Chapter 19

3.8K 150 48
                                    

Cole's POV

DALI kaming bumitaw at ibinulsa ko agad yung mga kamay ko. What the fvck was that!? Lumayo ako ng konti sa kanya dahil nag-aalala akong madinig niya yung malakas na kabog ng dibdib ko.

Isa itong kalokohan. Isang malaking kalokohan! Hindi ako inlove, hindi pwedeng inlove ako!

"T-tara na nga! Andami pa kasing arte eh" sabi niya saka mabilis na naglakad, I grabbed the chance at huminga ako ng malalim at nirelax ang paghinga ko.

It was just a shake hand. It was just a shake hand. It was just a shake--.

"Hoy Cole!" Sigaw niya at napatingin ako sa kanya na medyo malayo na, "ano!? Tutunganga ka lang ba dyan!?"

Tumingin ako sa paligid at nagpasalamat na walang masyadong tao, kung makapagpahiya 'tong dwendeng 'to ah. Binilasan kong naglakad at hinintay niya ako.

"Paano mo mapapatunayang kaya mong maging babae?" Tanong ko.

"Gagu! Babae na ako!" Sigaw niya.

"Oh, okay, so kailan mo nga mapapatunayan na kaya mong maging babae?" Ulit ko at sisipain sana niya ako sa paa pero lumayo ako at patagong tumatawa.

"Ewan ko!" Sagot niya saka inirapan ako't naglakad uli.

"May suggestion ako" sabi ko.

"Siguradong hindi yan maganda"

"Kesa naman ikaw na wala kang kaide-idea, ano? Papakinggan mo ba ang suggestion ko?" Tumigil siya saka tumingin sa akin ng three seconds at tumingin uli sa daan at naglakad.

"Fine, ano'ng suggestion mo?" Tanong niya at huminga ako ng malalim, it's now or never.

"Let's have a date tonight"

Max's POV

"Ano kamo? Pakiulit nga?" Tanong ko, it can't be right. Imposible. Nagkamali lang ako ng dinig.

"Let's have a date" casual na sabi niya, na parang inaaya niya lang akong pumunta sa kabilang kanto.

"Nah uh, 'di mo na ako maloloko this time" sabi ko't pumasok kami sa book store.

"Mamili ka, one date or umakto ka sa school? Like magmake up ka't magsuot ng sexyng damit saka rumampa sa school."

"Sa school!? Ayaw ko nga!!"

"Yun na nga eh, ayaw mo sa school, alangan naman na hihintayin pa natin ang promnight?"

Tumigil ako at nagisip. Oo nga 'no, as much as possible, gusto kong manalo now na para gumaan ang buhay ko mula sa kamay ni Cole.

"Fine!" Sagot ko saka nagbayad sa counter.

"Tonight?" Tanong niya, 'di ako sure kung masaya ba siya or pinagtatawanan niya ako, hindi ako sigurado kung ano'ng ibig sabihin ng malapad na ngiti niya.

"Hindi naman siguro kademonyohan yang pinaplano mo ano?"

"Of course not! Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin!?"

"As a matter of fact, yes. Perosikreto lang natin 'to ha!?"

"Walang problema" nakangiti niyang sabi. Alam ko naman na ayaw niyang malaman din ng iba.

"Wear something nice tonight" utos niya saka mabilis na naglakad at hinabol ko siya at naglakad kami hanggang sa parking space kung saan niya iniwan ang sasakyan niya.

"ANG sikip naman nitong pinadala mo!?" Reklamo ko kay Kimmy over the phone, nagfe-facetime kasi kami at nakalapag yung phone ko sa table para makita niya ako.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now