CHAPTER 69

2.2K 51 17
                                    

Chapter 69

Rachelle's POV
(Mother of sheryl)

" What is this?" Tanong ko kay Amanda na presentableng nakaupo sa swivel chair niya

May hinagis siya sa harapan Kong kulay brown na envelope.

"Open it" sabi niya

Habang binubuksan ko ang envelope sobra ang kaba na nararamdaman ko.

"You want proof? Then,you have it" mataray niyang sabi

Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi gaganito ang bruhang mangkukulam na ito kung wala siyang hawak na alas. Tinawagan niya ako kahapon, sabi niya may ipapakita daw siya sakin, something important daw.

Binuksan ko ang envelope, dahan-dahan kong hinugot ang papel palabas, nanginginig pako sa kaba at takot. Natatakot ako para sa anak ko, kahapon lang ang saya-saya niyang ibalita sakin na engaged na sila ni hillary tapos ganito lang??

Binasa ko ang resulta ng DNA test nila hillary at sheryl.

Ilang buwan na ang nakaraan, simula ng puntahan ko si Amanda sa opisina niya. Ako ang nagpasya na ipaDNA test sila sheryl, para makasigurado ako. Baka kasi gusto niya lang paghiwalayin si hillary at sheryl dahil ayaw niyang magkaroon ng yaman ang pamilya ko. May pagkasakim din kasi ang bruhang ito. Pumayag siya, siya ang nagpresenta na siya na mismo ang magpapaDNA. Sa totoo lang wala akong tiwala sa kanya kaya binantayan ko ang proseso ng DNA.

"See Rachelle? Im telling the truth" sabi ni Amanda

Halos nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"This is not true! Sinabotahe mo ang DNA test!" Sabi ko sabay hagis ng papel sa lamesa

Oo ayokong maniwala, dahil masasaktan ang anak ko.

"Tanga kaba? Ayy oo nga pala tanga ka nga pala HAHAHA!" Sabi sabay tawa ng malabruha

"Kung tanga ako, bobo ka! This is not true.lets do another test" sabi ko

" para mo naring niloko ang sarili mo at pinagod Rachelle, para saan pa ang pagbabantay mo kung di mo paniniwalaan yan?!" Sabi ni Amanda habang tinuturo ang papel

Yes! She is right. Ano pa ang sense ng pagbabantay ko? Oo nabantayan ko mula umpisa.

"Tanggapin mo na lang kasi na they were blood related rachelle, ITS MATCH. MAGKAPATID SILA!!" Sigaw niya

Halos mabingi ako sa mga sinabi niya. Gusto kong umiyak sa harapan nya pero di pwede,mamaliitin na naman niya ako.

Sasagot palang ako ng biglang may bumukas ng pinto.
-----
Hillary's POV

Maaga ko lang hinatid ko si honey bunch, ngayon palang daw kasi niya nararamdaman ang pagod. Sa mansion ako dumiretso, pasipol-sipol pa akong naglalakad habang hawak-hawak ang stuff toy na napanalunan namin ni sheryl.

Papunta na ako sa kwarto ko, ng may marinig kong sumigaw si mom. Bago kasi kwarto ko sa opisina muna ni mom dito sa bahay ang madadaanan.

Huminto ako sa paglalakad papuntang kwarto. Naglakad ako pabalik. Nasa tapat na ako ng pintuan ng opisina ni mom. Diko. Masyado naintindihan ehh .. Ang naintindihan ko lang magkapatid sila.

Napakunot ang noo ko, at bigla akong nacurious kaya binuksan ko ang pintuan, hindi naman kasi nakalock. Pagpasok ko sa loob,nagulat ako sa nakita ko..

"Oh tita rachelle? Bakit nandito po kayo?" Tanong ko

Lumapit ako kay mom, kiniss ko siya sa cheeks. Tinitingnan ko parin si tita,parang ang lungkot ng mga mata niya.

"Kilala niyo pala si mom,tita?" Tanong ko ulit pero walang response

"Yes we know each other, we are good friends" si mommy ang sumagot, may pagkabitterness pa

"Woahh! Really? Well, that's great! Mukhang di na ako mahihirapan pang mag-announce" masaya kong sabi

Pero yung dalawa, wala manlang ngiti. So? Ako lang talaga masaya ngayon?

"Rachelle, tell him the truth" sabi ni mommy kay tita

"Why me? Am I his mother?diba hindi? Why don't you tell him?" Sagot ni tita, ay ang taray ng tono ni tita HAHAHA! Hindi po ako nababakla ahh

"You're right! I must tell him the truth because Im his MOTHER!" Sagot ni mommy

Okay medyo ang hot na ng atmosphere. Tsaka teka? Truth? Ano daw ?

"Wait? What is it? Truth? For what?" Tanong ko naguguluhan ako sakanila

Tiningnan ko si tita, begging for some answers. Pero tumayo lang siya at tinap ako sa balikat ko.

"Im sorry hillary, ginawa ko ang lahat. Masaya ako para sainyo ng anak ko pero di ko kakayanin kung masasaktan ng sobra ang anak ko" sabi ni tita, parang anytime babagsak na ang mga luha ni tita

Sinaniban na ako ng kaba, yung sobrang kaba. Parang di maganda ang mangyayari.

"Tita tell me? Naguguluhan ako" sabi ko

"Si mommy mo na ang magsasabi sayo, kailangan ko ng umuwi" sabi ni tita at lumabas na ng opisina ni mommy

Kaming dalawa nalang ni mommy abg naiwan dito sa loob. Umupo naman agad si mommy sa swivel chair.
---
Omo! Hi readers! Kaya paba? O hindi na? HAHAHA! END is coming. Ano na kaya ang mangyayari sa love story nila? Mapupunta ba sa Happy Ending or Sad Ending?kaninong pov po ang gusto niyong susunod? Just comment down!

Keep reading guys! At huwag mapagod sa pagvote. Open po ako sa mga questions! Loveyah Keep on voting guys! Thank you ☺️
Don't forget to leave a comment ☺️

Please subscribe on my Youtube Channel JinAndAj and Ak ☺️ so that we can have some bond.

My Model BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon