Chapter 40

3K 123 21
                                    

Cole's POV

HAPON na nung nakabalik kami ni Max sa West and I dropped her off at Kimmy's house. Wala kaming masyadong pinagusapan dahil may kanya kanya kaming iniisip pero thankfully, hindi naman awkward.

Ayaw ko sanang iwan siya sa bahay ni Kimmy pero kailangan niya kasing maghanda para sa prom. I really enjoyed our time together, lalo pang napalakas ang loob ko na magtapat sa kanya.

"Aba!" napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat, " Bakit abot tenga yang ngiti mo?" tanong ni Cody, saan siya nanggaling at bakit nasa tabi ko siya ng hindi ko namanlayan!?

Umayos ako ng tayo at nilampasan ko siya, "Ano'ng ulam?" tanong ko at humiga ako sa sofa, nawala na yung ngiti ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Kailangan mo pa ba ng ulam? Sa ngiti mo kanina eh parang nakakain ka na ng husto eh" sabi niya at umupo sa sandalan ng inupuan kong sofa, "Sino'ng kinain mo?"

Napatingin ako sa kanya, "Ano?" tanong ko.

"Ah, hehe sorry, I mean, ano'ng kinain mo" nangingiting tanong niya at sinipa ko siya hanggang sa mahulog siya at dali siyang tumayo, "kung makasipa ka sa akin, hindi mo ba ako namiss? Dati rati niyayakap mo ako tuwing dumarating ka."

"Ano na naman ba ang hinithit mo't nagkakaganyan ka?" tanong ko habang nakapikit.

"Tss. Whatever" sabi niya, "umayos ka na't may gagawin pa tayo" tapos umakyat siya sa taas.

Ahh, oo nga pala, yung mission namin ngayong gabi.

Max's POV

"Grabe! Sinundan ka talaga niya sa East! Eeeh! May nagnyari bas a inyo!?" masayang tanong ni Kimmy, minsan iniisip kong gawa gawa niya lang yung sakit niya, lalo na sa mga ganitong pagkakataon dahil muka naman siyang walang sakit.

"Gusto mo ng mikropono? Kulang ata yung pagsisisigaw mo eh" sarcastic kong sabi at tumalon siya sa kama. Kasalukuyan naman akong nagpapractice maglakad ng nakaheels-6 inches lang, lang daw, eh nagmumuka ng paa nung mga nagsasayaw ng ballet yung mga paa ko!

"Ano ka ba! We should celebrate! Magkakaboyfriend ka na! Ohemgee!" Tapos tumili na naman siya at biglang nagpause siya.

"Boyfriend agad? Sinamahal lang ako nung tao eh" sabi ko, "at wala ka bang mas mababang sandals!? Pwede bang magsnickers nalang?" Umupo ako sa gilid ng kama niya para magpahinga, hindi parin gumagalaw si Kimmy. "Huy" sinundot ko yung kaliwang pisngi niya.

"Huhuhu" biglang iyak niya sabay hawak sa dibdib niya.

"H-hoy! Ano na namang drama yan!?"

"Ang unfair kasi!" Sigaw niya sabay iyak.

"Ang alin!? Jusko tumigil ka nga!"

"Magkakaboyfriend ka na, samantalang ako, nasa single club padiiin! Wahh!" Drama niya.

"Tigilan mo nga ako sa boyfriend boyfriend na yan dahil imposible namang mangyari!

"Posible! Ang nega mo kasi eh, sa bagay, mukang magkakaforever naman kami ni Cody eh.

Tumigil ako sa pagadjust ng sandals ko at tinignan ko siya, "Cody?" tanong ko, tapos binato ko siya ng nakakalat na magazine. "kaya mo siguro ako ibenenta kay Cole dahil number ni Cody yung kapalit, 'no!?" tanong ko at ngumanga siya, siguradong magaakto na naman siyang inosente.

"What?! Who?! Me?! Hindi ah" sagot niya habang nakaiwas ng tingin.

"Magsisinungaling ka pa" sabi ko't naglabas ng phone at tinawagan si Cole.

"Sino'ng tinatawagan mo?" nagaalalang tanong ni Kimmy.

"Si dakilang Cole, icoconfirm ko kung ano ang ibinayad niya"

"No! Wait!" sigaw niya at sinubukang kunin yung phone ko pero pilit kong inilalayo.

Pero tumigil kami nung boses babae yung sumagot.

"Who's that?" bulong ni Kimmy at nagkibit balikat ako't idinikit yung phone sa tenga ko.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko.

"Hi Max! Si Leah 'to" sagot niya, tumingin ako kay Kimmy at ibinulong kung sino yun, napanganga nalang siya.

"Ahh, uhhm, asan..asan si Cole?" at bakit ka andyan sa bahay nila!?

"Nagshashower pa eh, gusto mo ibigay ko itong phone?" ay hindi! Ipakain mo sa kanya!

Kinagat ko yung ibabang labi ko, ganito pala ako magselos. "Hindi na, thanks, pakisabi nalang na tumawag ako"

"Okay, pero ano-"

Pinatay ko yung call.

"Si Leah? Ano'ng ginagawa nun sa bahay ng mga future husbands natin??" tanong ni Kimmy.

"Malay ko" sagot ko't ibinato yung mga sandal sa gilid.

"Tinanong mo sana! Naku! 'pag siya may masamang binabalak sa future husband ko, uubusin ko ang kilay niya!"

"Psh" sabi ko't pinulot yung bag ko saka tumayo.

"Oy? Saan ka pupunta?"

Tumungo ako sa pintuan ng kwarto niya, "Uuwi na ako" sagot ko.

"Ha!? Akala ko ba dito ka na magpapalit!?"

"Hindi na ako pupunta" sagot ko't isinara yung pintuan.

Alam kong nagooveracting ako pero hindi ko kasi talaga mapigilan! Alam kong tanungin ko muna dapat si Cole kung bakit andoon si Leah, pero, umiiral kasi yung pagkaselfish ko.

I need a time out.

-=-=-=-=-=-=-


Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now