa akin, "pero sana, tulungan mo akong ayusin ang problema nila"

"Okay sandali" sabi ko sabay taas ng dalawang kamay ko, "first of all, naiintidihan ko ang concern mo sa dalawa, pero kasi problema nilang magkapatid yun. Second, ano naman ang maitutulong ko eh sabi mo nga ako ang dahilan ng pag aaway nila. Third, magkapatid sila, normal lang yung nagaaway, dyan sila matututong magbigayan at mag intindihan"

Yumuko siya ng konti at pinaikot ikot yung mga thumbs niya, "I thought you'd understand, the boys..they are both important to me. Ayaw kong nakikita silang nag aaway."

Girl! 'Di mo ba alam na lumayo ang loob nila sa isa't isa nung una palang dahil sayo!? Pero syempre, 'di ko na naman sinabi.

"Naiintindihan ko, ano ba ang gusto mong gawin ko?"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now