CHAPTER 10: Feeling his pain

5.2K 124 1
                                    

A few moments later ... 

Pag-gising ko, mas dumami ang tao tumingin agad ako sa kinauupuan niya napabalikwas ako ng tayo dahil wala na siya doon. Tumingin-tingin ako sa paligid baka sakaling lumipat lang sya ng table. Medyo nakakakaba din kasi marami na siyang nainum. Naglakad-lakad ako sa loob ng bar para hanapin siya hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa may bartender area nakaupo, halatang lasing na lasing na siya. Pumunta ako pero hindi ganun kalapit sa kanya para di  niya ko mamukaan.

"Two glass of tequilla please" sabi niya sa bartender. Omorder pa ang ungas eh lasing na lasing na sya. Lalapit na sana ako sakanya kaso may lumapit na babae sa kanya kaya napa-atras ako.

"hey! Cute little boy" sabi ng babae kay hillary, halatang flirt nakakainis pa ang itsura niya.

"Go away!" sabi ni hillary sakanya.

"Ohh! such a hard to get. I like that " sabi ng babae habang nililikot niya yung buhok ni hillary.

Gusto kong sabunutan yung babae sobrang flirt tss. Bakit nga ba ako naiinis? Hayy! Aalis na sana ako ng biglang sumigaw si hillary at tiningnan ko sila
"kapag di ka umalis sa harapan ko, papatulan kita!wala akong panahon sa mga babaeng katulad mo" sigaw ni hillary sa babae, halos nakatingin na sa kanila yung mga tao.

Nakita kong nakasalampak yung babae sa floor mukhang tinulak siya ni hillary. Ganyan nga bagay sakanya masyadong pok-pok ang dating. Kahit na lasing na lasing na si hillary nakatayo pa rin siya, pero patumba tumba siya.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Sinuntok siya ng isang lalaki, hinawakan nito yung damit ni hillary

"Wala kang respeto sa babae no!" Sabi nung lalaki.
Ngumingiti lang si hillary sa lalaki,sinuntok na nga siya ganun pa sya mag-react.

"Aba bastos ka talaga!" Sigaw nung lalaki. Si hillary nakatingin lang sakanya tsaka niya dinuran sa mukha kaya lalong nagalit yung lalaki. Sinuntok siya ulit kaya natumba na siya.

Tatadyakan na sana siya nung lalaki, pero di ko na kaya yung nakikita ko may dugo na sa labi ni hillary. Humarang ako bago pa man niya magawa yun.

"Hoppps! Tama na yan. Ako na humihingi ng dispensa sa ginawa niya dala lang din ng kalasingan. " sabi ko sa lalaki na nasa harapan ko.

"Pagsabihan mo yang boyfriend mo!" Sambit nung lalaki na namumula sa galit. Dina ako umangal sakanya, para di na niya saktan si hillary.

"ako na po bahala sa kanya pasensya na talaga" sabi ko sa lalaki na mukhang kalmado naman  na. Sinilip ko sa likuran niya yung babaeng akala mong aping-api.

"And nga pala sir? pakisabi po sa babae na nasa likuran niyo. Sa susunod, kapag ayaw ng lalaking balak niyang landiin sana layuan na lang niya lalo na kung sobrang lasing yun lang naman" sabi ko sa lalaki pero pinariringgan ko talaga yung bahay na nanlalaki ang mata sa inis.

Pinilit kong itayo si hillary mula sa pagkakahiga sa sahig mukhang nahilo na talaga siya dahil ilang suntok ba naman yung natamo niya. 

"Tumayo ka hillary!!" sigaw ko sa kanya para mabingaw at magising ang mokong. Buti nakisama sya tumayo sya kahit papaano tapos inalalayan ko sya palabas  ng bar.

"Ibalik moko dun! Lokong lalaking yun!" Sabi niya nung nakalabas na ako. Di na nga siya nakapalag kanina dahil sa kalasingan niya tapos gusto niya pa bumalik.

Gusto ko siyang batukan ehh, iinum inom tapos di pala kaya. Kinuha ko yung susi niya sa bulsa niya. Ipinasok ko siya sa kotse at doon ko siya sa back seat pinapasok para makahiga siya. Marunong naman akong magmaneho kasi nagaral naman ako nito kahit papaano. Pinaandar ko yung kotse niya tsaka umalis.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe, pero huminto kami kasi nagred light yung stop light. Narinig ko siyang nagsasalita.

"Shit! I hate myself"
"I'm so stupid to love her!"

"Ang sakit ng ginawa mo sakin pero, minamahal pa din kita" sabi niya

Sa mga sinabi niya nalaman kong kaya siya uminom ng ganun dahil sa isang babae bigla akong nalungkot para sakanya. Tiningnan ko siya sa front mirror nakaupo siya pero nakayuko.

Naggreen light na kaya pinaandar ko na ulit yung kotse. Sinubukan ko siyang tanungin kong saan yung bahay niya. Itinuro niya lang yung direksyon at sinunod ko yun. Medyo nasa katinuan pa naman siya. Maya maya bigla siyang kumanta

That should be me holding your hands
That should be me making you laugh
That should be me this so sad
That should be me

Umiiyak siya habang kumakanta siya ako gusto kong tumawa dahil sa ginagawa niya ngayon pero grabe yung epekto ng babae na yun sa kanya, ramdam na ramdam ko yung lyrics, humawak ako ng mahigpit sa manibela para bilisan ang pagmamaneho pang-higa na to tapos bukas ang gising.

That should be me feeling your kiss
That should be me buying you gifts
This is so wrong, I cant go on

Pagpapatuloy niya sa kanta. Gusto ko siyang patahanin, pero wala na naman akong magawa dahil hindi kami okay. Huminto kami sa isang building, dito siya nakatira? Bakit dito, ngayon nga lang pala siya nakarating sa pilipinas.

May lumapit saming dalawang lalaki at binuksan ang pinto kilala nila si hillary, pagtataka ko. Binuhat nila ito at dinala sa loob, yung isang lalaki naman ipinark yung kotse ni hillary sinundan ko yung lalaking may buhat kay hillary. Ipinasok niya si hillary pumasok na din ako, sa isang condo unit siya nakatira, at siya lang magisa dito... ang kalat ng buong paligid ang sakit sa mata

"Ma'am kayo na po bahala kay sir tawag lang po kayo sa baba kung may kailangan po kayo" sabi nung lalaki tumango lang ako.

Nakahiga na si hillary sa kama niya awangaawa ako sa kanya na natatawa dahil nagpapakalunod siya sa alak dahil sa isang babae . Kumuha agad ako ng tabo at bimpo, naglagay ako ng maligamgam na tubig, tapos kumuha na din ako ng tshirt pamalit niya pati cabinet niya ang gulo.

Pinunasan ko siya agad, umiiyak pa rin siya kahit tulog na siya. Papalitan ko na siya ng damit pero nakapikit ako ayokong matukso shit! Matapos ko siyang masuotan ng damit, kinumutan ko na siya, mukhang mahimbing naman ang tulog niya, nagpasya akong umuwi dahil gabi na din baka hanapin ako ni mama.

Patayo nako ng bigla niya akong hinila pahiga. Tsaka siya yumakap, Nagulat ako sa ginawa niya. Anong nangyayari sakin? Kinikilig ata ako, naku! Di pwede, ayoko sa lalaking to! nagpupumiglas ako sa yakap niya pero humigpit lalo pero infairness ang bago pa rin niya kahit langong-lango sya sa alak.

Napatingkn ako sa mukha niya ang gwapo niya pala talaga kahit tulog  yung mga pilikmata niyang nakapilintik sa haba,mga labi niyang mapupula. Mukhang Anghel pero ugaling d--

DUG! DUG! DUG!

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko shit! Ano to!
Nakawala ako sa yakap niya kaso hinila naman niya akong pabalik ang sakit na ng braso ko ah.

"Don't leave me, please don't leave me"sabi niya na nakapikit parin umiiyak na naman siya.

"I need you" dagdag niya alam kong hindi ako yun siguro napapanaginipan niya yung babae.

Ang swerte ng babae dahil may lalaking nagkakaganito sa kanya pero ang unfair naman niya para pahirapan niya ng ganito yung tao.

Wala na akong nagawa kundi samahan siya buong gabi naawa na din ako sa kanya. Sa pagkakataong yun, kailangan niya ng taong magaalaga sakanya. At ako yun...

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now