CHAPTER 30

4.3K 99 7
                                    

Nakakaindak. Yung tipong gusto mong sumayaw sa gitna dahil sa nakakadala yung tugtog. Nakakatuwa kasi yung mga gaya niyang tao na tahimik,seryoso nakakalokong tingnan at kausapin ay kaya palang sumayaw ng ganito. HAHA! He was so unpredictable

Im just standing here behind the dj, nakacross arms habang nakangiting nanunuod sa pakulo ni hillary sa stage.. Paindak indak ang ulo nakakadala kasi ehh tapos ang gwapo pa ng sumasayaw sa stage, ang lakas lakas ng dating pinagpapawisan na siya pero ang hot pa rin niyang tingnan hayyy.

All the people here are enjoying the show even the other people na humihinto pa para lang manuod marami na din ang nanunuod pati sa taas nakatingin na din dito.. Tumingin sakin si hillary tsaka ngumiti ng matamis gusto kong magwalling dito ehh dahil sa ginawa niya pero yung poise ko mawawala kaya tumango lang ako.. Tumalikod na ako ng biglang may humawak sa braso ko,tiningnan ko siya, kumunot ang noo ko sa dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ko na nakangiti at isang lalaking nakahawak sa braso ko. Umiindak sila, nakasuot sila ng all white tshirt at pants na nakasapatos na itim.

"WHAT? " mataray kong tanong sakanila pero waepek ang katarayan ng atii mo dinedma nila ako -_-

Patuloy lang sila sa pagindak at nakangiti parin, hindi ba sila napapagod? Kasi kung hindi?ako yung napapagod ehh at nangangawit para sa kanila. Nagpupumiglas ako sa may hawak sakin, its so annoying tsaka diko sila kilala..

Pamaya maya nung napansin kong parang ang awkward tumingin ako sa paligid.. Gustong malaglag ng mga gustong malaglag sa katawan ko dahil sa dami ng tao nakakapanlumo dahil ALL EYES ON ME may ibang nakangiti,nakataas ang kilay at yung iba naman nakaserious look lang sakin.. ANO BA GAGAWIN KO?!

Palinga linga ako, nagbabakasakali na makita si anne at humingi ng tulong, kahit makuha lang ni anne ang atensyon nila makakaalis ako dito pero di siya mahagip ng mata ko, tiningnan ko ulit ang mga tao, may nakita akong sumesenyas sa stage,

Hindi ko sila maintindihan kaya napapangiwi pa ako, hinihila na ako ng dancer na kanina pa hawak ang braso ko. Nakuha ko lang ang pagsenyas ng mga tao ng bulungan ako ng isa sa mga dancer

"Akyat po kayo sa stage" sabi niya pero tuloy pa din sa pagindak

"Ano gagawin ko?" Diko mapigilang magtanong habang naglalakad paakyat ng stage

Di ako sinagot ng mokong dancer na yun, ng makatapak na ako sa stage lumakas lalo ang hiyawan at sigawan ng mga tao dito. Parang gusto kong maglagay ng bulak at earphones sa tenga ko nakakabasag ng eardrums ang ingay nila. Inalalayan naman ako ng isang dancer na ayaw pa talaga akong bitiwan hanggang sa gitna ng stage. Nahihiya na ako sobra hindi ako sanay sa ganitong atensyon na nakukuha ko ngayon, di tulad to photoshoot room tahimik lang at kalmado pero dito ugghhh! Tensyon na tensyon ako tsss! Ano ba kasing pakana to?!

"GO SHI!!" Sigaw nung isang babae sa baba, tinitingnan ko siyang mabuti dahil hindi ko siya maninag mabuti dahil sa sobrang liwanag ng mga spotlights dito

"GO SHI! KAIBIGAN KO YAN!" sigaw niyang muli, nagsalubong ang dalawa kong kilay ng makita ko na siya

"ANNE!" Pabulong kong sabi sa sarili ko,mukhang nakuha naman niya na nainis ako dahil tumigil siya sa kakasigaw at tinakpan ang bibig niya

Pero ang walanghiyang babae! Ipinagpatuloy parin ang sigaw, kumaway kaway pa sakin at kinindatan pako talaga ah

Sumenyas ako ng You will be dead sakanya na ikinalaki ng mata mata kaya napasmirk ako tsaka yumuko dahil diko na kaya ang hiya

Pamaya maya pa ay pumaikot sakin ang mga dancers na naka all white shirts kaya napatingin ako sakanila.. Yung iba pumunta sa likuran ko para doon sumayaw kaya nagkaroon ulit ng butas sa harapan ko dahilan para makita ulit ako ng mga tao, nakatingin lang ako sa kanila ng tulala pero pangiti ngiti na rin mas nakakahiya kasi kung ipagpapatuloy ko yung inaasta ko,at diko namamalayan ay may isang lalaking nakatayo sa harapan ko at nakaabot ang kanyang mga kamay sakin, napakaliwanag ng ilaw kaya diko makita yung mukha niya pero paunti unti humina ang ilaw at nakita ko ang napakakinis at gwapo niyang mukha nakatingin siya sakin ng diretso parang may mga fireworks likod niya at mga stars na nakapalibot sa kanya hayyy! MalaAnghel ang nasa harapan ko ngayon.

Nawala ako sa imagination ko ng marinig muli ang sigawan ng mga tao, kaya inabot ko ang kamay ko sa kanya agad, hinawakan niya ng mahigpit yun at ngumiti muli sakin. Dinala niya ako sa pinakaharap ng stage at sumunod naman ang mga dancers.

"Bagay kayo! "

"Ang ganda at gwapo niyo! "

"Nakakakilig kayo! "

"Wohooo! Gwapo mo papa H! "

Yan ang mga sigawang narinig ko, nakakaoverwhelmed masyado kaya napapangiti ako, habang si hillary sinasayawan ako, oo sinasayawan niya ako sa harap ng maraming tao, diko maiwasang umiwas ng tingin dahil ang lagkit ng mga tingin niya ehh, ang lakas pa ng dating niya paano na lang kung ano HAHA! Wahh! Ayoko ng ipagpatuloy.

Lalo akong nagulat ng abutan niya ako ng three roses, ramdam kong naginit ang mga pisngi ko aya napahawak ako dito, ihhh spell kinikilig A-K-O, sabayan pa ng kiss sa cheeks sino hindi lalong kikiligin, feeling ko nahabaan ko pa ang buhok ni rapunzel HAHA! Itinayo niya ako tsaka nagbow sa mga tao, puro tili pa din ng mga tao at sigawan, napapaos na ako para sa kanila HAHA!

Yung mga ngiti ko sa labi hindi na naalis, bwisit kasi tong unggoy na re! Pakiligin daw ba ako ehh.

Nakatayo kami ni hillary habang hawak niya ako sa bewang ko at kumakaway kaway siya, hindi na masyado maliwanag ang spotlights kaya kita ko na ang mga tao sa harapan na kanina ay nakaupi ngayon ay nakatayo habang sabay na pumapalakpak. Ang mga taong iyon ay ang mga taong aming inimbitahan dahil isa sila sa mga maimpluwensyang tao pagdating sa fashion at isa ilan sa kanila ay sikat sa ibang bansa kaya full bigtime ang mga taong nasa harapan namin

Tiningnan ko sila isa isa, lahat sila nakangiting pumapalakpak,yung iba nagbubulungan habang pumapalakpak mukhang sobrang naimpress namim sila sa event na ginanap namin, pero isang tao ang nakuha lahat ng atensyon ko ...

Lahat nakatayo, maliban sa kanya nakaupo siya ng bentekwatro at cold na nakatingin sakin ay bali saming dalawa ni hillary.. Nakipagpaligsahan ako ng tingin sa kanya..

Gusto kong maluha at lumuhod dito sa kinatatayuan ko.. Hindi ito ang huling beses na naramdaman ko ito,ang mga mata niya, ang hugis ng mukha niya at ang mga labi niya na kulay maroon .. Di ako maaaring magkamali ..

"Botbot?" Bulong ko

Halos huminto ang oras sa sandaling nakita ko siyang muli, sumisikip ang dibdib ko parang tinutusok ng karayom ang puso ko.. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko..

Ang mga matang niyang ang lalim kung tumingin at ang mga mukha niyang seryoso .. Ngayon ay nakatingin samin ni hillary .. Tumayo siya at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pants niya.. Nagsmirk siya sakin at tsaka tumalikod.. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko

"Bumalik kana pala" bulong ko muli sa sarili ko at naiwang tulala habang tinitingnam parin siyang palayo..
-----
Keep on voting guys and Don't forget to leave an inline comment. Thank you for reading this chapter ☺️☺️

Subscribe on my YOUTUBE CHANNEL JinAndAj

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now