CHAPTER 23: Back to normal

4.6K 91 0
                                    

Its been 2months and 2weeks since nung natapos ang kontrata namin ni hillary, 4weeks na din ang nakalipas ng magtrabaho ulit ako,  masaya ako kasi nakabalik nako sa tunay kong trabaho, kung saan makakakuha na ulit ako ng mga larawan na matagal ko din hindi nagawa, namiss ko yung table ko sa office,  yung mga  bagay na nakalagay sa table ko, yung paggawa ko ng mga presentation, si anne sa sobrang pagkamiss sakin tuwing breaktime lagi akong nililibre ng yummy burger sa jollibee, lahat nakakamiss sobra

Kaya nga ngayon pinagbubutihan ko yung presentation ko mamaya,para sa upcoming event namin this BerMonths, nakaharap parin ako sa monitor ng computer habang yung mga katrabaho ko nagsisialisan na para magbreaktime.

"Ohh ito" sabi nung babaeng nakatayo sa gilid ko. Medyo nagulat ako pero alam ko na kung sino yun

"Bakit nagabala kapa?" Tanong ko kay anne

Kinutusan niya lang ako tsaka ngumiti, lokong babae to pati siya kinukutusan na ako naalala ko na naman siya

- FlashBack -

" aray! " sigaw ko tsaka ko siya tiningnan ng masama

" ano ba kasi ginagawa mo?" Inis na tanong niya sakin

" ehh ano ba kasi ginagawa ko hah?!" Inis din na tanong ko sakanya, tiningnan niya ako ng masama tsaka siya tumingin sa baba kaya napatingin ako

" oh ano alam mo na?! Ano ba kasi iniisip mo hah? Sisirain mo yung dinner natin nila manong" iritang sabi niya

Speechless ako kasi natapunan ko pala siya ng malamig na tubig HAHA! Kaya natahimik na lang ako

- end of Flashback -

"Hoy shishi! Nakikinig kaba?" Sigaw ni anne bigla naman ako natauhan nakatulala na pala ako

"Apat na burger yan kako kasi alam ko kailangan mo ng stress reliver tsaka alam ko naman na di ka magbbreak time dahil mamaya na yan" sabi niya na nakacross arms na nakaupo sa table ko

"Ahh ganun, thanks" sbi ko sabay ngiti, tsaka kumuha ng isa at nagtype ulit

" hmm,teka bakit pala hindi mo siya kasama bumalik?" Curious na tanong niya napatigil ako sa pagkagat dahil sa tanong niya

" may nangyari ba na di mo pa nakkwento sakin hah? " tanong niya na lumapit pa talaga sakin para tingnan ako sa mga mata ko

"Ano kaba? Alam kong tao ka pero wala lahat nakwento ko na sayo"sabi ko sabay iwas sa mga tingin niya

Pinagsingkitan niya pa ako ng mata na parang hindi naniniwala sakin, hindi naman talaga lahat naikwento ko sa kanya ehh, lalo na yung nahalikan ako ni hillary sa isla at sa loob ng kotse sa cheeks lang diko din alam kong bakit niya ginawa yun pero kinilig ako nun ahh, ayoko talaga sabihin yun kay anne gusto ko kasi secret na malupit ko lang yun

"Bakit hindi kaba naniniwala?" Tanong ko sa kanya, kailangan kong magpretend na nasabi ko na sakanya lahat

Tinitingnan niya parin ako ng diretso sa mata ko, yun yung way niya para magpaamin ng taong nagsisinungaling, kilala niya ako umiiwas ako agad kapag may ayaw akong sabihin sa kanya pero kailangan ko talaga magpretend kaya tumingin din ako sa mga mata niya ng diretso kaya umiwas siya

"Okay, nasabi mo na lahat ehh bakit nga hindi mo kasama bumalik?"pangungulit niya, minsan diko alam kong photographer talaga siya o reporter

"Bakit ? Namimiss mo?" Pangaasar na tanong ko sakanya tiningnan na naman niya ako tsaka ako inirapan

"Ofcourse not! Curious lang ako kasi sa tagal ba naman ng pagsisilbi mo sa kanya imposible namang hindi siya pumayag" sabi niya na nakataas ang kilay, hay imbestigador naman ngayon ang role niya

" kaya bakit?" Dugtong niya i have no choice but to answer, baka magsuspetsya pa siya

"Nagbakasyon siya, ayan okay na ?" Sagot ko na kumakagat ng burger

"Really?" Tanong niya ulit

"Yah, and i don't know why kung bakit, kaya wag ka ng mangulit, di niya ako stalker para alamin pa yun,okay?" Mataray na sabi ko sakanya

"Ohh well, goodluck sa presentation later, alis muna ako" sabi ni anne na mukhang satisfied naman sa sagot ko
"Mabuti pa nga " sabi ko na nakangiti, naglakad na siya palayo kaya nakahinga ako ng maluwag

Diko talaga alam kung bakit nagbakasyon siy pero sinabi Niya sakin kung saan, ewan ko ba sa lalaki na yun pero masaya ako kasi alam ko kung nasan siya..

Kalahating oras ang lumipas ng magsimula ang presentation, medyo kinakabahan ako yun feeling na parang ngayon lang ako magppresent, yung mga alipores ng bruhang babaeng katrabaho ko nakatingin sakin, ano pa ba aasahan ko ehh inggit sila sa beauty ko ehh
Kinse minutos pa ang lumipas ng dumating sila boss, kay sinet-up ko agad ang projector at laptop ko, tsaka inopen ko ang presentation ko

Bago ako magsimula ay huminga muna ako ng malalim, at nag sign of the cross, nagulat na lang ako ng may lalaking pumasok at umupo sa tabi ni boss,nakacap siya ng black at nakahood jacket, tumingin siya sakin at ngumiti

"Are you ready ms.ong?" Tanong ni boss kaya huminga ulit ako ng malalim, napailing pa ako

"Yes boss" sagot ko,diko maiwasang tumingin kay hillary kasi nakangiti siya sakin habang nakatingin sakin

"You may begin" sabi ni boss, lahat sila binuksan na yung mga folder na nakalagay sa harap nila

Mukhang siyang alien eh, nagpapacute ba siya o nangaasar para masira presentation ko, hay kung ano pa man yun, kailangan galingan ko

- after a half hour-

Kalahating oras din ang tinagal ng presentation, kaya medyo nakahinga nako ng maluwag, lahat naman sila satisfied sa mga sinabi ko, maraming mga tanong pero nasagot ko naman lahat kaya approved ..

Naiwan ako magisa dito sa confession room,wala naman nang tao ehh, napadukdok ako sa table

"Namiss mo ba ako?" Tanong nung taong bumulong sakin, hindi ako sumagot kasi kinilabutan ako ehh

May narinig akong gumalaw yung upuan, kay mas kinilabutan ako, ako na lang naman yung tao dito ehh, sino yung nagsasalita

"Ang galing mo kanina ahh, impressive" sabi niya, sa tono ba yun medyo kinutubam nako kung sino yun pero mali ehh nasa bakasyon siya kaya bakit siya mapupunta dito,

"Di mo ba ako titingnan" tanong niya
Lumingon nako sakanya, napahawak ako sa dibdib ko dahil nagulat ako sa kanya

Ang lapit ng mukha niya sakin kaya Napaatras ako, pero siya ang wide pa ng ngiti,

" ano ginagawa mo dito?" Tanong ko na umaayos ng upo

"Nakinig sa presentation mo,hindi ba obvious?" Pilosopo niyang sagot na nakangiti

"Wala ako sa mood makipagasaran MR. SEBASTIAN!" diniin ko talaga ang apelyido niya para ramdam niya

" me too, MS. ONG" sabi niya, abay ginagaya pa ako ng mokong to,pinandilatan pa ako ng mata akala mo naman may ididilat pa sa singkit ng mata niya

"Una na ako" pagpapaalam ko sa kanya,habang kinukuha ang mga gamit ko

"Hatid na kita" pagaalok niya napahinto ako sa sinabi niya, ihahatid niya talaga ako,

"No, may pera pa naman ako pauwi salamat na lang sa alok" sagot ko, palabas na ako ng confession room ng magsalita siya

"Really? Ehh ano to?" Sabi niya na may kinukuha sa bulsa niya

" makakauwi kaba talaga kung yung wallet mo na sakin?" Pangaasar niyang sabi, nakangiti pa siya

"Paano mo nakuha yan ! Akin na nga!" Sabi ko, takte! May lahi ba siyang magnanakaw paano niya nakuha yun

"Okay, tara na" sabi niya tsaka naglakad palabas ng confession room
"Wala pa kong sinasabi na ihahatid mo ako!!" Bulyaw ko sa kanya pero tuloy siya sa paglakad

"Nasakin wallet mo" sigaw niya
Wala na akong nagawa kaya sinundan kona lang siya

My Model BoyfriendWhere stories live. Discover now