Chapter 13

3.8K 147 28
                                    

Cole's POV

ANG sakit ng tyan ko sa kakatawa, ambilis ng takbo ni Max! Naiwan pa  yung sapatos niya't binalikan pa! Hahaha Andali naman kasing naniwala! Haaay. Napapunas tuloy ako ng luha. Ibang clase talaga yung babaeng yun.

Naglakad ako at inalala si Lope, ano'ng nangyari doon at para siyang takot na takot? Inilabas ko yung phone ko at tinawagan siya.

"Baket?" Tanong niya.

"Nakauwi ka na?" Tanong ko.

"Oo, kayo ni Max?"

"Pauwi palang ako, siguradong nakauwi na si Max dahil sa bilis ng takbo niya" sagot ko't tumawa na naman ako.

"Hoy insan, ano naman ang ginawa mo kay Max? Ilang ulit ko bang sasabihing hinay hinay lang sa kanya?"

Tumigil ako sa pagtawa at huminga ng malalim, lagi akong napapagod sa kakatawa tuwing kasama ko si Max.

"Oo na oo na" sagot ko kay Lope, "maiba ako, ano'ng nangyari kanina? Bakit biglang sumama ang pakiramdam mo?"

"Dinatnan ako bigla" sagot niya pero alam kong hindi yun totoo, alam namin nina Adrain na laging first week ang period niya dahil lagi siyang moody sa week na yun, pero hindi ko na siya pinilit.

"Di na sana ako nagtanong. Sige." Sabi ko saka ko pinatay yung tawag.

Hindi kaya may nakita siya sa Jiro's kanina kaya siya nagkaganun? Bakit takot na takot siya? Isa lang ang dapat kong gawin para malaman, babalik ako sa Jiro's.

Max's POV

Bwiset! Ambigat ng bag ni Cole! Umagang umaga nabibwiset ako! Makikita niya, ihahampas ko talaga 'tong bag sa pagmumuka niya.

"Max!" Tawag ng boses babae sa likod ko kaya nilingon ko yun.

"Hi! Good morning!" Bati ko kay Lope, mukang bumalik yung sigla niya, "okay ka na?" Tanong ko.

"Yep, bakit may hawak kang sako?" Tanong niya sa sakong nakabitin sa balikat ko, ayaw ko kasi na may makakitang hawak hawak ko ang bag ni Cole kaya isinako ko nalang.

"Uhh, magtitinda ako ng camote sa school, hehe" biro ko.

"Asa kang may bibili niyan, oo nga pala, ano na naman ang ginawa ni Cole sayo't tumakbo ka kagabi?"

Napatigil ako sa paglakad, "Ano?" Tanong ko.

"Sabi niya, ambilis daw ng takbo mo kagabi?"

"Paano niya nalama--" binitawan ko yung sakong hawak ko. Siya pala yung salarin, of course! Sino pa ang ang kilala kong kapre!?

"T-teka, bakit umuusok yang mga ilong mo??" Tanong ni Lope at nakangiti akong tumingin sa kanya, hindi ko siya pwedeng paginitan dahil si Cole lang ang may atraso sakin.

"Wala, hayaan mo na" sagot ko at hinila ko yung sako habang naglalakad.

"Baka naman masira ang laman niyang sako mo" nagaalalang sabi ni Lope.

"Ay hayaan mo, hindi naman inportante ang laman nito." Sabi ko, "nga pala, minsan ba, nakita mong naka-make up ng todo si Leah?"

"H-ha?" Tanong niya't umiwas ng tingin, "hindi eh, lagi namang simple siyang magmake up"

"Ahh, parang nakita ko kasi siya kagabi"

"Magkakamuka talaga ang mga tao sa loob ng bar kaya huwag mo nang intindihin yun, ano'ng oras kayo free ni Cole mamaya para maturuan ko kayo sa Math?"

"Lunch time lang naman ang free namin"

"Lunch time it is" sabi niya sabay tango, "oo nga pala, yung tungkol kagabi, huwag mo nalang banggitin sa iba?"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now