CHAPTER 76

2.6K 43 1
                                    

After 3weeks

Sheryl's POV

Masikip sa dibdib, araw-araw diko na alam kung paano pa ako nakakabangon sa umaga, nakakapaglakad ng maayos. Halos ihihinga ko na lang diko pa mailabas ng maayos.

Tatlong linggo ng ganito, palala ng palala. Diko alam na aabot sa ganito. Tatlong linggo na akong nagpapakatanga at umaasa na babalik sa lahat ang dating kami ni hillary.

Halos buong linggo, lumuhod ako sa harapan ni hillary, magpakaawa na balikan niya ako,kapag wala siya sa office, susundan ko siya mapapansin niya ako, makikipagusap siya sakin pero ang cold, hanggang sa umiyak ako.

May scene pa nga hinarang ko ang kotse niya para lang hindi niya ako iwasan para lang kausapin niya ako. Pero wala parin.. Ang magpapansin sa trabaho, ginagawa ko na din..

Ang pinakamasakit pa nga nangyari doon yung nageffort talaga ako, nagpatulong pa ako kila Anne at sherwin na isurprise siya, may mangilan ngilan ding tao doon, hinintay ko siya/namin, pero namuti na ang mga mata namin sa kahihintay sakanya pero hindi siya sumipot.

Tinetext ko siya araw-araw kahit walang reply, tinatawagan ko siya kahit di niya sinasagot. Chinachat ko siya kahit seen lang. Hinihintay ko siyang lumabas ng building kung saan nandun yung condo niya pero wala pa din, nangyari nga yung tatlong araw akong nasa tapat ng condo niya. Walang kain, doon ako natulog sa loob ng kotse ko, natauhan lang ako ng sunduin ako nu blaster doon.

Desperada kung desperada, mahal ko talaga si hillary, ayoko siyang mawala dahil hindi ko talaga kaya, I know na first boyfriend ko siya pero ang tingin ko sa kanya pang lifetime, Hindi na ako bata para sa mga ganito dapat alam ko na kung paano magsettle ng mga ganito pero Myghad! Hindi ko talaga kaya!

Ngayon nandito ulit ako sa tapat ng building niya, hinihintay na lumabas siya, 6:30pm na.. Kanina pakong tanghali dito, di na rin kasi siya pumapasok..

Sobrang dilim ng langit, mukhang uulan pa ata, pero ayos lang may kotse akong dala. Ilang minuto pa ay natanaw ko na si hillary with??

"Sino yun?bakit nakapulupot pa yung kamay niya kay hillary?" Tanong ko sa sarili ko.  Lumabas ako ng kotse ko to see the girl clearly. 

Pumarada na yung sasakyan niya sa harapan nilang dalawa, pinagbuksan ni hillary ng pintuan yung babae, halos madurog ang puso ko ng halikan niya sa labi yung babae.. Halos di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon,

Umikot na si hillary papuntang driver seat, diko alam kung nakita niya ako pero parang nakatingin siya sakin.. Humakba pa ako papalapit sa kanya, wala akong pakielam kung masagasaan ako ng mga sasakyan, wala rin akong pakielam kung businahan nila ako. 

Nakatingin sakin si hillary, sigurado na ako.. Magkatagpo ang mga mata namin.. Ang mga mata niya..  May narinig akong malakas na busina.. Papalapit ng papalapit sakin parang wala atang balak na hintuan ako, pero wala din akong pakielam, tinatawag ako ni hillary kaya kailangan kong makalapit sakanya agad. 

"Hillary.."

Malapit na sakin ang sasakyan, di na ako makaatras..

"Hillary.." Bukambibig ko..

Lumuluha na ako, bakit ang hirap niyang abutin.. Pumikit ako, sabay ng pagbuhos ng ulan at kasabay ng paglapit ng sasakyan sakin..

"Hillary" ang huling salita ko..

------
Blaster's POV

" okay naman siya diba?" Tanong ko sa doctor

"She's fine" maikling sagot ng doktor nakahinga naman ako ng maayos doon..

My Model BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora