CHAPTER 1: MULING PAGKIKITA

11.8K 203 5
                                    

Kamahalan gising na
Kamahalan gising na

Ano ba yan, nasa kalagitnaan pako ng panaginip ko. Kahit kailan talaga di ako binigo ng alarm clock ko. Tamad na tamad ako sobra, kulang pa yung tulog ko. Ito kasing si anne, nakipagtelebabad pa sakin, buti na lang natapos ko na yung mga dapat kong gawin bago siya nakatawag.

Nakahiga pa rin ako at nakatingin sa kisame,nagfflashback sa isip ko yung nangyari sa airport, three days ago. Sobrang nakakahiya talaga yung nagawa ko na yun... papikit na yung mga mata ko ng may biglang may pumasok sa kwarto ko at sumigaw.

"Ija! Hindi kapaba gigising jan?late kana. Akala ko ba ngayon ang meeting nyo with your new model?" Sabi ni mama habang nakapamewang.

Oo nga pala, ngayon pala yun. Tss, bakit ngayon pa nakalimutan yun. Agad akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo.

"Ma, salamat!" Hiyaw ko habang naliligo. Si mama na yung nagligpit ng pinaghigaan ko. Hindi ako tamad pero ganito lagi ang scenario kapag nalalate ako sa trabaho. Wala pang 15 minutes tapos na kong maligo. Nagbihis ako agad at nag ayos. Bumaba na ako, at nagpaalam kay mama.

"Mama, di nako kakain ng almusal, sa office na lang ako kakain" with a big smile kong sinabi

"Sge, pero baunin mo to, paborito mong palaman yan. Kaya ubusin mo" paalala ni mama. Tumango lang ako at niyakap ko siya.

Kahit kailan talaga di ako pinapabayaan ni mama. Napakaswerte ko talaga na siya yung naging mama ko. Thirty minutes ang byahe. Pero late na talaga ako, sobrang traffic pa. I think I better use my running skill. Nagbayad na ako at bumaba ng jeep. Tsaka ako tumakbo. Pero di ako binigo ng running skill ko. Dahil agad naman akong nakarating sa building namin. Nagpunch na ako agad at umakyat sa 3rd floor ng building kung saan gaganapin yung meeting namin.

Habang papaakyat ako,may nakabangga sakin. What the hell, tanga ba siya, parehas lang naman yung way na dinadaanan namin, sinasadya kaya niya. Di man lang siya nagsorry at nagpatuloy maglakas. pero sumigaw ako.

" ano kaba?! Hindi kaba tumitingin sa dinadaan mo?! Ang luwang luwang ng daan" sigaw ko.

Lumingon sya, pero hindi sya nagsalita. Di ko din makita yung mukha niya dahil takip na takip sya. Nakajacket siya, nakacap tapos may face mask pa siya sa mukha. Nagtuloy tuloy siya sa paglakad at nagwave lang ng kamay.

"SORRY HAH!" isa pang sigaw. Pero di na sya lumingon.
Tumingin ako sa relo ko, at 20 minutes late nako.

Binilisan ko ang pagtakbo ko at finally nakarating din. Pagbukas kong pinto lahat sila nakatingin sakin,may mga nagtatawanan. Hinawakan ko yung buhok ko, tss buhaghag na pala yung buhok ko. Tiningnan ko si boss at ang sama ng tingin sakin. Pumunta agad ako sa upuan ko, tsaka ko inayos ayos buhok ko.

"Oy bakit kaba nalate? Tinatawagan kita ahh" Bulong sakin ni anne

"Mahabang istorya friend" bulong ko din sakanya.

"Okay guys!" Sabi ni boss sa amin kaya lahat kami all ears sa ia-announce niya.

"We will having our Big show this bermonths, we have three big show, so I hope everyone will cooperate"sabi ni boss super proud 

Lahat kami napanganga kasi minsan lang to mangyari at first time ko as a head photographer.

"Alam ko naman na lahat kayo ay aware na may bago tayong model na dumating at gusto ko siyang ipakilala sainyo"  sabi ni boss.

"Sino kaya yung bagong model natin?Sana gwapo para nakakaing ganyong magtrabaho" bulong sakin ni anne. Kahit kailangan talaga mahilig sya sa gwapo.

"Ewan ko, tingnan na lang natin" sagot ko.

"Everyone! Our new model, lets give him a big around of applause"sabi ni boss na sobra ang ngiti, sinalubong ito ni boss tsaka inalalayan.

Totally kaming napanganga lalong lalo na ako ng pumasok sya sa loob. Bakit siya pa, sa dinami dami ng ng models na pwede naman. Kinabahan ako, sobrang kabog ng dibdib ko.

"Meet Mr. Hillary Sebastian" pagpapakilala ni boss samin.

Lahat sila nagpalakpakan, Lahat dito sa loob kinikilig. Halata sa mga kinikilos nila at mukha nila.

"Welcome to the company!"dagdag pa ni boss, sa tono ng pananalita niya, sobrang saya niya. Paano ba naman kasi? Superstar na International model si hillary at sa stole magazine ang napili niya.

Tiningnan niya kami, parang inoobserbahan niya kami. Yung grupo nila maxine, hayy nako! Nagpapacute, feeling naman nila mapapansin sila. Ngumiti si mr. hillary at nakikipagkamay siya samin isa isa. Pero, agad ako nagtakip ng mukha para di niya ako mamukaan.

" Sheryl Ong!"sigaw ni boss, nakita nya kasing nakatakip yung mukha ko na ayaw na ayaw niya kapag may mga immeet kaming mga bagong model. Gusto kasi ni boss na iparamdam namin sa mga models na welcome na welcome sila.

Tinanggal ko naman agad yung takip sa mukha ko. Nagulat pako dahil nakatayo na siya sa harapan ko, nakatingin siya ng diretso sakin pero walang emosyon yung mukha niya.Di ako makatingin sakanya,kumabog ang dibdib ako, baka naaalala niya ko. Tsss! Wag sana. Ganito siguro kapag may nagawa kang kasalanan.

"Hmm, your name is Sheryl Ong" sabi niya sakin habang nakatingin sakin,nilapit niya pa ang mukha niya sakin. Syempre lahat ng tao dito sa loob nanlilisik ang mga mata lalo na ang grupo nila maxine.

"Y-yyes, I-im Sheryl Ong" kabado kong sagot, habang nakikipagkamay sakanya. Di pa rin talaga ako makatingin sakanya, ang lapit pa ng mukha niya.

Sa pakikipagkamay niya,parang ramdam ko na galit siya. Tumingin nako sakanya,naisip ko kasi mas lalo niya akong maalala. Pagtingin ko sakanya,what the h*ck! Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. 

"Well, nice to meet you again Ms.Sheryl Ong, I hope we can work together" nakangiti nyang sabi sabay kindat sakin. Inilayo na niya yung mukha niya sakin,buti nalang kasi di na ako makahinga.

Tinanggal niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Nagsalita si boss, sabi niya na confirm na nga magttrabaho sya sa amin. At sya ang magiging subject namin para sa Big show.Diko maiwasang kabahan sa mga titig niya sakin, sobrang sama ng mga tingin niya sakin, parang pinapatay niya ako sa isip niya.

"Nagkita naba kayo?"tanong ni anne, na sobrang curious.

Diko pa pala nakkwento sa kanya yung nangyari sakin sa airport three days Ago. Usually naman kasi lahat ng mga kakaibang experienced ko iknikwento ko sa kanya.

"Kwento ko sayo kapag di na tayo busy" bulong ko kay ann,kilala ko yung babae nato hangga't di ka sumasagot di ka niya titigilan. Ngumiti siya at tumango.

"Well, meeting adjourned! You may back to your work now, me and Mr. Hillary will having our discussion" Sabi ni boss saming lahat.

Lahat kami sinunod yung utos ni boss. Wala ako sa sarili ko paglabas namin sa office ni boss. Di pa rin ako makapaniwala.

SHISHI! ANONG GINAWA MO!
I NEED TO PREPARE MYSELF SA MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI...

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now