Chapter 9

4K 137 19
                                    


Max's POV

"BAKIT ganito ang reaction paper mo?" Tanong ko kay Adrain habang nakatingin sa paper niya.

"Bakit? 500 words daw, hayan, 500" sagot niya at tumingin ako kay Lope na nakangiti.

"Anlaki talaga ng pasasalamat ko na hindi na ako ang nagiisang babae sa grupo na ito" kunwaring naiiyak na sabi niya.

Nakaupo kaming apat sa damuhan malapit sa building namin, hindi namin alam kung saan lupalop napadpad si Cole. Sana lang di na siya makabalik kung nawala man siya.

"Adrain, nageffort ka naman sana" sabi ko.

"Mas okay yang akin kesa yung reaction paper ni Justin kaya!"

"Okay ba ang tawag dito? Mygaad!" Sabi ko saka binasa yung papel niya, "The movie was very, very, very, very,very, very...very intersting. I really, really, really, really, *natawa ako* really, really like it. In fact, it made me so, so, so, so, so, so ..jusko! Reaction paper ba ang tawag dito! 500 words nga, andami namang naulit na words!"

Tumatawa na kami ni Lope pero nakangiti lang si Adrain na parang hindi affected, seryoso ata na yun ang ipapasa niya.

"Heto girl, mas matindi" sabi ni Lope sabay abot nung reaction paper ni Justin.

"Wahahaha!" Tawa ko agad pagbukas ko, "jusko! Paano ba kayo nakapasok sa varsity team! Bagsak naman ata ang mga subjects niyo!" Sabi ko. Yung reaction paper kasi ni Justin eh mga picture niyang gulat, masaya, galit at umiiyak, tapos may caption pa na, 'I can't describe my reaction in 500 words because I only had 4 reactions to the movie; I was shocked, happy, angry and sad.'

"Papasa din ang mga yan, believe me" sabi ni Justin saka binawi yung paper niya't ipinaypay sa sarili niya.

"Naku mas madami pa silang katangahan last year, nagkandahirap talaga ako sa pagtulong sa kanilang dalawa" sabi ni Lope.

"Silang dalawa? Eh si Cole?"

"Hindi na bale yun dahil meron si Cody na tumutulong sa kanya. Speaking of the idiot, asan na ba yun? Alam naman niyang dito tayo tatambay ah" tanong niya at sabay sabay kaming tumingin sa paligid. Uwian na ng hapon kaya madaming nagkalat na students.

"Si Cody oh," sabi ni Justin at nagwhistle siya ng napakalakas para kunin ang attention ni Cody na naglalakad papunta sa kabilang building, "Pre! Dito!" Sigaw niya nung tumingin si Cody.

Kinabahan ako ng konti nung humarap sa amin si Cody saka lumapit. Hindi ako pumunta sa library kasi hinatak ako nina Lope dito.

Naghandshake sila nung nakakalitong handshake nila--sinubukan akong tinuruan ni Cole pero di ko talaga gets kaya fist bump tapos magsasabi ng 'balalala' na parang kay Baymax nalang ang sa akin. Kaya hayun, 'nagfistbump-balalala' kami ni Cody tapos umupo siya sa tabi ni Lope.

"Ano'ng meron?" Tanong niya, kunwari tinitignan ko yung papel ni Adrain.

"Nagpapahangin lang, sa'n si Cole?" Tanong ni Lope.

"Hindi ko alam." Sagot niya, "Max"

"Ha?" Dali kong tanong nung tumingin ako sa kanya.

"Napansin mo ba kung ano'ng cellphone ang gamit ni Cole?"

"Uhh" ano nga ba yung gamit niya kanina? "Gold ata na iPhone?"

"Sinasabi ko na nga ba" he said habang umiiling.

"Ninakaw na naman niya cellphone mo?" Tanong ni Lope.

"Sabi ko naman sa'yo pare, lagi mong palitan yung password mo. Alam mo namang laging ninanakaw ni Cole yung phone mo" sabi ni Adrain.

Cupid's HandcuffsWhere stories live. Discover now