CHAPTER 37: PARTY

4K 71 0
                                    

  "Ma, ano susuotin ko?" Tanong ko kay mama. Habang naghahalungkat sa cabinet ko..

 Christmas party namin ngayon at the same time victory party na rin dahil sa mga successful events namin.. Ang kaso nakalimutan kong bumili ng damit na susuotin ang masama pa ang theme namin ngayon ay elegant and formal ako ang nagsuggest ako pa ang walang maisusuot ..

 "Ma! " sigaw ko ulit, kanina pa kasi ako nagtatanong walang sagot si mama, tumingin ako sa orasan at almost 30minutes na pala akong late 

 "MAAAAAAAAA!" Sigaw ko ulit

 "Ano ba ya--? What the?! Bakit ang kalat ng kwarto mo?" Inis na tanong ni mama sakin pagpasok niya sa kwarto ko 

 "Ma kanina pa ako naghahanap ng isusuot sa party ngayon wala akong makita dito na kahit ano" inis na din na pagpapaliwanag ko 

 "Huwag na lang kaya ako pumunta?" Sabi ko kay mama sabay higa sa kama ko na puro kalat ng damit . nakaramdam na lang ako  ng sakit sa may binti ko..

 "Aba ano ka? Hindi pwede you must go. This party is yours, hindi magiging successful ang mga events nila without you" pageencourage ni mama. May point si mama pero wala nga akong isusuot 

 "Ma wala akong isusuot eh nakalimutan kong bumili" pagmamaktol koLumabas si mama ng kwarto pero bumalik din agad sa loob, na may hawak hawak na malaking box na puti. 

 "Whats that ma?" Tanong ko sa kanya sobrang wide ng ngiti ni mama parang nakakaloko 

 "Ito na sagot sa problema mo" masayang sambit ni mama Tsaka ibinigay sakin ang box na hawak niya Binuksan ko agad ang box at nanlaki ang mga mata ko..

 "Magbihis kana at kukunin ko lang yung mga accessories sa kwarto ko" utos ni mama, excited akong suotin yung damit 

 -20 minutes after

 "My god! Your so gorgeous baby" pagpupuri ni mama habang tinitingnan ako ng ulo hanggang paa 

"Your look so stunning" dugto niya Tumingin ako sa malaking salamin sa kwarto tama lang para makita ang kabuuan ng damit ko .

 Pati ako napapangiti dahil sa ganda ng damit na suot ko,. Kulay black ang gown na suot ko, fit siya sakin kaya kitang kita ang korte ng katawan ko,  Sleeve less siya,tapos citrus sa bandabg dibdib, tapos sa ladlaran ay nakalobo pero yung lobong diretso lang na makakalakad ako ng maayos, punong puno ng dyamante ang gown kaya kumikinang ang gown tamang tama lang sa elegant at formal theme Nakatali ang buhok na nakabraid yung princess braid tapos may kunting buhok ako na nakaladlad, may silver na nakalagay sa buhok ko para maglooking queen ako ako, mahaba ang mga hikaw ko sakto lang din kulay silver din bagay sa damit.. Tapos bracelet at pouch na black. 

 "Ang ganda mo talaga anak" pagpupuri parin ni mama

 "Thank you ma," pagpapasalamat ko sakanya sabay kiss sa cheeks niya ginantihan naman ako ng yakap ni mama

 "Ohh siya were done, anjan na din sundo mo sa labas, enjoy the party anak" saad niya

nagmadali naman akong  lumabas  ng bahay,nagulat pa ako sa paglabas ko dahil may lalaking umalalay sakin pasakay ng limousine na kotse, nakatuxedo siyang damit at ang formal formal niyang tingnan pagpasok ko sa loob napapawow ako sa luwang ng loob first time ko sumakay dito . Ang laki ng loob may wine pa sa gilid halatang yayamanin ehh

Nakaupo lang ako sa may gilid ng bintana,,lahat ng tao na madadaanan namin ay nakatingin sa kotse namin, yung iba napapahinto pa para lang tingnan ang magara sasakyan.. Wala pang kalahating oras ay nakarating din kami sa venue ng party

Sosyalin ang party namin kaya sa five star hotel gaganapin HAHA! Wala ng katao tao sa labas sobrang late na talaga ako, inalalayan pa din ang ako ng lalaki kanina. Paglabas ko nagmadali naman akong pumasok sa loob .

Pagpasok ko sa loob mapapawow ka sa mga damit ng mga suot nila , may mga ininvite din kaming mga di kacompany may ininvite din kaming mga artista, ang gaganda at gwapo nila. Papasok na sana ako ng may humila sakin ..

"OUCH!" Sigaw ko, masasayang ayos ko noh , pagtingin ko sa kanya
"Ang ganda mo shi! Mukha kang artista honestly" pagpupuri ni anne sakin na kinafluttered ko naman

"Ikaw din, mas maganda ka pa nga ehh" sabi ko naman sa kanya

"Oh sya mamaya na tayo magbolahan, doon ka sa taas manggaling, hindi dito anv entrance" sabi niya habang tinutulak tulak, lintik hindi niya ba alam na nakaheels ako?

"Eh teka, bakit doon? Ang alam ko dito sa baba?" Tanong ko sa kanya

"Huwag ka ng matanong, late ka diba? Buti na nga lang at dipa nagsstart ang party ehh" sabi niya habang itinutulak pa rin ako

"Teka nga! I can walk on my own" pasigaw ko sakanya kaya napahands up siya, nagpatuloy naman akong maglakad papuntang elevator. Sa first lang talaga ang alam kong entrance ehh bakit sa taas pa ako manggagaling..

Pagbukas ng pintuan ng elevator lumabas na ako agad, pagtapak ko pa lang sa floor ng 2nd floor, biglang namatay ang mga chandelier, napalitan ito ng spotlights . May nagabot din sakin ng mic..  Naglakad pako ng kunti para makita ang mga tao sa baba, sa hagdanan pala ako padadaanin pssh -__ - lahat sila nakatingin sakin, yung iba nakanganga na. Hinanap ng mata ko ang bwisit kong kaibigan .. At ayun na sa tabi ng dj, sumesenyas sakin na magsalita ako sa mic

Hindi ko alam na may speech pala ako, akala ko party na agad ehh, bumalik ulit ang tingin ko sa lahat, tumayo ako ng matuwid with poise at tsaka inilapit ang mic para magsalita

" good evening ladies and gentlemen" panimula ko,omo! Kinakabahan ako nanginginig pa kamay ko,

Bago ako magsalita, huminga muna ako ng malalim, iisipin ko na lang na walang tao sa harapan ko.

"Actually di ko ineexpect na ganito karaming tao ang aattend sa Victory party ng aming Stole magazine, thank you sa mga nagbigay ng time para pumunta dito lalong lalo na sa mga guests natin for tonight" tuloy ko sabay ngiti sa kanila, nagpalakpakan naman sila

"Ever since pinangarap ko na talaga ang maging isang photographer ng prestigious magazine company, gustong gusto ko talaga makapasok dito sa stole magazine, hindi madali lahat ang pagpasok ko dito, ang makipagsocialize sa iba pero kinaya ko rin yun.. Kaya itinuturing ko ding isang Victory yun, and Iam so proud dahil naging part ako ng Another Victory ng stole magazine. Kaya this party is for you guys! Enjoy this night guys" pageend ko sa unexpected speech ko ..

My Model BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora