Chapter 6

4.6K 186 29
                                    

Maxine's POV

"HOY! Max!" Tumigil ako sa paglakad nung may tumawag sa akin, alam ko kung kaninong boses iyon kaya hindi ko na kinailangan tignan.

Tumingin ako sa langit, asan na ang mga lucky stars ko? Ilang araw na silang hindi gumagana ah.

"Ano'n tinitignan mo?" Tanong ni Cole nung nakalapit na siya sa akin at tumingin din sa langit.

"Kung may babagsak na malaking bato para madaganan ka" sagot ko at nagpatuloy uli ako sa paglakad.

"Akala ko pa naman close na tayo, tsk" sabi niya.

"Hindi gumagana sa'kin yang mga pa-cute mo" tumigil ako saglit para tignan siya, "alam mo, halos hindi na talaga kita makilala."

Tinaasan niya ako ng kilay, "bakit? Ano bang pagkakakilala mo sa akin dati?" Tanong niya.

"Let's see," sabi ko at nagsimula akong magbilang gamit ng mga daliri ko, "one: Suplado, two: suplado, three...suplado" tapos naglakad uli ako.

"Pasalamat ka nga't hindi kita sinusupladuhan" sabi niya, "hindi mo ba nakita kung paano itapon nung mga babae ang mga katawan nila sa akin para lang pansinin ko sila?" Tanong niya. Ang feeling!

"Andyan na naman si hanging habagat" sabi ko, "bakit mo ba ako sinasabayan? Lalo lang mamimiligro ang buhay ko niyan eh" tumigil kami sa tapat ng school, "sige na una ka, shoo shoo" at itinulak ko siya pero hinila niya yung kamay ko at inakbayan ako.

"Hindi, magsasabay tayo" sabi niya at hinila ako papasok pero kumapit ako sa gate.

"Hindee! Ayaw ko!!" Sigaw ko at hinila niya ako from my neck.

"Halika na!!" Sigaw niya sabay hila.

"Papatayin mo ba ako!? Bitawan mo ako!!" Binitawan nga niya yung leeg ko, yung likod naman ng uniform ko ang hinila niya..pero..

Walang gumalaw sa amin.

"B-bra mo ba ang nahihila ko?" Tanong niya.

"B-bitawan mo" sabi ko at binitawan niya agad kaya tumama sa kutis ko yung garter, ansakit!

"Ooooww!" Daing ko habang sinusubukang abutin yung likod ko.

"Sh*t sorry!" Sigaw niya habang hinahagod ko yung likod ko.

"Lintik naman kasi!" Reklamo ko.

"Bakit ka pa kasi nagbabra eh wala namang laman yang dibdib mo?" Tanong niya saka hinila na naman ako sa leeg ko, hindi na ako nakakapit dahil inilayo niya ako agad.

"Hoy! May laman ito no!" Sabi ko habang tinatapik yung braso niyang nakaputipot sa leeg ko.

"Ano? Tinapay? Tissue? Ano'ng isiniksik mo dyan? Patingin?" Tapos inabot niya yung blouse ko ng pabiro.

"Eeee! Bastos!! Bitawan mo ako!!" Sigaw ko pero sinusubukan parin niyang abutin yung button ng blouse ko kaya itinulak ko ng itinulak yung muka niya, kaso ayaw parin niyang tumigil!

"Hoy! Bawal magharutan dito!" Sigaw ni Justin na papalapit sa amin, malapit kami sa main door ng school building at pinagtitinginan kami ng mga studyante. Nagtataka rin sila siguro dahil pwede palang magsama ang dwende at kapre?

"Bitawan mo nga ako" bulong ko kay Cole pero umayos lang siya ng tayo't ibinulsa yung isang kamay niya habang nasa leeg ko parin yung isang kamay niyang pilit kong tanggalin pero nagagawa parin niyang maibalik doon hanggang sa naggive up na ako.

"Ba't ko naman haharutin 'tong pandak na 'to?" Tanong niya at kinagat ko yung braso niya kaya nabitawan niya ako, "aaahhh! Max!!" Sigaw niya habang nakahawak sa kinagatan ko.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now