CHAPTER 5: SEXINESS KILLS ME

6.8K 128 0
                                    

Its been 3:15pm pero until now wala pa din siya. Nakaready na ang lahat siya na lang ang kulang. What the hell is he doing! F*ck ! Wag niya sana kaming ipahiya. Huwag niya sana idamay yung trabaho ko sa mga katarantaduhan niya.

Tiningnan ko ulit ang ang set, nakaready na yung mga lights. Ang concept namin ngayon is about his sexiness and hotness medyo daring but simply.
Wala masyadong kolorete yung set namin, isang kama and bottle lang ang nandoon kasi gusto ko mangibabaw yung character niya sa picture.

Ilang minuto pa, wala pa din siya. Kinakabahan na talaga ako, sa sobra kaba ko, nagpunta ako ng rest room, ganun talaga ako kapag super kaba. Habang papunta ako sa rest room,habang naglalalad ako sa hallway may narinig akong umiiyak, parang batang pinalo ng nanay niya. Ang sakit ng iyak niya, At sa di kalayuan nga nito nakita ko yung taong umiiyak, nakadukdok sya sa tuhod niya.

"Sino yun?"tanong ko sa sarili ko. Medyo familiar yung looks niya, sa sobrang pagkacurious ko lumapit ako para makita kung sino yun, nagtago ako sa maliit na hallway sa my gilid. Tiningnan ko siyang mabuti.

"Si Hillary?!!" Gulat kong sabi, tinakpan ko agad ang bibig ko, baka kasi narinig niya or marinig niya.

Iyak siya ng iyak, parang sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon, gusto ko siyang lapitan para icomfort, pero di pala kami okay. Kaya tiningnan ko lang sya sa di kalayuan. Habang pinagmamasdan ko siya, diko akalain na may side pala siyang ganito, super emotional.

Parang nalungkot din ako para sa kanya. Kung sino man yung iniiyakan niya, sobra naman siya para pahirapan siya ng ganun.

Lumingon lingon siya sa paligid, tumayo siya at pinunasan niya yung mga luha niya at huminga ng malalim. Lumingon siya sa kinaroroonan ko, buti na lang nakapagtago ako agad.

Dirediretso lang siya. Napapunas ako noo ko akala ko makikita niya ako. Nakalimutan ko tuloy magrest room, pero di na rin ako mag-ccr. Kaya pumunta na ko sa set namin. Para akong zombie kung maglakad sa sobrang bagal. Diko parin kasi maiwasang isipin si hillary. Si hillary nga ba yung nakita ko.

Dumating ako sa set, ganun pa din naman dumagdag lang si hillary, nakita ko sya inaayusan siya. Ang galing niyang magtago ng nararamdaman niya. Ni hindi man lang nahalata yung mga mga mata niyang namamaga.

Napalapit ako sa kanya, napatitig ako sakanya, di ko parin talagang maiwasan malungkot.

"WHAT?!!" Asar na tanong niya.
Ayan na naman siya, tiningnan na naman niya ako ng masama.

"A-ah, n-nothing, just get ready" malungkot na sabi ko.

Teka! Bakit nga ba ako nalulungkot?ehh di ko naman siya kaano ano. Atsaka dapat nga masaya ako eh, ano ba yung nararamdaman ko, abnormal.

I take my deepest breath, at pumunta sa pwesto ko. Niready ko na yung camera ko para click na lang.

"I need to focus"  bulong ko sa sarili ko with cross fingers.

"Galingan mo shishi!" Sabi ni ann na nakapatong ang kamay sa balikat ko.

Medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa sinabi ni anne, kahit kailan talaga siya yung isa sa mga taong nagpapalakas ng loob ko.

"Salamat ann" sagot ko sa kanya with a big smile. Dapat galingan ko.

"Okay Guys! Ready na tayo, Hillary take na tayo" bossy kong sabi sa lahat.

Lahat naman sila sumunod, kahit si hillary, ang lungkot pa din ng mukha niya, umiling ako at huminga dapat hindi ako magfocus sa kanya, sa ginagawa ko dapat ako magfocus.

"Are you okay?" Tanong niya na nakataas ang kilay.

Dapat nga siya yung tinatanong ko ng ganun.

"Yes I'm okay, let's have our first take" sabi ko. Tapos double check sa camera.

[NP: love me like you do, play niyo para feel niyo yung mga pangyayari]

Ilang minuto pa ang lumipas, todo hiyawan pa rin sa loob. Pero infairness bagay talaga sa kanya yung title nya sa industry.Magaling siyang umawra at mahahalata mo sa kanya na napaka professional niya at gustong gusto niya yung ginagawa niya.

Sa bawat pagbabago niya ng pose, tili ng mga kasamahan ko dito. Masakit sa tenga pero nakakatuwa silang tingnan, may nga nakatulala, may nakatawa ng sobrang lakas, may nakatitig ng mabuti kay hillary na akala mo dinadala nila sa paraiso.

Naka-tshirt si hillary na may combination na color blue tapos lower pants na medyo fitted. Star model talaga siya kasi kahit simpleng damit lang bagay sa kanya. At tamang tama lang yung concept namin, perfect for his sexiness and hotness. Kung titingnan mo mabuti yung katawan niya, bakat na bakat yung katawan niya sa tshirt.

Habang tumatagal naeenjoy ko yung ginagawa ko, naaakit na din ata ako ni hillary, lahat ng pose niya may meaning. Shit! Mapapasigaw din ata ako.  Take lang ako ng take ng picture hanggang sa mapatulala ako.

"Is everything okay?" Tanong niya, di ako makasagot dahil naka titig talaga ako sa kanya as in.

"Hey!!!" Sumigaw na sya.
Syete! Ano ginawa ko. Lintek! Napayuko ako don ahh.

"Ahh nothing, just continue" dahilan ko habang kunwari inaayos ko yung cam ko. Natulala talaga ako doon ahh. Hayst! Work! Work! Muna.

Dumating na talaga sa point na diko na kaya dahil, hinubad niya yung tshirt niya. Dahil lower waist yung pants niya, kita tuloy yun boxer niya, at dahil wala na syang pantaas naglalaway na lahat dito sa set dahil sa hubog ng katawan niya, yung six packs niya, tss!  Lahat sila tilian except me na nakayuko lang habang inaayos ulit ang cam ko, yun lang kasi way ko para di ako madistract sa kanya.

Hindi pa siya nakuntento, naglagay pa siya ng oil sa katawan na lalong kinahot niya. Maloloka nako dito sa kinauupuan ko, sobra na kong pinagpapawisan sa totoo lang, aircon naman ang loob.

Well, ang swerte ko dahil medyo malapit ako sa kanya at nakikita ko yung katawan niya, ayyst! Bakit ko ba naiisip yun. Baliw na ata ako.

The way he pose,
The way he look at me, well sa camera ko talaga siya nakatingin.
The way he give me a beautiful shot.. oh my! He really driving me crazy -_- I mean sila pala, bakit ba ko nakikisama.

Lagi naman siyang tumitingin sa camera ko ng diretso, pero yung mga sumunod na tingin niya parang may meaning sakin eh, meron nga ba o ako lang ang nagaassume, ipinikit ko lang yung mata ko at huminga ng malalim pero....

DUG! DUG! DUG! DUG!
What the heck! kumakabog talaga ang dibdib ko? Shete! Wag naman. Diko na lang pinansin yun.

Pero may heart keeps beating, isang tingin niya kabog. Pero yung isang tingin niya, parang nagslow motion yung paligid ko, parang siya lang yung nakikita ko, nababaliw naba talaga ako? Huwag naman sana.

Mga mata niyang mapungay na akala mo nakikiusap na nakakatunaw sobra. Ang mga labi niyang kissable, parang ang lambot, yung katawan niya na parang hinubog talaga para sa kanya.. damn! Para ayoko ng matapos to.

Ayy di pala! Parang gusto ko ng matapos to!

My Model BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon