CHAPTER 3: HIS DOG

7.3K 133 0
                                    

Maaga akong nagising, ewan ko kung bakit pero baka siguro maaga akong nakatulog kagabi dahil sa nakakastress na trabaho kahapon at sa kakaisip sa project na gagawin ko. Medyo nakakaintense pero di naman ako kinakabahan.Magaan yung pakiramdam ko. Feeling ko maganda yung mangyayari ngayon, I hope so.

Medyo madilim pa sa labas.
5:30am palang naman pero maririnig mo na din yung mga sasakyang umaandar sa labas. I decided na magjogging na lang muna kasi ilang araw na din akong di nakakapagjogging. Nagbihis na agad ako ng pangjogging at pumunta ako sa kwarto ni mama, mahimbing syang natutulog kaya diko na sya ginising, hinalikan ko na lang sya sa noo at nagiwan ako ng sticky note sa pintuan niya para agad nyang mabasa.

Bumaba agad ako para kunin yung tumblr at isa pang bote na may lamang gatas at isang sandwich at isang biscuit. Dinala ko din yung ipod ko para kahit papaano naeenjoy ko ang pagjogging.

Nagjogging ako palabas ng village namin, medyo lumiliwanag na din. After 15mins. Hiningal na agad ako, nakakapanibago kasi dati naman  20mins bago ako hingalin o sobra pa bago ako hingalin. Feeling ko sa ilang araw ko din to na hindi pagjogging, at siguro sa taba na din at di nako nakakapag aerobics. Nagpahinga ako dito sa may park labas lang to ng subdivision namin. Umupo ako sa may sementong upuan.

Kinuha ko yung gatas na dala ko at kinain ko yung sandwich na kinuha ko sa mesa kanina, at infairness naubos ko sya. Nagpatugtog ulit ako, ang ganda ng kanta, Di ko mapigilang sumayaw sa ganda. Wala pa namang tao kaya go lang ako sa pagsayaw, dancer ako dati since elem. To college. Sayaw lang ako ng sayaw until may narinig akong tahol ng aso napatigil ako at nagulat kasi parang nagiisa sya at mukhang nagugustuhan nya yung sayaw ko. Isa syang siberian husky na aso, pangarap ko noon na magkaroon ng ganitong aso pero may kamahalan sya kaya sinulat ko na lang sya sa dream's list ko.

"oh doogie, ano ginagawa mo dito? Bakit nagiisa ka? Ang pabaya naman ng amo mo."may pagkainis kong sabi.  Tahol siya ng tahol, pero umaamo sya kapag hinihimas ko yung mabalahibong katawan niya.

" What did you say?! Im letting my dog here?"sabi ng lalaking nakatayo sa harapan ko. Sa isip isip ko narinig ko na yung boses nya ng dalawang beses at sa tono ng pageenglish niya na nakakainis malamang siya yun.

"Kaya naman pala doggie, sya yung amo mo, sabihin mo nga sa amo mo na tigilan kamo ang pageenglish kasi nakakairita" pangaasar na sabi ko, sabay tingin sa kanya. Wala akong ideya kung naiitindihan nya yung mga sinabi ko.

" what did you say?!" Tanong niya.

Mukhang di nga sya nakakaintindi ng tagalog.

"And tell me what are you doing here? Are you following me?" Dagdag niya.

Malakas din pala tama ng lalaking to, Kaya pala ako nilalamig kasi ang hangin niya.

"Excuse me mr. Hillary, FYI Im not following you"pagtataray kong sagot habang patuloy ko pa ring hinihimas ang likod ni doggie.

"Then, tell me why are you here? And please don't fool me, I know you have crush on me" sabi niya.

Aba talagang gusto niyang sirain ang maganda kong umaga. May kayabangan din talaga sya sa katawan.Sya nga yung parang sumusunod sakin ehh, Pero hindi ko sisirain ang umaga ko ng dahil lang sakanya.

"Here,take your dog, and please take your dog with care. " sabi ko, sabay takbo ulit feeling ko kasi nadaragdagan yung taba ko sa katawan dahil sa kanya.

10mins of jogging, napatigil ako dahil may tumahol na naman, pagtingin ko sa likuran ko yung aso na naman nya yung nakita ko.

"Napakapabaya talaga ng amo mo, pinabayaan ka na naman, kawawa ka naman, doggie" mahinahon kong sabi.

"I think he likes you" tinig mula na naman sa harap ko. Sinusundan nga siguro ako nito.

" do you think so?" Tanong ko.
"But, why are you still here?Are you following me" Dagdag ko.

"No! Im not following you, my dog wants to follow you, maybe he likes you" sagot niya.

Napakadefensive niya, nagjojoke lang naman ako. Imposible namang sundan niya ako, pero malay ko, napatingin na lang ako sakanya at kinuha ko yung tali ng aso sa kanya,halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Let me handle this" pagmamagandang loob ko.

Tingin ko kasi sakanya first time niyang magalaga ng aso, kaya baka di niya pa alam kung ano yung gagawin sa aso niya.

"But why?! That's my dog!" Sigaw niya.
" bakit inaangkin ko ba?kapal nito"  pagmamataas ko ng boses.

nakatulala lang siya sa sinabi ko,naintindihan kaya niya yung mga binanggit ko.

"What?"  Tanong niya na nakakunot ang noo.

Oo nga pala englisherong palaka siya, kaya di nya naiintindihan sinabi ko.

"Nothing, maybe your dog is hungry that's why he keeps following me"mahinahon kong sabi sakanya.

Naglabas ako ng biscuit na nilagay ko sa bulsa ko kanina,incase na magutom ako. Pinakain ko kay sa aso niya at tama nga ako dahil gutom yung aso niya, di pa naman ako nagkakaroon ng alagang aso. May animal instinct ata ako kaya nalaman kong gutom sya. Pinagmamasdan lang ni hillary yung aso nya, siguro nagulat siya.

"Next time make sure that your dog is full before you go around" paalala ko sa kanya. Naiinis siguro siya sa sinabi ko. Nakabusangot yung mukha niya.
"Don't remind me,I know what I'm doing and how to take care of my dog" pagmamasungit niya.

"Babatukan ko na yang amo, napakayabang ehh, sabihin mo sakanya napakapanget niya!" Bulong ko sa aso. Habang tumatawa

"why are you laughing?"tanong niya.

"Nothing, I need to go,here" sagot ko binigay ko yung tali sakanya, tsaka ako tumakbo pauwi sa bahay.

Di man lang ako nakarinig sa kanya ng thank you. Pasalamat siya cute ang aso niya, at sya HAHA! Ang cute na pla kapag nakapang jogging syang suot. Di bale,ganun talaga, binilisan ko na ang pagtakbo para agad akong makauwi.

Ilang minuto pa nakauwi din ako. Napatingin ako sa orasan namin.

"SHOCKS! LATE NA NAMAN AKO!"

My Model BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon