CHAPTER 55

3K 52 1
                                    

Nagising ako ng maaga naramdaman ko ang lambot ng kama ko, ang lamig sa paligid. Nakita ko na nakabukas pala ang AC kaya naman pala ang sarap ng tulog ko.  Ehh pero teka sino nagbukas nun?hindi namang pwede si Mama dahil napakatipid nun sa kuryente.

Tumayo ako para patayin yung AC, sinaksak ko nga ehh para talagang patay. Nagpunta ako ng C.R ko naghilamos ng mukha.  Then after nun bumaba na ako para magalmusal, nakabukas ang t.v sa sala, ang ingay sa kusina. 

"MA! yung t.v hinayaan mong nakabukas" sigaw ko tsaka pinatay ang t.v pero wala akong narinig na sumagot si mama

"MA! ano ba ginagawa mo?! " sigaw ko ulit pero wala na naman kaya naisipan ko ng pumunta ng kusina

Then.. 

"MAMA? HILLARY? " Pagtataka kong tanong

Nakatalikod si hillary habang si mama nasa gilid nito at halatang may pinaguusapan ang dalawa, hindi madumi ang isip ko, ang awkward kasi na makita silang ganun, tapos parang ang seryoso pa ng pinaguusapan nila. 

"Oh anak gising ka na pala" sabi ni mama lumapit siya sakin tapos ay hinalikan niya ako sa noo "umupo ka na dito" pagaaya ni mama inabante ni mama ang upuan ako naman kahit nagtataka parin umupo parin ako "gutom kanaba? " tanong ni mama tumango naman ako ,gutom naman na talaga ako eh

"Good Morning babe"masayang bati sakin ni hillary with kiss sa cheeks kinilig ako pero kumunot ang noo ko sa tawag niya sakin BABE? 

"Sinong babe hah? Kelan pa tayo nagkaroon ng tawagang ganyan hah?" Mataray kong tanong sakanya na nakacross arms... Wala pa naman talaga kaming pinaguusapan na tawagan eh

"Syempre ikaw, sino pa ba ang Babe ko? " sagot niya tinaasan pa ako ng kilay

"Aba!  Wala pa tayong pinagkakasunduan na tawagan.  Baka ibang Babe yang sinasabi mo" inis kong tanong ngumiti siya ng pagkatamis-tamis naku!  Hindi ako nadadaan sa ganyan ehh, hindi talaga promise

Hinawakan niya ang chin ko tapos nakipag eye to eye contact siya sakin. Naku! Di rin ako nadadala sa mga matang ganyan ehh hindi talaga.  Jusmeyo! Tutunawin ba niya Ako sa mga titig niya? Nakangiti parin siya ng matamis.  Di talaga ako nadadala ehh!  iiiii!  Nakakaasar!  Napalunok ako kasi di ko na matake, para na kasi niya akong hahalikan. Pumikit ako. 

And a kiss to my forehead ang naramdaman ko

"Okay, pagusapan natin mamaya kunv ano ang gusto mong maging tawagan natin" sabi niya then ngiti ulit

"Ahem! Ahem! May tao pa dito" sabi ni mama, ay naku kahiy kelan talaga si mama

Tumayo agad si hillary, napansin ko na naman ang tinginan nilang dalawa ni mama.  Ano bang meron? Bakit di ako updated?

"Anong meron? " tanong ko sabay silang lumingon sakin tinaasan ko naman sila ng kilay na sign na naghihintay ako ng sagot nila

"We must eat first darling" sabi ni mama sabay upo

"A-ahh mukha kasing di nagustuhan ni tita ang luto ko kaya ito"sagot naman ni hillary oh well, may something talaga

Kumain kami ng tahimik lang.  And it is so awkward I swear .. Nauna akong matapos kumain.  Dumiretso agad ako sa kwarto ko, naiinis kasi ako, dahil meron talaga eh, nagpapalusot pa sila. 

Nakaupo ako ngayon sa kama ko, ng biglang may yumakap sakin mula sa likod na pilit sinisiksik ang ulo sa balikat ko.  Then I saw hillary hugging me so tightly

"What's wrong?" Tanong niya ramdam ko ang hininga niya napakainit

"May hindi kayo sinasabi sakin ni mama, hindi naman ako manhid para diko maramdaman na meron" irita kong sabi na hindi pinapansin ang yakap niya

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now