Chapter 24

3.5K 124 51
                                    

Max's POV

DUMATING sina Lope nung saktong nakahanda na yung mga pagkain sa table, courtesy of me, tita and Cole na pinagtulungang ihanda yung table. Well, actually, halos kami lang ni tita yung nag effort kasi tagaabot lang si Cole, pero at least tumulong siya.

Kaya nagkasalo salo kami sa table. Akala ko magiging awkward ang hapunan kasi kasama namin si dad nila pero nagkamali ako, nakakatuwa pala yung papa nila at andami niyang kwento tungkol sa kambal kaya naman comfy na comfy akong nakisalo sa kanila.

What a happy family.

Hindi na kami tumulong sa kitchen kasi pinaalis kami ni tita doon, siya na raw ang bahala dahil tuturuan niya yung dalawang katulong nila na kararating lang mula pa probinsiya nila.

"Tong-its!" masayang sigaw ni Lope sabay lapag sa braha niya, "talo na naman kayo!"

"Haay, ano ba yan" sabay naming reklamo nina Cole at Cody.

"Ayaw ko ng maglaro, itigil na natin 'to habang meron pa akong natitirang dignidad" sabi ko at nag-inat ako.

"Ano na ang laruin natin?" tanong ni Lope, nakaupo kaming apat sa sahig sa sala, hinihintay namin sina Adrain at Justin na dumating kaya nagtong-its kami, kaso laging si Lope ang nananalo.

"Truth or dare nalang" sabi ni Cody.

"Ay maganda yan!" agad na tumayo si Lope at pumunta sa kitchen, "tita! Pahiram po ng bote!" sigaw niya mula sa kitchen, feel at home talaga eh?

"Ay ayaw kong maglaro niyan" sabi ko at tumingin yung kambal sa akin.

"Bakit?" tanong ni Cody.

"Kasi chicken siya, duwag" biro ni Cole at sinipa ko siya sa legs niya.

"'Di ah! 'Di ko lang kasi gusto" sagot ko.

"Tao po!!" sigaw mula sa pinto at napatingin kaming tatlo doon, bumukas iyon at sumilip si Adrain saka binuksan ng husto yung pinto, "tita Charice! Andito na po kami!" sigaw niya.

"Pasok kayo!" sigaw ni tita mula sa kitchen.

"Thank you po!" sigaw ni Justin at pumasok sila't pinuntahan kami.

"Sigawan ba talaga dito sa bahay niyo?" tanong ko kay Cole.

"Tuwing andito lang yang mga yan" sagot niya.

"Heto na!" Masayang sabi ni Lope na galing kitchen at may hawak na bote tapos bumalik siya sa dating pwesto niya saka inilagay yung bote sa gitna, "lapit na, lapit na" utos niya at lumapit yung mga boys pwera sakin.

"Lapit na daw" sabi ni Adrain.

"Kayo nalang ang maglaro niyan" sabi ko.

"Hiwag ka ngang Kj, halika na" sabi ni Justin at hinila ako sa paa.

"Lalapit na!" Sigaw ko at pumunta ako sa pagitan nila ni Adrain sa sahig.

"Hayan! Okay so kapag ayaw sumagot or ayaw gawin yung dare, makukulong ang nagtanong at ang natanungan sa closet for 30 minutes. Ako na ang mauuna." Sabi ni Lope at iniikot niya yung bote tapos tumapat ito kay Justin, "truth or dare?" Tanong ni Lope sa kanya.

"Uhh, wala akong tiwala sayo kaya dare nalang" sagot ni Justin.

"Kelan ka pa nagkaron ng tiwala sa'kin?" Tanong ni Lope na parang 'di man lang nasaktan, "dare? Uhh.." Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Naku Lope, kung ano man yang iniisip mo, huwag mo nang ituloy please" sabi ko at lumapad pa lalo yung ngiti niya.

"Easy level muna tayo," sabi ni Lope at tumingin uli siya kay Justin, "gawan mo kami ni Max ng meryenda--"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now