Chapter 15

3.7K 128 16
                                    

Cole's POV

SHI!T! Nagalit ata si Max, sumobra na naman ata ako. Hindi ko mapigilan ang bunganga ko minsan, kung ano ano ang pinagsasabi ko.

Saka lang ako bumalik sa loob nung hindi ko na makita yung taxi na sinakayan ni Max. Nagsisisi tuloy ako sa inasal ko kanina.

Uminit kasi ang ulo ko nung nakita kong magkasama sila ni Cody, ngiting ngiti pa siya ha!? Ganun ba siya kasaya 'pag kasama niya si Cody!? Lintik talaga yung babaeng yun. Kung alam niya lang ang mga ginagawa ko para sa kanya.

Natigil ako sa paglakad nung nakita kong seryosong naguusap sina Leah at Cody. Mukang naiinis si Cody at nagmamakaawa naman si Leah. Hindi ko madinig ang pinaguusapan nila at mukang di nila alam na babalik ako, baka inisip nilang hinabol ko si Max.

Nagtago ako sa malapit na pader at sinubukang makinig sa usapan nila.

"Ginawa ko na ang gusto mo, pero ito ang igaganti mo sa akin?" Tanong ni Leah, nagulat ako dahil sa tono ng boses niya. Parang kakaiba siyang tao, kung hindi ko pa alam na siya yung nagsasalita, hindi ko pa siya mabobosesan.

"Sinabi ko naman sayo, I like her." Sagot ni Cody.

"But you liked me first! 'Di ba?"

"Leah--"

"Alam kong alam mo ang kalagayan ni Max sa school, yung mga nambubully sa kaniya, alam kong alam mo yung mga yun. Hindi mo ba naisip na lalala lang iyon kung lalo mo siyang lalapitan?"

"I can protect her"

"Si Cole nga eh hindi niya kaya, ikaw pa kaya?"

"The differences between me and my brother are, one, he doesn't know about Max's situation. Two, he doesn't like Max as more than friends. And three, his focus is on you."

"Pero my focus is on you!"

"Stop it Leah"

"The bullying won't stop, at alam kong alam mo yun!"

"At paano mo naman nalaman?"

"I can see it! Gusto ko siyang tulungan pero baka lalala ang inis ng mga schoolmates natin sa kanya"

"I can protect her hanggang sa matapos ang school year, I just need Cole to stay away"

"No. I won't help you this time. Lalo kang lumayo sa akin these past days."

"Then don't help me"

Nadinig kong itinulak niya yung upuan kaya lumipat ako sa may halaman. Mabilis si Cody na lumabas at hinabol naman siya ni Leah.

What the fvck...

Max's POV

"Grabe ang kapal ng muka niya!" Reklamo ko kay Kimmy sa phone, "tapos sasabihin niyang magbespren kami? Bah! Antaas ng pangarap teh!"

"Baka naman ganun talaga ang tingin niya sa'yo? Though akala ko more than a friend ang tingin niya sa'yo," para pa siyang dismayado.

"Tumigil ka nga dyan! Huwag mong dumihan ang malinis na isip ko. Haynako! Pagkatapos talaga ng school year na 'to, puputulin ko na lahat ng connection ko sa kanya!"

"Ang sama, care lang yung tao sa'yo eh"

"Care!? Anak ng tupa Kimmy! Makita mo lang sana kung paano niya ako itrato! Jusko! Para na nga akong hindi tao eh!"

"Baka naman ganun lang siya mag'care sayo"

"Care care, I don't care! Basta, ansama niya, ansama sama niya"

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now